"Ang daw ang gagawin natin ngayon ate?" tanong ko nang hindi makuha ang sinabi ni ate Jee."May konting pagsasalo raw na magaganap. Maghanda raw tayo."
"Nandiyan na ba ang ibang Gilmour?"
Kakagising ko lang mula sa mahimbing na tulog matapos ang ginawang pagtitingin sa mga litratong nakuha namin ni Green kanina.
Hindi rin naman kami nagtagal sa pamamasyal. Mahirap na at baka kung saan pa kami makarating.
"Ano ang gagawin natin ngayon?"
"Maghahanda tayo. Nasa banyo na ang damit na susuotin mo."
Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. An ankle length long sleeve floral dress and pair of laced sandals. Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang balikat na buhok. Bagay na para sa akin ay kakaiba. Ni minsan ay hindi ko siya nakitaang walang tirintas. I didn't know she'll look extra good without braid.
"Hindi naman halatang handang-handa ka ate ano?" pagbibiro ko.
"Ano ba, nakakahiya naman," umiwas siya ng tingin. Ganoon nalang ang pamumula ng pisngi.
"Pero ang ganda mo."
"Sus, huwag mo nga akong binibiro!"
"Kailan mo ba kasi tatanggapin sa sarili mo na maganda ka?" umalis ako sa kama at lumapit sa kanya, "I actually envy your beauty. Kung pwede nga lang agawin ang kagandahan, wala ka nang mukha ngayon."
"Ikaw nga itong dapat kinaiinggitan. Nasa'yo na ang lahat e. Maganda, mayaman, matalino, at may anim na gwapong kuya," impit itong tumili.
"Makapagbihis na nga lang," tatawa-tawa akong pumasok sa banyo.
Hindi ko alam kung magandang ideya ang maging malapit sa magpipinsang Gilmour. Wala namang kainggit-inggit sa bagay na iyan. Tao lang din sila, mga gwapo nga lang. But still, aside from money and fame, there's nothing else that separates them from the rest.
Masinsinan kong pinasadahan ng tingin ang suot na pinili ni ate para sa akin. Isang white off-shoulder dress. Magmumukha akong mabait na babae nito. It's not that I am not kind. Its just...this dress will make me look really pure.
Bigla ko nalang naisip ang magiging reaksyon ni Nolan kapag nakita akong suot ito.
He was smilling widely and couldn't take his eyes off me.
I giggled at the thought. Dapat kong bilisan ang pag-aayos para masilayan na agad siya.
Mabilisan akong naghilamos, pagkuwa'y isinuot ang bestida. It fits perfectly on my body. Lalo na ang bandang baywang. Nade-depina nito ang hubog ng aking katawan. Maybe I'll let my long hair flow freely behind. In fairness, ate Jee had a good taste.
Ang ganda ko!
It's my first time wearing this dress. Kahit ako naman ang bumili, hindi ko minsan sinubukang sukatin. I just don't feel the connection to wear it. Not until this moment comes.
"Tapos ka na?"
"Opo!" mabilis kong sagot. Saka binuksan ang pinto ng banyo.
"Nasa baba na ang hinihintay nating mga Gilmour. Ang gwapo ng papa ni Red at Dashian!" kinikilig siyang tumalon-talon sa aking harapan.
"Just to remind you, he's a decades older than you," I tapped her shoulder.
"E naman kasi... Hindi ko mapigilang humanga sa papa nila."
"Paano naman ang mga anak?"
"Sa kanila rin," ngumuso siya. Nagsisimula na namang mamula ang pisngi.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...