CHAPTER 9

660 33 77
                                    

"So, friends na ba tayo?" Stell asked me.

We are here at the balcony, kung saan kami nagkakilala, nagkaalaman ng pangalan.

Hindi sinasadya na parehas kaming nandito. Actually siya ang nauna rito, hindi na sana ako tutuloy pa pero nakita na niya ako at inaya na kaya hindi na ako tumanggi.

And he's asking me if we're considered as friends just because I accepted his friend request from Facebook. Kanina ko lang siya inaccept at kagabi lang din yung pag-add niya sakin.

"Bahala ka." sagot ko nalang sakaniya at tumingin sa malayo.

It's only 5:45 AM. Hindi ko alam kung bakit sobrang aga kong nagising ngayon at hindi na rin ako makatulog kaya nga napagdesisyunan ko na tumambay muna rito para magpahangin.

"Anong bahala ako? Gusto ko manggaling sayo mismo. Baka mamaya sabihan mo nalang ako bigla ng feeling close sayo." aniya.

The truth is, hindi ko lang alam kung anong isasagot ko sakaniya. Hindi naman ako madaling makipag-kaibigan pero bakit sakaniya parang ang dali lang. And the way he talks when we see each other, casual na casual lang, yung parang matagal nang magkilala o magkaibigan ba. And everytime I see him, I always see him smiling.

"Oo na nga lang." pagpayag ko nalang.

Stell's face brighten up more because of what I've said. Mas lumapad din ang ngiti niya.

"Can I ask you something?" I asked him when I remember something.

"Oo naman. Ano ba 'yon?" pagpayag niya kaagad.

"Is it true that you're an idol? Member ka raw ng isang PPOP boygroup." I asked him directly.

I saw how he suddenly get shy. Nahiya pa, akala ko hindi na siya nahihiya base sa pakikitungo niya sakin.

"Oo. Sa friends mo ba nalaman yan? Mukhang fan sila eh." sabi niya.

I nodded my head. "Ano nga name ng group niyo?" I asked him again.

"SB19." Stell answered immediately. Napatango nalang ako. "Alam mo, ipapakilala kita sakanila if we have the time. Kapag nagkita ulit tayo."

I immediately shook my head. "N-No, kahit wag na, nakakahiya naman sakanila." pagtanggi ko.

"Wag kang mahiya. Mababait lang naman yung mga 'yon. Remember Justin? Yung pinakilala ko na sayo last time kasama mga friends mo sa condo mo. Kagrupo ko 'yon." sabi niya.

May mga iba pa siyang sinabi, hindi na ako halos makasagot dahil salita lang siya ng salita kaya napapatango-tango nalang ako.

One thing I noticed again with him. He's humble based on how he act and how he speak. Precious said that he's a member of a famous group here and I'm amazed that he acts like this. Yung parang tropa lang din.

Hindi ko talaga inakala na idol siya. I mean, he has the looks, and I sometimes hear him sing and his voice is beautiful. But I still don't see him dancing kaya wala pa akong masasabi tungkol doon.

Bihira lang ang taong kagaya niya sa industriya, alam ko. Because I've already encountered so many celebrities and artists na maganda lang ang ugali kapag on cam. But when the camera is off, oh girl, they are trash. Kaya siguro kahit marami akong nakikilala, mahirap akong magkaron ng kaibigan. But looking at Stell now, wala na akong masasabi.

"Ah, Stell, I'm going inside. The sun is shining already." I said.

Hindi namin pareho namalayan na 6:30 AM na at sumisikat na ang araw.

"Sige. Papasok na rin ako. Lumabas lang talaga ako kanina kasi ang aga kong nagising eh, di na ako makatulog." he said and he stood up, ganon din ako.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon