CHAPTER 44

989 25 9
                                    

Time flies so fast, parang kahapon lang nung nandito si Stell pero ngayon ay balik na ulit sila sa dati, may mga schedules na ulit sila. Pero hindi naman ganon kahigpit, may time pa naman kami sa isa't isa at nakakapag-update pa naman siya.

Some people starts to reach out to me after knowing that I already have a boyfriend, at alam pa nila na si Stell 'yon. Some says that I'm just using Stell for fame, like what the hell? Ano bang pakialam ko doon? Hindi ko nalang sinasabi kay Stell 'yon dahil baka mag-isip lang 'yon ng kung ano-ano.

To be honest, hindi ko feel na sikat si Stell na makita lang sa kung saan ay pagkakaguluhan na. I still remember the time when we tried to go out for a date, payapa lang naman yung naging date namin na 'yon. Naisipan lang naman namin na mamasyal at pakatapos ay kumain sa labas. Some people recognize him and they saw him with me, hindi naman OA yung mga reaction nila. They just greeted Stell, hindi na nga sila nagrequest na magpapicture eh, siguro iniisip nila na date nga namin 'yon kaya hinayaan nalang kami. Simula noon ay naging kampante na ako na makasama siya sa labas ng hindi pasikreto, I can freely go out with him for a date.

I've decided na manood ng movie mag-isa, tutal ako lang naman ang mag-isa ngayon dito sa condo ay makakapag-focus ako sa panonood ko. Naghanap ako ng chips na pwede kong makain habang nanonood pero sa kasamaang palad ay naubusan na pala ako. Good thing there's a convinience store sa baba kaya pumunta ako roon. Bumili lang ako ng chips at iba pang snacks. Paalis na sana ako kung wala lang humigit sa braso ko.

Nakakunot ang noo kong tumingin sa taong 'yon. But then I saw the person and it's a she, and si Giselle 'yon. Yes, it's her, yung basta-bastang nanhalik kay Stell noon.

Nang mapansin niya na masama ang tingin ko sakaniya ay agad niya akong binitawan. She give me an awkward smile so I raised a brow at her. Ngingiti pa talaga siya pakatapos kong makita ang ginawa niya sa boyfriend ko noon.

I'm about to walk pass by her when she stopped me again by calling me by my name.

I turned back to face her. "What do you need?" I asked her with a blank emotion on my face.

I noticed that she's a little bit nervous and she can't even look at me straight.

"P-Pwede ba kitang m-makausap?" she asked tensed.

I stared at her for a moment before nodding my head. I signaled her to follow me outside the convinience store.

"What now?" sabi ko kaagad.

Lumilinga-linga rin ako sa paligid. Mabuti nalang hindi masyadong matao ngayon dito.

"G-Gusto ko lang mag-sorry doon sa ginawa ko noon..." paninimula niya. "Alam kong mali yung ginawa ko kaya-"

I didn't let her to finish her words dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi magsalita.

"Alam mo naman palang mali pero bakit mo pa rin ginawa?" diretsa kong tanong sakaniya.

It made her shut her mouth for a second. Nagbaba rin siya ng tingin.

"Kaya nga ako nagsosorry. Nadala lang ako ng nararamdaman ko noon at huli na rin nang marealize ko na mali 'yon. Kaibigan ko lang dapat si Stell..."

"There, you said it! Stell is just your friend." mariin kong sambit. "Kailan pa naging tama na halikan mo yung kaibigan mo lang? For God's sake! Kahit sabihin mo na hindi pa kami ni Stell noon pero kahit saan tignan mali yung ginawa mo." I throw words at her.

Pinigilan ako ang sarili ko na wag siyang pagtaasan ng boses dahil baka may makarinig at pagtinginan pa kami ng mga tao rito.

"Yeah, tama ka nga. It was late when I realized. So I'm very sorry..." she sincerely apologized.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon