STELL's POV
Tahimik lang ako habang nakangiti na sumusunod kay Azie dahil hila-hila niya ako. It's five in the afternoon, papanoorin daw namin ang sunset.
Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to sa Bicol. I mean, nakapunta na akong Bicol pero para sa isang event lang 'yon at agad din naman kaming bumalik sa Manila. Pero ngayon, dahil kay Azie, ilang beses na rin niya akong sinama sakanila.
At ngayon nasa isang beach kami.
Alam kong may pinaplano si Azie, malakas ang kutob ko at medyo matagal na rin akong nakakahalata sakaniya. May plano rin naman ako. Ang alam niya kaming dalawa lang ang nandito sa beach pero hindi, nandito ang pamilya niya at yung mga kaibigan niya
Azie is smiling widely, ganyan na ganyan ang gusto kong nakikita sakaniya. Gusto ko na nakikita siyang nakangiti at masaya dahil alam kong deserve niya.
Sa nakalipas na tatlong taon, lagpas pa nga. Natural lang naman kami, kahit na minsan ako yung nagiging cause ng away o tampuhan namin ay kaming dalawa ang nagsosorry, pati siya mismo, nagsosorry din minsan kahit ako naman ang may kasalanan. Sobrang bait lang niya eh.
"Ang ganda ng sunset 'no mahal?"
"Oo, maganda." saad ko habang nakatitig sakaniya.
"Yung sunset ang tinutukoy ko. Ba't sakin ka nakatingin?" tanong niya nang lumingon siya saglit sakin.
I just shook my head lightly at tumingin nalang din sa sunset. Maganda naman, pero mas maganda talaga siya.
Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang papalubog na araw hanggang sa ipaikot niya ang braso niya sa akin, she's clinging herself in my arm. Narinig ko na bumuntong-hininga siya pero hindi kagaya ng dati na namomroblema siya.
"Mahal, I'm ready."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Alam ko kung anong tinutukoy niya.
Ang corny ata para sa lalaki pero hindi ko maiwasan na maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Alam ko..."
"What? How?"
Nilingon namin ang isa't isa at medyo salubong ang kilay niya kaya mahinang natawa ako.
"Naramdaman ko lang." sabi ko.
"And then?"
Natahimik kami saglit at hindi muna ako nagsalita. Ilang sandali lang ay umiwas siya ng tingin sakin at ibinalik ang tingin niya sa harap.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsimangot niya nang kaunti. Akala niya ata may sasabihin o gagawin ako, well, meron naman talaga. At gagawin ko na.
"Ready na rin ako, matagal na..." sabi ko sabay kuha ng isang bagay sa bulsa ko tsaka ako lumuhod sa harap niya.
Bahagyang nagulat si Azie sa ginawa ko at mas lalong nagulat lang nang makita niya akong nakaluhod sa harap niya habang hawak-hawak ang isang bagay.
"Matagal na akong handa Azie. Ikaw lang naman ang hinihintay ko, diba. Kaya ngayon, ngayon na ang tamang oras para tanungin kita at makuha ang sagot mo..." napahawak siya sa bibig niya dahil sa gulat at nakita kong nanunubig na rin ang mata niya. "Azie, will you marry me?"
Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad na tumango.
"Yes..." she said while nodding. "I will marry you."
Agad ko nang isinuot sa daliri niya ang singsing. Ang singsing na medyo matagal kong tinago para hintayin lang ang oras at araw na 'to.
Tumayo na ako at agad naming niyakap ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
ФанфикAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...