CHAPTER 15

722 37 30
                                    

I was surprised na inabot ako ng ilang oras kila Stell. They invited me for dinner and I just accepted it.

Yung kaninang pag-alis pala ni Justin ay kinuha lang niya yung pinadeliver niyang pagkain for dinner.

It's so fun to be with them. Habang kasama ko sila ay parang kasama ko lang rin yung mga kaibigan ko na nasa Bicol. Lalo na yung mga lalaki. I'm so happy the whole time I'm with them five. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano habang kumakain kagaya nung nasa restaurant kami. Napakagaan na ng loob ko sakanila, I don't feel that I'm out of the place.

And Stell who's always beside me na talaga namang sinisigurado na mapagsasalita niya ako. Except for my friends, sakanila, or sakaniya lang talaga nalalabas yung pagiging madaldal ko, minsan.

I'm comfortable with people around me if I show who I really am. At kapag nakakalimutan ko yung feeling na nag-iisa lang ako.

"Thank you." I sincerely suddenly said.

I'm only with Stell right now. Nandito na kami sa unit ko kasama siya dahil nga mag-uusap pa kami.

"Ha? Para saan naman?" tanong niya.

Pinaupo ko na muna siya sa sofa bago ako tumabi sakaniya.

"For making me happy." I said, softly. "Ang saya niyo kasama." sabi ko pa.

Stell just stared at me.

Umiwas nalang ako ng tingin. I looked down with a small smile plastered on my face.

"You actually made my day." I said.

We fell into silence. But, it's not an awkward silence for me anymore. It's a comfortable silence.

"Ah, 'yon ba, wala 'yon." maya-maya'y nagsalita na siya. "Masaya ako na masaya ka." sabi pa niya.

Ngumiti lang ulit ako.

Nabalot ulit kami ng katahimikan. Tsaka ko lang din naalala na mag-uusap pa nga pala kami ni Stell kaya siya nandito pa.

I look at him.

"Gaano mo 'ko gustong kilalanin?" tanong ko sakaniya.

"Ikaw, kung hanggang saan lang yung gusto mong ibigay na information mo tungkol sayo." sagot niya.

Tumango nalang ako.

Bumuntong-hininga ako bago nagsalita ulit.

"Hindi talaga ako taga rito sa Manila..." paninimula ko. "I mean, I grew up on Bicol. My mother is from Bicol pero si Daddy, taga rito talaga siya. I have an older brother, he's five years older than me." I said.

I took a glance on Stell and he's just intently listening to me so I continued.

Alam ko rin na nabanggit ko na sakaniya noon pa na taga Bicol ako pero inulit ko lang dahil baka nakalimutan na niya iyon.

"I live in Bicol until high school, second year high school to be specific. Pakatapos lumipat na ako rito sa Manila. I stayed with my Tita, sa kapatid ni Daddy. Doon ako tumira."

"Wait, ikaw lang? Yung parents mo hindi mo kasama?" biglang tanong ni Stell.

I lightly shake my head. "Hindi. Nag-stay sila doon sa Bicol eh. But they always visit me here. Every two to three months I think, binibisita nila ako." I explained.

"Bakit ka lumipat dito? Ayaw mo ba sainyo?" Stell asked for the second time.

Hindi ako nakukulitan sakaniya dahil tanong siya ng tanong ah. Okay lang iyon dahil ibig sabihin non ay mas gusto niya pang pakinggan ako.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon