CHAPTER 2

784 38 6
                                    

After I had breakfast at the Restaurant ay dumiretso ako sa mall. Nagshopping lang ako ng mga bagong damit at ilang mga gamit para sa sarili ko. Next is bumili na ako ng mga gamit sa condo.

Inabot ako ng ilang oras sa pamimili. It was already afternoon when I finally go out on the mall and I forgot to eat my lunch. Hindi pa naman ako nagugutom kaya okay lang. Kakain nalang ako pag-uwi.

Ipinasok ko na sa kotse yung mga dala-dala ko at nagdrive kaagad pauwi sa condo. I parked my car at the parking lot. Kinuha ko na yung mga pinamili ko at nag-elevator na, isasara ko na sana yung elevator kung wala lang isang lalaki na naka-mask ang humabol pa papasok.

Hindi ko nalang siya pinansin at inasikaso nalang yung mga bitbit ko. I'm having a hard time on carrying them dahil sa dami. Dapat pala kaunti nalang muna yung pinamili ko.

"Miss kailangan mo ng tulong?" I heared the guy asked.

I looked at him for a second before shaking my head.

"No thanks. I can still carry these." I said, referring to the paperbags na naglalaman ng mga damit na shinopping ko.

"No, okay lang. Ako na magbibitbit nito ha."

Diretso na niyang kinuha yung ilang paperbags na nasa lapag at siya na ang humawak. Wala na akong nagawa, hindi ko na nagawang bawiin dahil hawak na niya at isa pa, hindi ko rin naman mababawi iyon dahil may hawak-hawak din ako.

"Anong floor ng unit mo?" he asked.

Hindi ko sana sasabihin pero siya ang malapit sa pindutan kaya sinabi ko nalang.

"19th floor." I answered shortly.

"Oh 19th? Same pala tayo." he said. Even if he's wearing a mask, I can say that he smiled. Kita sa mga mata niya eh.

I don't know what to say. Hindi naman ako madaldal na tao at mas lalo ng hindi ako kumakausap ng mga taong hindi ko naman kilala.

Hindi nalang ako nagsalita pa. He may see me as a snob person but it's partly true tho.

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami. Pinauna akong maglakad ng lalaki at nakasunod lang siya sakin. Pinapakiramdaman ko naman siya, baka kasi bigla siyang tumakbo kasama yung mga gamit na pinamili ko na hawak niya.

I immediately opened the door when we finally reached my unit.

"Pakilapag nalang dyan. Thank you for helping me carry those." pagpapasalamat ko sakaniya.

I'm expecting this guy to immediately leave but I was wrong.

"Okay lang, you're welcome. Ito pala condo unit mo? Eh yung samin yang nasa tapat lang eh." he said.

Tinanggal na niya ang face mask niya at tama nga ako, nakangiti siya. He has a beautiful smile, he's also handsome. And his jaw... I immediately shrugged that thought.

Hindi ako sumagot sakaniya at tumango lang.

I want him to go out. Awkward ako sakaniya. We're both strangers to each other, hindi ba siya naiilang. Tsaka kanina pa siya may ngiti sa labi. Parang ang saya niya.

"Ah, sige, mauuna na 'ko ha. Baka hinihintay na rin ako ng mga ka-grupo ko eh." sabi niya.

Agad na akong tumango. Lumabas na rin siya at pumunta sa mismong tapat lang ng unit ko. Tumingin pa siya sakin at ngumiti, then he waved his hand.

Isinara ko nalang ang pinto ko.

He's a little bit weird or hindi lang ako sanay sa mga taong kagaya niya?

Agad ko nalang siyang inalis sa isipan ko. Inasikaso ko nalang yung mga pinamili ko. Yung mga paperbag na may kinalagyan ng mga damit ko ay pinasok ko na sa kwarto ko at yung iba naman ay nasa sala pa.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon