Chapter 34

90 8 0
                                    


"Mommy, gising na ikaw," marahang niyuyugyog ni Aiden ang aking balikat.

I woke up, a bit confused. I am in an unfamiliar house. Luma na at-

Ah, tama! Dito nga pala kami huminto kahapon. Malakas ang ulan at delikado kung susuong kaya napilitang manatili rito ng isang gabi.

The sunrays were bleeding through the window. Mabuti at maayos na ang panahon. Taliwas naman sa sumasakit kong ulo. Dahil yata ito sa sobrang pag-iyak kagabi.

Matapos ang mahabang pagdadrama, bumalik ako sa fire place. Mahimbing pa ring natutulog sa sofa si Aiden. Samantalang si Green ay nasa harapan nito. Hawak ang kamay ng bata at hinahalikan.

He was staring at him lovingly. Na animo anak niya. Kagabi ko lang muling nakita ang malambot na katangian niya. Dahilan para muli na namang mapaiyak.

I ended up rushing back to the living room. I cried all night, until I fell asleep.

Hinilot ko ang aking sentido. Malabong ikubli kay Green ang nangyari kagabi. Sa sobrang pamamaga ng aking mga mata, kahit hindi sabihin siguradong malalaman niya lang din.

"What happened to your eyes?" Aiden curiously asked.

Pinuna pa talaga...

"It's nothing baby. Nakagat lang ng insekto."

Sana bago makarating sa Donia Alicia maging maayos na ito. Hindi ako pwedeng humarap sa mga kakilala na namamaga ang mata. Kung kaya kong lokohin ang sariling anak, ibang bagay na kapag ibang tao ang nakakita. Wala akong maisasagot sa kanila kapag naisipang magtanong. I never want to tell anyone about my life now.

"Let's go?" walang tinging tanong ni Green.

He was now carrying our things. Mukhang kanina pa nila hinihintay na magising ako.

I raked my hair with my fingers, then bit my lower lip.

Tutuloy pa ba talaga kami?

May tatlo, hanggang apat na oras pa bago tuluyang makarating sa Donia Alicia. Kung gugustuhin, pwede kaming umatras ngayon din at bumalik sa syudad. Dalawang oras pa lang ang layo namin do'n mula rito.

"Sumunod ka na here mommy," Aiden signaled me to hurry up.

Nasa bukana na ito at hinihintay ang paglabas ko.

I failed to consider how excited my son was yesterday for this trip. He can't wait to see the place where I had most of my extraordinary experience.

Kung ipipilit ko ang gusto, paniguradong masasaktan ang bata. Hanggang ngayon uunahin ko pa rin ba ang sigaw ng aking sistema?

I got on my feet and strutted outside.

Sige na nga, kakayanin kong bumalik sa lugar na iyon para kay Aiden...

Tahimik lang kami buong byahe. Muli akong natulog dahil hindi nakayanan ang sakit ng ulo.

"Two regular meal and one kiddie meal please."

"That's all sir?"

"You want something else baby?" I heard Green asking my son.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata. Pamilyar na imahe ng isang fast food chain ang agad nabungaran.

Minsan ay dito kami humihinto ni Nolan noon kapag napapadako rito sa isa pang syudad na madadaan bago ang lugar namin. Parehong ayaw mag-dine in, kaya palaging sa drive-thru ang bagsak. Pagkuwa'y didiretso sa bundok upang mag-stargazing. Nangako siyang ipapasyal ako tuwing uuwi sa Donia Alicia. And he did fulfilled the promise. Hindi niya ako minsan binigo. Until I decided to leave...Pagkatapos no'n, I cut ties with them.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon