CHAPTER 34

824 33 24
                                    

STELL's POV

Alam kong nasaktan ko ngayon si Azie. Well, hindi ko naman ginusto yung nangyari eh. Hindi ko alam na may ganon na mangyayari, kung alam ko lang edi sana umiwas na ako.

Kaibigan lang naman namin si Giselle. Alam ko noon na may gusto siya sakin pero ilang taon na yung nakalipas, wala lang nga 'yon sakin eh, wala naman akong nararamdaman sakaniya. Kaya nagalit ako sakaniya, basta-basta nalang niya akong hinalikan na hindi naman dapat. At nakita pa 'yon ni Azie.

Susundan ko dapat si Azie pero hindi ko na nagawa dahil biglang dumating yung boss at manager namin. Hindi ko sakanila iyon pwedeng sabihin agad sa ngayon dahil alam kong mabibigla sila. Pero sasabihin ko rin ang tungkol sa amin ni Azie, uunti-untiin ko lang.

Alam ko rin yung nangyari kay Azie. Sinabi sakin ni Paulo at Justin na nakita nila si Azie, sa loob ng kotse umiiyak at parang wala pa sa sarili. Sinabi nila na muntik nang makasagasa si Azie. Alam ko na nagkaganon siya dahil sa akin, dahil sa nakita niya. Pinagsabihan na rin ako ni Paulo tungkol doon.

Kaya naman nung malapit nang gumabi ay dumiretso kaagad ako sakaniya but unfortunately, naabutan ko naman siya na lasing. Sinusubukan na siyang kausapin nang mga kaibigan niya nung dumating ako. Pati ako, sinubukan din nilang kausapin tungkol kay Azie pero pinakiusapan ko naman sila na sa susunod nalang. Si Azie ang importante sakin, siya ang kailangan kong makausap agad.

Nagulat nga lang ako sa mga susunod na ginawa ni Azie. Hinalikan niya ako at umamin na rin siya.

Tahimik lang akong nakikinig sakaniya. Dapat pala sasagutin na niya ako pero hindi lang natuloy. At sa kauna-unahang beses, narinig ko mula sakaniya, mahal niya ako, mahal niya rin ako. Alam ko na dapat na matuwa ako pero parang mas nasaktan pa rin ako. Kasi nasaktan ko siya eh, nasaktang ko yung taong mahal ko at mahal ako.

Pakatapos non, nang hindi na siya nagsasalita ay nakatulog na pala siya. Inayos ko nalang ang higa niya. I laid Azie in her bed tsaka ko siya kinumutan. Habang nasa tabi pa rin niya ako ay tinitigan ko siya. Pinunasan ko ang luha niya. Ganito nalang talaga ang nakagawian niya, umiiyak nang patago, yung mag-isa lang siya at walang nakakakita.

AZIE's POV

The next day I woke up, naramdaman ko na parang may nakayakap sa akin. I slowly opened my eyes, to see Stell beside me. What the? He slept here?!

Oh, I closed my eyes in embarassment when I remembered what I did yesterday. Hinalikan ko nga pala siya. I even pushed him on the bed, pero mabuti nalang wala nang ibang nangyari. Tsaka umamin lang naman din ako, sinabi ko na yung totoong nararamdaman ko sakaniya. And I think it's a good thing, para maging aware siya.

I slowly get up from bed pero hindi pa man ako tuluyang nakakabangon ay hinapit na agad ako ni Stell sa bewang dahilan para mapahiga ulit ako sa tabi niya. Ikinulong niya ako sa bisig niya, now I can smell his scent, bango ah.

"I'm sorry, mahal..."

Saglit akong natigilan. Tinawag niya ulit akong mahal.

Para hindi niya makita ang reaksyon ko ay mas isiniksik ko ang sarili ko sakaniya. I hugged him very tight.

"Yung nakita mo kahapon, hindi ko ginusto 'yon ha." he softly said. "Hindi ko alam na may gagawin na ganon si Giselle. Pinagsabihan ko na siya, actually hindi lang ako, pati sina Paulo pinagsabihan din siya dahil mali naman talaga yung ginawa niya. Iiwas na rin ako sakaniya."

I just let him speak so I can hear what he wants to say.

"Pero ngayon, ikaw yung mahalaga. Sorry talaha ha. Sorry dahil nasaktan agad kita. Pero ngayon, sinisigurado ko sayo, ikaw lang talaga yung mahal ko-"

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon