CHAPTER 21

672 31 15
                                    

STELL's POV

Mula kaninang umaga ay parehas kami ni Paulo na walang kibo sa isa't isa. Nadamay pa tuloy yung tatlo dahil hindi na rin sila masyadong nagsasalita at nangungulit. Hanggang sa kanina sa pag-umpisa namin pag-practice, lahat kami seryoso lang.

Ngayon na break namin ay nakaupo lang ako dito sa gilid at kinakalikot yung cellphone ko.

Alam ko si Justin at Ken ay hindi masyadong makapag-ingay ngayon dahil naririnig ko na halos magbulungan nalang sila. Habang si Josh, ganito rin sakin, nagcecellphone rin. Si Paulo, ewan ko.

"Usap tayo."

Napaangat ako ng tingin kay Paulo nang lapitan niya ako at pumwesto sa harapan ko.

Bahagya akong kinabahan kaya napalunok ako bago tumango.

Sinenyasan niya ako na sa labas kami ng dance studio kaya tumayo na ako. Napansin namin na napatingin samin yung tatlo pero sinabihan sila ni Paulo na mag-uusap lang kami kaya dahan-dahan nalang silang napatango.

Nang makalabas na kami ay parehas kaming hindi pa muna nagsalita. Parang nakikiramdam pa kami sa isa't isa. Hindi ako sanay ng ganito kami.

Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Sorry"

"Sorry"

Nanlaki ang mata ko at mahinang natawa nang magkasabay pa kami. Narinig ko rin na mahina rin siyang natawa.

Nawala na yung kaba ko.

"Hindi, seryoso kasi Stell, sorry sa kahapon." sabi niya kalaunan.

Napatingin ako sakaniya. "Sorry din. Hindi ko naman gusto na magkasagutan tayo kagabi eh." sabi ko.

"And also, I want to clear na hindi ko gusto si Azie. Kaibigan lang siya para sakin, sa amin. Nag-worry lang talaga ako eh, alam mo na..." sabi niya.

Ngumiti ako ng maliit. "Alam ko naman iyon, na hindi mo gusto si Azie. Kahit ako nabigla lang kung paanong lumabas iyon sa bibig ko eh." sabi ko at mahinang tumawa. "Tsaka, sinisigurado ko sayo, sainyong apat, walang makakasagabal sa career natin. Walang magbabago don." paninigurado ko pa.

Nakangiti na rin ngayon si Paulo.

"Ayon, nice. Bati na tayo ah." sabi niya.

Tumango lang ako habang may maliit na ngiti sa labi.

Ngayong ayos na kami ni Paulo, si Azie nalang ang aalalahanin ko. Mamaya talaga pagkauwi namin, pupuntahan ko siya agad sa condo niya para makausap ko na siya.

Sobrang nag-aalala ako sakaniya kahapon pa...

AZIE's POV

"Iwan muna kita rito ha. Babalik lang ako sa unit ko saglit, may aayusin lang ako tapos babalik din kaagad ako. Isasama ko na si Precious." sabi ni Angela.

Yes, she's here. She's here mula pa kagabi, exactly that I needed someone. Mabuti at dumating siya.

Nadatnan niya akong umiiyak kagabi. Hinayaan niya muna ako na umiyak and that's why I let myself cry hard last night. Matagal nang panahon simula nung umiyak ako sa harap ng ibang tao dahil madalas ay umiiyak ako kapag ako nalang na mag-isa. Because I don't want people to know how weak I am.

"Kumain ka nalang kapag gusto mo na." huling sinabi ni Angela bago siya umalis.

Nang makalabas na siya ng unit ko ay agad na akong kumilos. Even though I'm not feeling well after what I did last night.

Nagbihis ako. I wore an oversized hoodie and my pants. Hindi na ako nag-abala na mag-ayos pa. Nagsuklay lang ako ng buhok ko pagkatapos ay kinuha ko na yung mga kailangan ko. My phone, my wallet, car key, at kung ano pa.

Agad akong umalis ng condo nang hindi nagpaalam sa mga kaibigan ko. Even Angela didn't knew na aalis ako. Pupunta nalang muna ako sa bahay ni Tita Emi. I want to be there for a while, gusto kong mapag-isa dahil kung nasa condo lang ako ay tiyak pupunta sina Precious, at kung sa hindi inaasahan, baka si Stell pa ang pumunta.

I still managed to drive kahit na mabigat ang pakiramdam ko. Hanggang sa makarating ako sa bahay ni Tita.

Tita is here, dahil nandito pa ang kotse niya. After I parked my car ay pumasok na agad ako sa loob ng bahay.

As usual, tahimik ang buong bahay dahil wala naman ibang nakatira rito.

Habang dahan-dahan na akong umaakyat sa hagdan ay sakto namang nakita na ako ni Tita. She looked at me shocked, she didn't expect that I will come here, and she's also worried when she saw me.

"Azie, ba't ang tamlay mo?" nag-aalala niyang tanong at inalalayan na niya akong tuluyan maka-akyat. Dumiretso kami sa kwarto ko rito.

"I'll stay here for a while Tita." mahina kong sambit nang makaupo ako sa kama.

"Sure. Magpahinga ka na nga muna dyan. I'll just go downstairs and I'll prepare you food. Mukhang hindi ka pa nga ata kumakain." Tita said.

Hindi nalang ako nagsalita at yumuko nalang.

I waited for Tita to leave my room and when she did, agad na akong nagpalit ng damit. I changed and wear a black tube for my top and shorts. Binuksan ko rin ang aircon at sinara ang pinto ng kwarto.

I want to rest myself. Gusto kong ipahinga ang utak ko, kahit saglit lang.

Before I rest, I make sure that my phone were off, para walang makatawag sakin na kahit sino.

I laid in my bed with a heavy feeling. I covered myself with a comforter. I stared at the ceiling for a moment.

Hanggang ngayon, parang ramdam ko pa rin na mugto ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Mukhang wala na akong iiiyak pa.

I waited for myself to fall asleep, kahit na natagalan ako bago makatulog. Even just in a short time, I want to rest.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon