"Dapat nandito si Red para may singer tayo.""Ayaw nga tayong kausapin."
"Ayan, awayin niyo pa."
Ano na naman bang klaseng komusyon ang nangyayari sa labas? Ang aga-aga may nag-iingay.
Antok akong bumangon at patalong umalis ng kama.
"Hindi ko naman kasi alam na may alitan pala sila ng papa niya."
"Talaga, hindi mo alam? E, ikaw pa nga mismo ang unang nagbalita sa amin tungkol sa sagutan nila ni tito."
"Ay ako ba?"
"Ayan ka na naman sa pagmamaang-maangan mo Elo."
Anong paandar na naman kaya ang naiisip ng magpipinsang ito? Nakabusangot ko silang sinilip sa bintana.
Gusto ko pa sanang matulog. I am dead tired due to our practice last night. Tinodo namin ang performance namin kagabi na animo nasa finals. Bukas na ang palabas. So far, we are doing great. Gagawa lang kami ng mga props ngayong araw at siguro'y dito pa rin sa bahay magkikita-kita.
Nagsiuwian kaninang madaling araw ang mga kaklase ko. Maaga raw kasi silang mamimili ng mga kagamitan sa syudad. It won't be that hard, because dad asked our driver to give them a ride back and forth with the Van.
Una akong napansin ni Nolan. Mabilis itong ngumiti at kumaway.
"Ano na naman ang gagawin niyo ngayon?" walang gana kong tanong.
Halos araw-araw ay ginagawa nila ito. Kung hindi manghaharana, simpleng magkukwentuhan lang ng kung ano-ano.
Napakaaga nilang gumigising araw-araw. Dahilan para magmistula nang alarm clock ko. Kung kaya ay hindi na muling nahuhuli sa klase.
"Ang ingay niyo kasi, ayan tuloy nagising natin siya," paninisi ni Elo sa kanyang mga pinsan.
"Ikaw nga itong pinakamaingay sa atin," singhal ni Nolan.
Bangayan ng dalawa ang sunod pumailanglang sa paligid.
Lantaran akong napairap, saka humalukipkip. Then, my gaze went to Green.
May dala na naman siyang bulaklak. It was a cute bouquet, with chocolates on top. Nakayuko lang siya at animo may malalim na iniisip. Nang wala sa sariling niyang iangat ang tingin sa akin, ganoon nalang ang tipid na ngiti.
He doesn't look alright today.
Medyo maputla siya at animo walang ganang makipag-usap sa kung sino. May sakit ba siya?
"Simulan na natin," suhestiyon bigla ni Deb. May hawak itong saging.
Hindi naman ako nasabihang may bago na pala siyang paborito ngayon. Pinalitan na ang manggang madalas na dala kapag napapadako rito sa amin. Kung babae lang ito, naisip ko nang naglilihi siya. At ginawa pa talagang upuan ang mga tsinelas. Marahil ay naumay sa paghihintay na magising ako.
"Sino ang kakanta?" si Nolan.
"Wala nang kanta-kanta, isipin nalang natin na may musika. Ideya mo ito kaya dapat ikaw ang mauna," marahas ni tinulak ni Elo ang naguguluhang pinsan sa harapan.
"Pumayag naman kayo e! Besides I only said let's make Aielle laugh today. Hindi ko naman sinabing paiinitin natin ang umaga."
"This is the best thing we can think of. Dito tayo magaling."
"Kayo lang... Pero-"
Ganoon nalang ang gulat ko nang biglang maghubad si Blu. I gasped heavily and let out a soft curse. Halos tabunan na ang mga mata nang maging ang iba'y magsihubaran na rin.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...