STELL's POV
Bumalik na si Azie, galing Bicol. Kahit na ilang araw lang siyang nawala ay parang nanibago ako nung wala siya rito. Nasanay na kasi akong nakikita at nakakasama siya.
Nakausap ko na rin yung parents niya. Aaminin ko na kinabahan ako nung time na kakausapin ko na yung mga magulang niya pero nawala rin iyon nung nagsisimula na kaming mag-usap. Mababait lang naman pala yung mga magulang niya, pati na yung Kuya niya. Naiintindihan ko rin yung Kuya ni Azie na si Kuya Alex. Pabiro niya akong sinabihan na wag na wag kong sasaktan si Azie dahil kung hindi, makikita ko raw hinahanap ko. I understand na over protective siya kay Azie, ako bilang Kuya rin dahil may kapatid din akong babae, syempre ayoko rin na masasaktan siya, kaya naiintindihan ko iyon.
At baka rin next week, kapag lumuwag na yung schedule naming lima, uuwi ako sa Las Piñas at isasama ko si Azie para makilala na niya yung pamilya ko. Nakukwento ko na kasi siya kina Mama, alam ng mga magulang ko na nililigawan ko siya kaya gusto talaga siyang makilala.
"Nakita ko si Azie kahapon. Nandito na pala siya." sabi ni Justin.
Nandito kami sa studio. Nagpapahinga kami dahil nagppractice kami kanina ng new song namin. Dance song kasi 'yon kaya kailangan ng choreography.
"Oo." tanging sagot ko kay Jah.
Pagod na kasi ako kaya di muna ako masyadong nagsasalita, actually lahat kami pagod. Magpapahinga muna ako, mamaya ko sila kukulitin.
Maya-maya ay biglang tumabi sakin si Ken. Napakaseryoso niya at parang may gusto siyang itanong sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang hindi pa siya nagsasalita.
"Anong kailangan mo? Titig na titig ka nanaman sakin." sabi ko at mahinang tumawa.
"Ano nang update sainyo ni Azie? Sinagot ka na ba?" tanong niya at nagtaas-baba pa ng kilay.
Napangiwi ako.
Akala ko kung anong seryosong itatanong niya, 'yon lang naman pala.
"Hindi pa, isang buwan palang akong nanliligaw eh. Bakit ba?"
Narinig din ata ni Justin ang usapan namin ni Ken kaya lumapit siya sa amin. Tumingin siya sa amin at naghihintay sa susunod naming sasaabihin.
"May nagugustuhan na rin kasi ata yan si Ken." sabi ni Justin kaya napatingin kaming dalawa ni Ken sakaniya.
"Ha?" takang tanong ni Ken.
"Halaman." napailing nalang ako kay Jah. Kahit kailang talaga oh. "Akala mo ba di ko napapansin? Na nagpapabida ka doon sa isang trainee nung nandito sila one time. Crush mo 'yon 'no?"
Napatingin naman ako kay Ken.
Pati sina Paulo at Josh, narinig ata yung sinabi ni Justin kaya lumapit na rin sila sa amin.
"Crush lang naman." mahinang sabi ni Ken.
"Crush? Sinong crush mo Ken?" tanong ni Paulo kay Ken.
"Yung isa sa mga trainee na pinapunta dito ng mga Boss natin one time."
"Ah teka, parang kilala ko 'yan. Yung Jade ba 'yan?" si Josh naman ang sumingit sa usapan.
"Jade ba pangalan non?" tanong ni Ken.
"Oo, nakalimutan mo nanaman. Napapansin ko lagi mo nga 'yon kinakausap nung nandito eh." sabi ni Josh.
"Ah oo, nice." ani Ken at kinuha ang phone niya at may kung anong tinype doon.
Ako naman ay inabot ko yung tumbler ko tsaka uminom ng tubig. In ten minutes, practice na ulit kami.
Sumandal muna ako sa pader at nag-relax. Nagrerecharge pa ako para mamaya. Naalala ko tuloy nung nandito si Azie. Okay naman yung galaw ko noon, hindi naman siya nagreklamo nung sumandal ako sa balikat niya at sinabing magpapahinga lang ako. Iba rin talaga epekto niya sakin. Mas ginanahan ako noon na magpractice dahil nag-stay pa siya ng ilang oras at pinanood kami.
Maya-maya ay tumabi sa akin si Paulo.
"Kamusta na pala yung panliligaw mo? Naglelevel-up na ba?" tanong niya.
"Level up?" tanong ko at umaktong nag-iisip. "Hindi pa naman ako sinasagot ni Azie pero mas nagiging malapit na kami sa isa't isa. Komportable na siya. Actually magkasama kami nung isang araw. Pumunta kami sa coffee shop tapos sinamahan ko rin siya mag-shopping." sabi ko.
"Galing ba kayong coffee shop non?" tanong niya ulit kaya nagtaka ako. "May nakita kasi ako sa twitter kahapon. Stolen picture niyo na magkasama."
Medyo nanlaki ang mata ko.
Alam kong may mga nakakilala sa akin noon at pwede rin na kinuhanan kami ng picture pero di ko inaasahan na ipopost iyon.
"I can't remember exactly kung anong nakalagay sa post pero may nabasa ako doon na nag-show ng generous side ni Azie. I don't know, nakalimutan ko na..."
Generous side ni Azie? Oh, I remember.
"Ah. May nakita kasi siya non na pulubi, bata pa tapos namamalimos. Kaya ayun, naawa ata kaya binigyan niya ng pera, pinabili niya ng pagkain."
"Oh, kita mo? Hindi ako namali ng babaeng nililigawan." sabi ko pa habang nakangiti.
"Yuck. Kinikilig ka lang eh." sabi ni Paulo habang nakangiwi kaya tinawanan ko nalang siya.
"Patawa-tawa ka lang dyan Stell, ano na-meet mo na ba yung parents ni Azie? Nako, malalagot ka niyan."
Tinawanan ko lang din si Josh. Kung alam niya lang.
Alam kong sobra na yung tawa ko kaya napatigil na ako. Nakatingin na silang lahat sakin eh.
"Nakausap ko na dre. Okay naman sila, mababait naman. Payag naman sila na nililigawan ko si Azie." I confidently said.
"Nge, yabang."
Sinamaan ko ng tingin si Ken sa sinabi niya pero siya tumawa lang ng nakakaloko. Buang talaga.
"Naks! Okay na pala sa Mommy at Daddy." tumatawang ani Paulo.
"Pati nga sa kapatid eh." maloko kong sabi tsaka kumindat.
"Yon! Lakas naman niyan!" ani Josh kaya mahina nalang akong natawa.
Ang supportive naman.
Late na nang matapos kami sa practice at nang makauwi kami. Hindi ko na rin pinuntahan pa si Azie sa unit niya dahil gabing-gabi na at baka nagpapahinga na siya. Pero nag-message naman ako sakaniya kaya kahit sa phone ay nagka-usap pa rin kami.
Sa mga sumunod na mga araw ay hindi masyadong maaga ang call time namin kaya naisipan kong magluto ng ulam namin para sa pananghalian. Namiss kong kumain ng adobo kaya iyon ang niluto ko. Sinobrahan ko ang niluto ko kaya hindi namin mauubos 'yon ng kaming lima lang, syempre bibigyan ko si Azie. I know nasa unit niya lang siya.
Perks of having your nililigawan as your neighbor, or kaya katapat mo lang na unit, madali mo siyang mapupuntahan, makausap o dalhan ng kung ano.
I knocked three times on Azie's door. Agad naman niya 'yong binuksan.
"Kumain ka na ba?" tanong ko agad kay Azie.
"Not yet." sabi niya.
Maliit akong napangiti. "Nagluto ako, eto oh, adobo. Kumain ka na." sabi ko at binigay ko sakaniya yung lalagyan.
"What? Oh, t-thank you." sabi niya at tinanggap iyon. "Halika, pumasok ka muna."
"How about you, kumain ka na ba?" tanong niya sakin.
"Mamaya, pagbalik ko." I said, plainly.
I saw how she pouted, ang cute.
"Can you eat with me? Wala akong kasama eh."
Ngumiti ako at walang pagdadalawang-isip na tumango. Si Azie pa ba? Malakas siya sakin eh.
Kumain ako ng kasama siya. Inamin niya na tinatamad daw talaga siyang kumain dahil mag-isa lang siya at walang kasama. May point siya, malungkot at nakakatamad talaga kapag mag-isa lang. Mabuti nalang dumating ako.
During the months, weeks, days, na nakakasama ko siya. Araw-araw, mas nakikilala ko pa siya. May bago akong natutuklasan sakaniya bukod sa maganda niyang kalooban.
I just can't wait for the day that I can say that we're officially together, that she's mine. Ngayon palang, proud at masaya na ako na nakilala ko siya, na kasama ko siya. Paano pa kaya kapag naging kami na talaga? I just can't wait for that day.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...