CHAPTER 31

829 34 41
                                    

AZIE's POV

Halos tumunganga nalang ako ngayon. Today is the day that I'm going to meet Stell's parents. Nandito na kami sa kanila actually pero hindi pa kami bumababa ng kotse.

I can't admit to Stell that I'm feeling nervous. Bakit parang nung kakausapin ni Stell sina Mommy parang relax lang siya. But now that it's my turn to talk and meet his parents, sobrang kabado ko. Baka dahil hindi lang ako sanay sa mga ganitong scenarios?

"Tara na? Naghihintay na sila sa loob." Stell suddenly said.

I didn't say a thing and I just stared at the two storey house in front of us.

Nakabukas naman ang aircon dito sa kotse pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako. I'm sweating for God's sake!

"Azie, wag kang kabahan." Stell said softly. "Mababait naman sila eh. Tsaka sinasabi ko sayo, mafifeel at home ka nalang mamaya sa sobrang welcoming nila." he added.

I bit my lower lip because of nervousness.

I breathed in and out, trying to calm myself.

"O-Okay, l-let's go." I finally said.

Stell smiled at me.

Bumaba na kami sa kotse. Lumapit nalang sakin si Stell nang mapansin hindi pa ako gumagalaw. He held me on my wrist and make me followed him inside their house.

Habang papalapit na kami ng papalapit sa pintuan nila ay parang mas kinabahan ako at medyo lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.

"Ma, nandito na kami!"

My eyes widened a little because Stell shouted. Kailangan bang sumigaw?

I immediately see a woman walking downstairs when we finally entered their house. She looks so excited while looking at us.

"Stell, anak! Siya na ba?" Oh, she's Stell's Mom.

"Opo Ma. Si Azie po."

In an instant, nakita ko nalang ang Mama ni Stell na nasa harap ko habang nakangiti.

I just smiled and greeted her. "G-Good day po Ma'am- I mean Tita." naalala ko na sinabi nga pala ni Stell sa akin na Tita ang itawag ko sa Mama niya at Tito naman sa Papa niya.

Bigla rin tuloy akong napatanong sa sarili ko. My greeting sounds very formal. Nasanay lang ata ako dahil sa trabaho ko noon.

"Nako Azie, kay gandang babae mo naman pala talaga!" nakangiting sambit ni Tita.

I shyly smiled and thanked Tita for the compliment.

"Oh, andito na pala kayo." we heared a man said.

"Pa" Stell uttered.

"A-Ah, hello po Tito." pagbati ko rin.

"Kakarating niyo lang ba?" Tito asked us and we just nodded.

"Si Lola nasaan?"

Saglit akong napatingin kay Stell. Lola, may Lola pa pala siya.

"Natutulog. Ano, gusto niyo ba ng meryenda? Maghahanda ako."

Sa akin nakatingin si Tita. She's like waiting for my answer kaya napatingin ako kay Stell. He's just smiling a little.

"Ah, n-no, it's okay po Tita. Wag na po kayong mag-abala. Nakakahiya naman po." pag-amin ko.

I really hate this side of me. Minsan sa sobrang ilag ko sa tao, hindi ko na alam kung anong dapat isasagot ko. Or kung tama pa ba ang mga pinagsasasabi ko.

"Ay nako, halika." Tita said as she grabbed me on my wrist and made me followed her on the kitchen.

Mabuti at nakasunod lang si Stell.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon