CHAPTER 17

686 36 65
                                    

Why is it that the time passed by quickly? Parang kanina lang, pinapanood ko palang sila na magperform sa harap ng napakaraming tao, pinapanood ko siya. Tapos ngayon, ang bilis ng oras. The event was finished and we're actually back here in my condo.

We just had dinner outside before going home.

"Kanina ka pa atang tahimik." Angela suddenly said.

Angela and Precious were still here, but Crystal immediately go back to her unit. Pero uuwi rin naman agad 'tong dalawa mamaya lang.

"Hindi. I'm just tired." I said. But the truth is, hindi ko talaga alam kung pagod ako o ano.

I guess I was stunned and amazed by how SB19 performed earlier, especially him. It's my first time to watch them live and up close and it didn't dissappoint me. They are great performers.

"Pare-parehas pala tayo..." sabi ni Precious. "Uwi na tayo Angela." pag-aaya niya kay Angela.

Angela just nods her head at nag-ayos na. Hinayaan ko nalang sila.

Pakatapos ay umalis na rin sila. They were just silent when they leave, halatang pagod.

Ako naman ay dahan-dahan na rin na umayos. I locked the door at sinigurado ko muna na maayos at walang kalat ang sala. Pakatapos ay pumasok na ako sa kwarto.

I changed my clothes. Nagpalit na ako ng pantulog ko bago nahiga sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na at hindi na rin ako nag-abala pa na alamin 'yon.

The lights are off here on my room, hindi ako sanay nang maliwanag kapag natutulog na. Yung lampshade lang ang binubuksan ko kapag matutulog na para kahit papano ay may ilaw at hindi totally madilim.

I was about to sleep when I heared my phone rang. I get it from my side table at sinagot 'yon nang hindi ko man lang tinitignan kung sinong tumawag.

"Hello?" malumanay kong saad habang nakapikit na ang mga mata ko.

"Azie..." napamulat ako ng mga mata ko nang makilala ko ang boses. It's Stell. "Sorry, antok ka na ba? Bukas nalang kita-"

I immediately cut his words off.

"No, hindi pa." sabi ko agad.

"Ah, ganon ba..." aniya.

I waited for him to speak again but he didn't. Kaya ako na ang nagsalita.

"Napatawag ka?" sabi ko.

"Ah ano, gusto ko lang mag-thank you kasi diba, mabuti napasama ka ni Precious nung kaibigan mo."

My brows furrowed at what he said. Bakit napasok ang pangalan ni Precious sa usapan? At ano ang sinasabi niya?

"What do you mean?" I asked Stell, confused.

"Ano, minessage ko kasi siya, kasi alam ko na fan namin siya, so I messaged her na kung manonood siya ay isama ka." sabi niya. "Kasi diba, nabanggit ko sayo na may mall show nga kami pero hindi mo naman nabanggit na pupunta ka. Kaya ako na gumawa ng paraan."

I heared him chuckled awkwardly on the other line. Samantalang hindi ko naman alam kung anong magiging reaction ko.

"Bakit?" wala sa sarili kong tanong.

Pansin ko na natigilan siya. Natagalan siya bago makapagsalita.

"Teka, nagalit ka ba? Sorry."

"Just answer me." mariin kong sambit. "Bakit?"

It took Stell a while again to answer. "Kasi gusto kitang makita?" patanong niya namang sagot.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon