Chapter 17

76 5 0
                                    


The game goes on. Kadalasan sa mga tanong ay idinadaan ng iba sa inom. Especially those spicy ones.

Hindi sinagot ni Nolan ang tanong ukol sa mga babaeng kinikita niya ngayon. Blu denied his rumored relationship with this cheerleader in the campus. He said his girl want to keep things in private. Red is too determined to love himself more than he can ever do. Talagang seryoso siya sa pag-aaral at pagdedesinyo ng barko. His father had a ship line and he will inherit it in the future. Tinanggihan kasi ng kuya niya ang responsibilidad dahil may ibang hilig ito. Isang restobar umano. It already had five branches in the country and soon to have one or two overseas. Speaking of his brother, ngayon ko lang napansin ang pagkawala nito pati si ate Jee.

I don't want to think anything else. Iba ang pagkakakilala ko kay ate. Hindi siya ang tipo ng babaeng basta-bastang sumasama sa isang lalaki.

Maybe kuya Dashian is still talking with his father inside.

Baka tumutulong na naman sa gawaing bahay ang ate Jee ko. Ayaw no'n ang walang ginagawa e.

"If you need to save a drowning ladies. See for example, Isabel and Aielle...Sino ang una mong sasagipin?" seryosong tanong ni Nolan kay Elo.

"Bakit naman silang dalawa? Can't I choose between my mother and father?"

"For sure si papa ang sasagipin mo. Mas close ka sa kanya e," si Deb.

"Mali ka kapatid. Si mama ang una kong pupuntahan no," niyakap ni Elo ang kanyang mga binti, "Ang tanga naman masyado ni papa para magpasagip pa. He is a professional swimmer man! At pwede namang siya nalang mismo ang sumagip kay mama. That's no sweat in my part."

What a practical answer from a practical man. Halatang hindi niya man lang sinubukang isapuso ang tanong. That kind of question is meant to test a person's emotional attachment. Mukhang wala sa bokabularyo ni Elo ang maging maramdamin.

Dismayado kaming napailing.

"What if papa would experience leg cramp. Making him unable to swim?"

"Then reciprocal. Mama would save him. Pareho silang marunong lumangoy. I'll just leave the initiatives to them."

Halos magkasabay kaming lahat na nasapo ang noo.

He is hopeless. Nakakaawa ang mga makakasama niya. Mapapabayaan nalang ng wala sa oras.

"Titingnan mo lang si tita at tito na nahihirapan?" nakangiwing tanong ni Neoma.

"Hahagisan ko sila ng salbabida."

"This is a very bad idea. Let's just move on to other person. Wala tayong makukuhang maganda kay Elo," suhestiyon ni Blu. Bagay na sinang-ayunan naming lahat.

Hindi na ako magtataka pa kung isang araw bigla siyang isumpa ng sariling mga magulang.

"Kay Green naman tayo," pilyong nginitian ni Nolan ang pinsan, "Would you rather date a girl that is years younger than you, or you prefer girls your age?"

"I prefer girls my age. I don't baby sit," pagkasagot nito'y nilagok niya ang natirang inumin sa basong hinahawakan.

See?

Walang epekto sa kanya ang mga babaeng mas bata. He only see someone like me as a baby who needs to be taken care of.

I am just a younger sister to him.

May kung anong pait ang bigla nalang pumailalang sa aking sistema. Bagay na agaran ko rin namang isinantabi.

I should be glad over it. Now that I finally had an answer, I can be at ease. I don't need to overthink anymore. Walang ibang kahulugan ang mga ginagawa niya.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon