Chapter 26

62 4 0
                                    


Mapayapa ang tubig, malamig ang hangin dulot ng maulap na kalangitan, tahimik ang mga ibong nakadapo sa sanga ng kahoy. Nakamasid sa paligid. Tila naghahanap ng pagkaing malalantakan.

Pinili kong pumwesto sa gitna ng malaking bato at inilublob sa tubig ang mga paa. Kay sarap damhin ng maaliwalas na anyong tubig. Parang gusto ko tuloy maligo.

Three days left before graduation. Tatlong araw nalang at mamamaalam na ako kina Shan at Dome. Pati kay Blu, Red, maging sa lalaking iyon.

Mas lalo kong inilayo ang sarili sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

We don't talk anymore. Para saan pa't baka magkasagutan lang kami ulit. Wala kaming magandang sasabihin sa isa't-isa. Parehong matataas ang pride at wala sa amin ang gustong magpakumbaba.

Siyempre, labis na nagtaka ang iba. But they respect our silence. None of us want to share it to anyone. It is our own personal issue.

Mabuti at naabutan ko pa si Shan at Dome sa grocery store noong araw na bulabugin ni Green ang aming sana'y masayang sandali. Paalis na sana ang mga ito. Iniwan nalang sa gilid ang cart na pinaglagyan ng mga pinili naming snacks dahil wala naman umano silang sapat na pero pambayad sa mga ito.

But I forced them get it back, because we will gonna continue our walk and talk.

Gregor Sebastian Gilmour can never ruin our day!

And it really did.

Hindi na muling nagtagpo ang landas namin matapos iyon. Kahit sa eskwelahan, palagi siyang wala tuwing nakakasalubong ko ang ibang Gilmour. Ang sabi'y maraming requirements raw ang kailangang i-comply ng mga college graduating students bago tuluyang magtapos sa pag-aaral. They usually get home late at night due to their practice and other matter.

Kahit papaano'y alam ko pa rin naman ang mga pinaggagawa nila. Thanks to Elo and Nolan.

We also had our own photoshoot and practice for the graduation ceremony. May mga dokumento ring kailangang ipasa na kahapon natapos. We are a day ahead of them. Kung dadalo ba sa graduation nila, hindi ko pa alam.

Isang malaking isda ang aking namataan. Dahilan para mapangiti nalang bigla. It is swimming freely just below my feet. Kasama ang ibang maliliit niyang kauri.

"Cute," pabulong kong usal.

"I know."

Gulat akong napalingon sa likuran. Hindi man lang napansin ang presensya ni Blu.

He stood beside me, smiling a bit.

Ang gwapo niya sa bagong gupit na buhok. Nakadagdag pa sa pagiging attractive ang maliit na nunal sa ilong. He had long curvy eyelashes, narrow pointed nose, and thin lips. He is wearing white long sleeve folded until arms. Nakabukas ang unang dalawang butones nito. Making him look hot under the morning rays. He paired it with black trousers, black formal shoes and his gold expensive wristwatch added grace to his luxurious look.

"Ang gwapo mo," lantaran kong pamumuri sa kanya.

"Thank you," he smiled even more.

"Saan ang lakad natin?"

"May graduation shoot kami ngayon."

"Pati si-"

"Green and Red," siya na mismo ang tumapos sa sasabihin ko, "Still in conflict with my cousin?" he crouched a bit. Matangkad siya. Kailangan ko pang iangat ng todo ang aking ulo para lang magtagpo ang mata naming dalawa.

"Ewan," tanging sagot ko.

"Nagkasundo ba kayo sa isasagot niyo?" mahina siyang tumawa, "Ganyan lang din palagi ang tugon ni Astian sa amin. Minsan nga napapaisip ako na baka love quarrel talaga ang meron sa inyo," he stooped down .

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon