Umalis muna si Nolan para tingnan umano ang mga kabayo.Babalik naman siya agad. Pero para siguradong hindi mainip, puntahan ko nalang daw diretso sa kusina ang mga magulang at ibang pinsan.
Subali't wala akong ideya kung saan ito matatagpuan. Noong unang beses na napadako rito'y hindi naman nasubukang mamasyal sa buong mansyon.
"May group project tayo-"
Hindi na natapos pa ni kuya Red ang sasabihin nang mamataan ako. Kakalabas lang nito sa isang pinto na pakiwari ko'y ang kanyang kwarto, hawak-hawak ang telepono. Kaklase siguro ang kausap.
Hindi naman siya ganoon katanda. Sa naririnig ko'y tatlong taon lang ang pagitan ng edad namin, pati si Green at kuya Blu. Samantalang si Nolan at Elo ay dalawang taon lang, at magkaedad naman kami ni Deb, ang nakababatang miyembro ng pamilyang ito.
Sa mismong mga trabahante ng taniman ko nakuha ang mga impormasyong iyan. Hindi naman sinubukang magtanong. Kusang ikinuwento nila ang mga bagay na alam tungkol sa magpipinsan noong sandaling dumako sa kubo upang sumabay sa pamamahinga.
Halos alam ko na nga ang tungkol sa kanila. Bukod nalang sa katauhan ng mga magulang. Nakakapagtataka ang katotohanang wala man lang silang kasamang matatanda sa malaking tahanan.
Nasaan ba ang mga ito?
I am getting more curious about them as time passes by.
"Nandito ka na pala," pinatay ni kuya Red ang tawag.
"Opo..."
"Opo?" bahagyang kumunot ang noo nito, "Ginagawa mo naman akong matanda."
"Kasi mas matanda ka naman talaga sa akin."
"I am only twenty. Twenty one naman si Green at Blue...Hindi mo kailangan ang maging magalang sa amin. Nakakasakit ka masyado ng tuhod."
Dahan-dahan akong tumango. Wala nang maisasagot pa rito dahil aminado namang ginagawa ko nga silang matanda. Gusto ko lang naman sanang maging magalang, subali't mukhang maling ideya pala iyon.
"Tara, sabay na tayong pumunta sa kusina," una siyang naglakad papasok sa malawak na koridor. Nagmistula naman akong buntot na nakasunod dito.
"Nandito na siya," anunsyo ni Elo nang mamataan ako.
May katabi siyang dalawang nang-uumapaw din sa kagwapuhang lalaki. One with a cleanly shaven hair and the other guy looks like a strict version of Elo. Blu and Deb...
"Dito ka maupo nak," iniusog ni mommy ang isang upuan palapit sa kanya. Si daddy sa tabi nito ay may ka-video call na kung sino.
"Oo naman. Makakaasa kang gagawin ko ang lahat ng makakaya para lumago ang negosyong bubuohin nating dalawa."
As usual, it's a business matter.
"Maganda 'yan Mr. Alfano."
Sinasabi ko na nga bang may iba pang dahilan kung bakit narito sila.
Tahimik akong naglakad papunta sa upuang inilahad ni mommy.
"Sino 'yan?" bulong ko.
"Daddy ni Red."
Mula sa ina, lumipat ang aking tingin kay Red. Pumwesto ito sa pinakadulong bahagi ng mesa, hawak pa rin ang telepono. Pasimpleng nagtatagis ang bagang tuwing naririnig ang boses ng ama. Animo may tinatagong pagkamuhi.
"Where's Nolan?"
Naagaw ni Elo ang aking atensyon.
"Sa labas... Titingnan daw ang mga kabayo."
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...