⚠️: Medyo lang, very very slight lang
It still embarass me until now everytime I remember that time where I saw Stell fresh from the bath at naka-topless. It was Ken's fault! At sayang-saya pa siya noon ha. Sinadya ni Ken iyon para makita ko si Stell na nakaganon.
Ba't di na ba maalis sa isip ko 'yon?
I just forget it now dahil paalis palang ako sa airport ngayon. Hinatid ko sina Angela at Precious dahil ngayon yung flight nila pauwing Bicol. It's two days left before christmas. Mamaya rin dadating sina Mommy kaya baka pumunta na rin kaagad ako sa bahay ni Tita Emi mamaya.
I'm driving when my phone suddenly rang. Stell is calling so I answered it, ni-loudspeaker ko nalang.
"Mahal naihatid mo na ba sila sa airport?"
Alam ni Stell na ihahatid ko yung mga kaibigan ko ngayon. Alam nga naman pala niya mga pinaggagagawa ko dahil palagi siyang tumatawag at nagtetext. We always update each other.
"Yes. I'm actually on my way now pabalik sa condo." sabi ko.
"Daan ka rito sa studio! Magshoshoot kami ng isang content. Panoorin mo nalang kami para hindi ka ma-bored sa condo mo." sabi niya.
I bit my lower lip. Nangangapa ako ng isasagot ko. Magmula kasi nung birthday ko ay hindi na ulit ako pumunta pa sa studio nila. Naiinis ako kapag naaalala ko iyon. Kahit na sinisigurado naman sakin ni Stell na hindi na pumupunta doon yung Giselle ay medyo nababahala pa rin ako, hindi ko maiwasan.
"A-Ayoko." sabi ko. "Mag-shoot nalang kayo diyan. Hintayin nalang kita mamaya sa condo."
"Mahal naman... Para makita mo nga mismo na wala siya rito, para makampante ka. Para mabawasan kahit papano yang mga iniisip mo."
Mukhang nagpapaawa pa siya pero hindi na magbabago ang isip ko. I'll just wait for him at the condo.
I sighed before speaking again.
"Naniniwala ako na wala nga siya diyan but how about your staffs? You've just said that you're shooting for your content so I assume na marami kayo diyan ngayon. Makikita nila ako and they will ask bakit ako nandiyan at sino ang ipinunta ko diyan" sabi ko.
I didn't hear him speak. Hindi ko alam kung nakikinig pa siya sakin o ano.
"I'll just see and wait for you later at the condo. I'll end this call, I'm still driving."
I waited for him for a few more seconds to speak but he didn't so I just ended the call.
Napabuga nalang ako ng hangin.
Papapuntahin niya ako doon eh ano namang gagawin ko. At ayaw ko lang din siyang mapahamak. Hindi naman alam ng ibang tao na kami, na may girlfriend siya. Mabuti nga at hinahayaan lang kami ng mga kagrupo niya. I just don't want him to be in trouble, that's all. Kaya pati ako ay umiiwas nalang din.
Saktong pagdating ko sa condo ay lunch na kaya nag-order nalang ako ng pagkain ko. Hindi na ako nagluto tutal ako lang naman mag-isa.
I just do the dishes at nagligpit ng mga dapat iligpit pakatapos kong kumain.
Wala akong gagawin kaya matutulog nalang ako. I didn't slept last night dahil kausap namin sina Bella at Adam through video call. Halos magdamag kaming magkakausap at pakatapos non ay hindi na ako nakatulog.
Kaya bumawi ako ngayon. I slept one thirty in the afternoon and I woke up almost eight in the evening. And I'm expecting to see Stell here in my unit but he's not here. Akala ko pupunta siya.
I checked my phone and he has no calls and messages too. Nakakapanibago. He isn't like this.
Naalala ko na nagshoot nga pala sila kanina kaya isinawalang bahala ko nalang yung hindi niya pagpunta rito at yung hindi niya pagtawag. Maybe he's just tired and I understand that, he needs to rest.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...