STELL's POV
Five thirty na ata ng hapon nang matapos kami, tutal kaninang umaga pa kami nagsimula kaya maaga rin kaming natapos ngayon.
Ngayon lang din ako ulit titingin ng mga messages ko dahil focus ako kanina sa practice. Hindi ko muna imemessage si Azie, saka nalang, kapag nakausap ko nalang siya.
Napakunot ang noo ko nang makatanggap ako ulit ng message mula sa kaibigan ni Azie, si Angela.
Angela:
Stell, kasama mo ba si Azie? Magkausap na ba kayo?Naguguluhan ako, bakit niya sakin hinahanap si Azie?
Imbis na magreply sakaniya ay tinawagan ko nalang siya para madali. Mabuti at agad niya ring sagot. Pero nag-aalalang boses agad ang narinig ko mula sakaniya.
"Stell! Good thing you called! Kasama mo na ba si Azie? Magkausap na ba kayo?" nag-aalala at sunod-sunod niyang tanong agad.
"Ha? Hindi pa. Balak ko palang siyang puntahan sa condo ngayon. Pauwi naman na kami eh, kakatapos lang namin mag-practice." sabi ko sa mahinahong boses pero nagtataka pa rin.
"What the? Wala si Azie sa condo!" natigilan ako nang sabihin iyon ni Angela. Bigla rin akong kinabahan. "We can't even contact her! Naka-off ata yung phone niya. Pinuntahan na rin namin yung possible niyang puntahan pero wala! If you want, you can follow us here sa restaurant ng Tita niya. Kung saan kayo nagdinner last time. Hinihintay namin si Tita Emi. We can ask her, maybe she knows where Azie is."
"S-Sige sige. Pupunta ako dyan." agad kong sagot.
Kahit na naguguluhan ako kung paanong kilala nila si Tita Emi at kung anong koneksiyon ni Azie sakaniya ay hindi ko na inisip iyon. Si Azie ang mahalaga ngayon. Kailangan kong malaman kung nasaan siya.
"Daan muna tayo sa resturant. May kailangan lang ako doon. Please." sabi ko sa apat. Tutal sabay-sabay naman kaming umuuwi ay magpapadaan muna ako sa restaurant.
"Ha? Bakit? Sa condo tayo kakain ah."
"May gagawin lang akong importante!" sabi ko agad kay Josh. "Jah pakibilis ng drive." sabi ko naman kay Justin dahil kotse niya ang gamit namin ngayon.
Habang papunta na ay sinusubukan ko ring tawagan si Azie, nagbabakasakali ako na baka kahit yung tawag ko sagutin man lang niya, kahit malabo.
"Ba't aligaga ka? May problema ba?" tanong ni Paulo sakin.
"Si Azie eh, sabi ng kaibigan niya wala raw sa condo. Wala rin sa mga pwedeng puntahan nila. Nag-aalala ako Paulo, baka kung anong gawin niya." sabi ko habang nasa phone pa rin ako nakatutok.
"Eh bakit sa restaurant ka pupunta?" tanong ulit niya.
This time ay tinignan ko na siya. "H-Hindi ko rin alam. Hindi ko pa alam. Basta doon ako pinapasunod ng kaibigan ni Azie. Hindi ko pa nga rin alam kung anong koneksiyon ni Azie kay Tita Emi eh." sabi ko.
Kita ko na naguguluhan si Paulo, pati na yung apat na nakikinig din. Kahit ako naman. Pero mas nag-aalala lang talaga ako ngayon.
"Iba na talaga epekto sayo ni Azie 'no?" maya-maya'y sambit ni Ken na hindi ko nalang pinansin.
Ilang sandali lang din ay nagsalita na si Jah. Tsaka ko lang din narealize na nakahinto na ang kotse sa labas ng restaurant.
"Andito na tayo Stell."
Agad na akong bumaba sa sasakyan at nagpasalamat sakaniya. Nakamask ako para wala masyadong makakilala sa akin.
Agad ko rin nakita sina Angela kasama yung dalawa pa nilang kaibigan ni Azie, sina Precious at Crystal kung hindi ako nagkakamali. Agad ko silang nilapitan.
"Si Azie, ano na?"
"Hinihintay namin si Tita Emi, may inaasikaso lang daw sa loob pero palabas na rin iyon. Baka alam niya kung nasaan si Azie kaya dito na kami pumunta." sabi ni Angela.
"Paanong magkakilala sina Tita Emi at si Azie?" tanong ko muna sakanila. Kasi ako, kilala namin si Tita Emi. Noon pa kasi, dito na kami sa restaurant niya madalas kumain.
"You didn't know? Hindi nasabi ni Azie sayo?" Precious said. Umiling lang ako. "Pamangkin ni Tita Emi si Azie. Pero parang anak na ang turing niya dahil sabi ni Azie wala namang anak si Tita Emi." she said.
Napatango nalang ako sa nalaman ko. May biglang pumasok sa isip ko pero bigla nang nagsalita si Crystal.
"Ayan na si Tita Emi." sabi niya kaya napatingin kami sa kakarating lang na babae.
"Tita..." halos sabay-sabay naming sambit.
Bahagyang nagulat si Tita nang makita kaming nandito, at mas nagulat siya nang makita ako.
"Tita alam niyo po kung nasaan si Azie?" ako na ang nagtanong.
"Nasa bahay siya... Teka, hindi ba nagpaalam sainyo?" pagbaling niya saglit kina Angela pero umiling lang sila.
"Tita Emi pwede pong mahingi yung address niyo? Gusto ko po siyang makita at makausap." sabi ko.
"Mabuti pa nga. Kamustahin niyo siya. She's not feeling well, ang tamlay tamlay niya pagdating sa bahay. I don't know how she still managed to drive." sabi ni Tita, pakatapos ay agad na niyang sinabi samin yung address nila.
Pakatapos ay agad din nagpaalam samin si Tita dahil busy daw siya. Kaya nagpasalamat nalang kami dahil binigay na niya yung address.
"T-Tara na, puntahan na natin si Azie." sabi ko kina Angela.
Nakatingin lang sila sakin.
"I think it would be better if kayo muna ang makapag-usap. Mukhang may kailangan kayo ayusin sa isa't isa." Angela said.
"Teka, sigurado ba kayo?" tanong ko, kasi kaibigan nila si Azie eh, hindi ko pwedeng ipagdamot si Azie sakanila.
Tumango lang silang tatlo bilang sagot sakin.
"Oo, sige na. Puntahan mo na si Azie." sabi ni Precious.
Binigyan ko nalang sila ng maliit na ngiti tsaka nagpasalamat.
Umalis din kaagad ako. Nag-taxi nalang ako papunta kila Azie. Hindi naman masyadong malayo yung binigay na address ni Tita Emi.
Sinubukan ko ulit na tawagan si Azie, pero kagaya lang ng kanina. Hindi niya iyon sinasagot, cannot be reach siya.
Sana lang okay lang siya, I mean, sana wala siyang ginawang masama sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...