STELL's POV
Hindi ko talaga aakalain na makakasama ko, namin para sa concert yung Kuya ni Azie. Mabuti nalang nandito pa pala sa Manila si Kuya Alex.
Mabilis na nakuha ni Kuya Alex lahat ng kailangan niyang gawin sa sayaw kaya hindi kami nahirapan. Tama nga yung kwento sakin ni Azie na magaling sumayaw si Kuya Alex, at choreographer din pala siya noon kaso ngayon ay hindi na raw.
Sa ngayon ay madalas naming nakakasama si Kuya Alex para sa concert, papalapit na nga pala ng papalapit 'yon, isang linggo nalang.
"Stell."
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Pumasok sa studio ang manager namin, si Kuya Drake. Kuya ang tawag namin sakaniya dahil matanda siya samin ng limang taon din, ayaw niyang Sir ang tawag namin sakaniya kaya Kuya nalang.
"Bakit Kuya?" tanong ko at lumapit sakaniya.
"Labas tayo, usap tayo saglit." sabi niya kaya tumango nalang ako.
Nagpaalam ako sa mga kagrupo ko. Nakita naman nila na manager namin ang kasama ko kaya hinayaan na nila ako.
"Are you really serious about sa sinabi mo last time sa akin? Kasi naniniwala na ako."
Hindi ko agad nakuha kung anong ibig sabihin ni Manager kaya nagtataka ko siyang tinignan. Marami-rami rin akong nasabi sakaniya kaya hindi ko alam kung alin doon.
Bumuntong hininga pa siya bago magsalita ulit.
"About the girlfriend thing."
Dahan-dahan naman akong napatango. "Opo." sabi ko.
Nasabi ko na nga pala kay Manager na may girlfriend na ako pakatapos ng first monthsary namin ni Azie noon. Akala niya nagbibiro lang ako dahil minsan na kaming nagkabiruan ng ganon. Hindi agad siya naniwala sa sinabi ko kaya hinayaan ko nalang muna. Sinabi ko 'yon sakaniya dahil manager namin siya, kaibigan na rin. Hinayaan ko siya and I gave him time to process it.
"Sinong may alam? Bukod sa mga kagrupo mo?" pagtatanong ulit ni Kuya Drake.
"Yung mga malalapit lang samin. Yung families and friends lang namin. Bukod doon, wala na." sagot ko.
"Nagkakaproblema ba kayo dahil sa sitwasyon? I mean, private yung relationship niyo, hindi pa kayo makabwelo. Okay lang ba 'yon sa side ng girlfriend mo?"
"Napag-uusapan naman po namin Kuya Drake. Naiintindihan po niya." I answered honestly. "Ako nga itong nagpost noon ng picture niya sa Instagram ko." sabi ko at tumawa ng mahina.
"Then good, understanding naman pala siya."
Napatango nalang ako habang may maliit na ngiti sa labi.
"Oo, nakita ko yung post mo na 'yon. Yung reaction ng fans mo, ninyong lima, halo-halo diba. All of them was confused, shocked, they are all wondering." sabi niya. "Ikaw ba naman magpost ng picture ng babae sa Instagram mo at alam ng lahat single ka."
"But don't worry Stell. I'll talk to the higher ups. I know they will understand."
Binigyan ko lang ng sinserong ngiti si Kuya Drake.
Kagaya ng sinabi ko noon kay Azie, uunti-untiin ko, namin.
Wala akong balak na itago 'to ng matagal, hindi deserve 'yon ni Azie. Alam kong magiging sobrang masaya siya kapag malaya na kami. Gusto ko siyang magpatuloy yung pagiging masaya niya. Ayaw ko nang bumalik siya sa dati na malungkot at parang cold kung titignan. Azie deserves the world, at ibibigay ko 'yon sakaniya. Kahit na ilang away o tampuhan ang dumaan, hindi non mababawasan ang pagmamahal ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...