CHAPTER 5

725 37 25
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising, it was just 6:00 AM when I woke up at hindi naman ganon yung oras ng gising ko dahil madalas ay 8:00 AM na. Maybe it's just because of the thought that Precious and Crystal will arrive here, na-excite siguro ako.

Ininit ko nalang yung natira kong ulam kagabi at iyon ang kinain ko pang-almusal.

Hindi naman ako nagmamadali sa pagkilos ko dahil 10:45 AM ko pa naman sila susunduin so I still have time.

Pakatapos kong mag-breakfast ay chineck ko muna ang kabuuan ng condo ko. I'm just making sure na maayos iyon at malinis. Pakatapos ay pumasok ako sa kwarto ko para maghanap na ng damit na isusuot. Hindi naman ako maarte pagdating sa ganon, kung ano lang makuha ko ay yun na ang susuotin ko.

Naligo na rin ako. I take my time while taking a bath. Pakatapos ay agad na akong nagbihis. I only wear a puff sleeve crop top and I partnered it with my pants.

Maya-maya lang din ay may nag-videocall sa akin. I found out that it's on our group chat so I joined their call. Si Bella at Adam lang ang kausap ko.

"Susunduin mo na sila?" rinig kong tanong ni Adam.

Sinusuot ko kasi yung flat shoes ko at may suklay sa buhok ko so I'm not able to give them a full attention pero nakikinig ako sakanila.

"Oo." sagot ko nalang at tumayo na.

Tumapat na ako sa salamin at nag-ayos.

"Naks naman Zie. I wish I can also go there." rinig ko naman na sabi ni Bella.

Saglit akong tumingin sa screen ng phone ko, tumingin ako sakaniya.

"You can freely go here, if you really want." I said.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa salamin. As usual, I put on just a light make-up and my lip tint. Ayos na 'to para sakin, hindi ko naman ginagawang coloring book ang mukha ko.

"Pero kasi si Lola, maiiwan dito. Bwisit na kapatid ko kasi, mas inuuna pa yung landi." ramdam ko ang inis ni Bella habang sinasabi niya iyon.

I bitterly chuckled on my mind na parehas lang kaming nabubwisit sa kapatid. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko iyon at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ihanap mo sila Zie ng jowa ha." natatawang saad ni Bella.

Nagsalubong ang kilay ko dahil doon.

"Wala akong mairereto. Wala naman ako masyadong kakilala rito, alam niyo naman iyon. Kayo lang naman ang kino-consider kong kaibigan." sabi ko.

"Alam namim." mayabang na saad ni Adam kaya inirapan ko nalang siya.

Nag-usap pa kami habang nag-aayos ako. Pakatapos ay nagpaalam na ako sakanila nang aalis na ako.

I get my sling bag at doon ko nilagay ang phone at wallet ko. Iyon lang ang dinala ko at lumabas na.

Pakalabas ko ng unit ko ay nakita kong may babae na sa tingin ko ay mas matanda sakin ng three to five years na nasa labas ng unit nila Stell. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako kaya ngumiti nalang ako ng maliit bago tuluyang umalis.

Agad akong sumakay sa kotse at nagdrive papunta sa airport. Nagplane kasi sina Precious kanina kaya doon ko sila susunduin sa airport. Madali lang silang nakarating dito sa Manila dahil naisipan ba namang mag-eroplano ng mga baliw. Di naman halata na excited eh.

Mabilis akong nakarating sa airport. Pagkapasok ko ay lumilinga-linga na ako habang naglalakad. Alam kong nakalapag na sila dahil inestimate ko ang oras at hindi nga ako nagkamali dahil hindi rin nagtagal ay nakasalubong ko na sila.

I immediately saw Precious and Crystal, halos bumungisngis na si Precious nang makita ako. Pero napakunot ako ng noo nang makita kong may nakasunod pa sakanila na isang babae. Nag-mask pa ang gaga pero nakilala ko naman. Angela is with them.

"Hoy, we missed you." Precious said and she immediately hugged me.

Yumakap ako pabalik pero gulat pa rin ako na kasama nila si Angela.

"Surprise girl." Angela said then she took off her mask.

I'm definitely happy right now. I am surprised.

"Gaga." sabi ko nalang.

I pulled them three for a hug, nag-group hug kami. Hindi ko alam na nanunubig na pala ang mata ko nang mapansin iyon ni Precious.

"Oh, wag iiyak." pang-aasar niya kaya mahinang hinampas ko siya.

"How are you Crys?" I asked Crystal while wiping my tears.

"Medyo okay na, ata." sagot niya, parang hindi pa siya sigurado.

I smiled at her. "You'll be okay." I said to her.

"Tara na nga. Ayoko ng drama ha." pag-aawat samin ni Precious.

Natawa nalang ako sa inasta niya. Oh, how I missed these girls. Sayang at hindi kumpleto.

I helped them carry their things. Sa likod iyon ng kotse ko inilagay. Nasa shotgun seat si Precious at sina Angela and Crystal ang nasa backseat.

We're on our way to my Tita's restaurant, doon nalang kami maglulunch. Alam ni Tita na dadating yung mga kaibigan ko dahil nasabi pala ni Daddy, alam na rin niya na doon ko dadalhin ang mga kaibigan ko for lunch.

"Diretso na ba tayo sa condo mo?" tanong ni Precious habang nagddrive ako.

Simple lang ako na umiling. "Daan muna tayo sa restaurant para makapaglunch na tayo." sabi ko.

"Treat mo?" Angela asked.

I just nodded my head and continued driving.

Nang makarating kami sa restaurant ay naghanap agad kami ng table na para sa aming apat. May waitress na lumapit sa amin at ibinigay yung menu.

"Good day Ma'am." bati sa amin ng waitress.

I just smiled a little and let my friends order the food they want. Ako ay yung palagi ko nalang na kinakain kapag nandito ako.

"Is Tita here?" I simply asked the waitress, matagal na siyang nagtatrabaho kaya kilala na niya ako na pamangkin ako ng may-ari nito at ng boss nila.

"Wala pa po Miss Azie." the waitress answered.

I just nodded at her.

Panigurado busy na naman iyon si Tita. Ipapakilala ko sana sakaniya sila Princess eh.

Hindi rin nagtagal at nakapili na sina Princess at umalis na rin yung waitress. We'll just wait the foods to be served. Madali na lang iyon.

"Ano yun Azie? Ano yung tinanong mo sa waitress?" tinanong ako ni Crystal.

"Nothing. I just asked if Tita is here. Wala raw. Ipapakilala ko sana kayo." sagot ko.

"Tita?" takang tanong ni Angela.

I nodded. "Yes. My tita owns this restaurant, siya rin ang pinaka-boss dito." I said.

Halatang nagulat sila sa sinabi ko. Sabagay, I never told them about this.

"Ay iba, yamanin. Tignan mo naman 'tong restaurant, may class, pang-mayaman." sabi ni Precious.

"Tita worked hard for this. Kaya siguro di na rin nagka-asawa at anak, kasi finocus niya yung sarili niya sa mga goals niya." I said.

Napatango nalang sila.

Sinerve na rin kaagad yung mga pagkain samin kaya nakakain na agad kami. Nagsasalita pa rin naman sila paminsan-minsan habang kumakain.

Sinabi rin nila na masasarap yung pagkain and they aren't lying.

"Hala si Azie!"

I heared someone's voice say my name. Napatigil ako sa pag kain at nagsalubong ang kilay.

"Gaga sino yun? Parang pamilyar yung boses." ani Precious.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon