"Go, Elo and Nolan!""Tangina, pinagpapawisan na sila!"
"Kita niyo 'yon? Ngumiti si Elo!"
"Si Nolan, nagpapakita na naman ng dimples. Ano ba?"
"Panty kalmahan mo lang, huwag masyadong magpahalata bawal kang mahulog dito."
Ganoon nalang ang tawa ko sa huling narinig. Matindi masyado ang tapang ng magbabarkadang nasa gilid lang. Kung isigaw ba naman ang pagkagusto sa magpipinsang kasalukuyang naglalaro ng basketball ngayon, halos wala nang bukas.
Nolan and Elo were both a member of this school's basketball team. Tuwing hapon sila nag-eensayo dito sa gymnasium, kasama ang iba pang miyembro ng mga gwapong mambobola. Ngayon ang ikalimang araw ko rito at nagugustuhan naman, kahit minsan ay napag-uusapan lalo na kapag nakadikit ako sa anim. My co-students are either loving or hating the sight.
"Nolan, please be mine!"
Awtomatiko akong napalingon sa huling babaeng sumigaw, kapagkuwa'y pasimpleng napataas ng kilay.
Girl, I had the same request. Kung pwede ko lang talagang ihiyaw ang parehong kataga, kanina ko pa ginawa. Iyong mas malakas at tagos sa utak ni Nolan, para hindi ako makalimutan.
"Ang tahimik mo yata?"
Naagaw ni Deb ang aking atensyon.
Kakarating lang nito dala ang mga libro. Nakatanggal na ang unang butones ng uniporme at wala na rin sa tamang pwesto ang necktie.
He looks like a bad boy now, with that slightly disheveled hair and arrogant look."Saan ka galing, bakit ganyan ang dating mo?" tanong ko pabalik.
"Natulog sandali sa likod ng classroom."
"Akala ko ba may meeting kayo?"
Siya ang presidente ng club nila. Bagay na kung iisipin ay masyadong nakakagulat, dahil hindi naman ito palasalita at may pagkatamad. Nabudol panigurado ng kagwapuhan niya ang boto ng nakararami.
"Hindi natuloy...Inamag ang utak ko, kaya nakalimutan ang sana'y pag-uusapan sa meeting."
"Tinamad ka lang talaga."
"Sa ano?"
Pareho kaming nagulat sa presensya ni Green. Malayang nakasablay sa balikat nito ang sariling bag. Hindi katulad ni Deb, malinis pa rin ang ayos.
"May meeting sana sila. Pero hindi natuloy kasi tinulugan ang responsibilidad," prenteng sagot ko.
"Nasaan si Blu?"
Muling umingay ang paligid habang pinagmamasdan ng mga kababaihan ang isa-isa pagdating ng sikat na magpipinsan. Ngayon ay si Red naman ang narito, kahali-halinang tingnan sa suot na eye glasses.
"Akala ko magkasama kayo?" nagtatakang tanong ni Deb.
"Nasa sasakyan na siguro."
"Hindi kami sasabay ni Aielle sa inyo ngayon."
Nagtataka akong napalingon kay Green.
"Bakit?"
"I brought my own car, may pupuntahan tayo."
Our eyes locked. Gustuhin ko mang basahin ang iniisip nito, napakahirap gawin lalo na ngayong wala na naman siyang pinapakitang emosyon.
"Saan?"
"Alis na kami," inilagay nito bulsa ng suot na slacks ang mga kamay, kapagkuwa'y umalis.
Hindi ko matanto kung susunod ba sa kanya o ano? I am so confused...
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...