CHAPTER 27

722 31 49
                                    

It was already lunch time when I woke up. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga pinag-iisip ko. Ramdam ko pa rin ang pagod ngayon but I still get up from my bed.

The whole house is quiet nang lumabas na ako ng kwarto ko. I went down and went to the dining. May pagkain na doon pero wala namang tao. Then I saw a note on the table kaya kinuha ko iyon. It's a note to me and it's from Mom.

Eat your meal Azie, I prepared that for you. May pinuntahan lang kami ng Dad mo. Your cousin is on her husband's house kaya kayo lang ng kapatid mo at ng girlfriend niya ang nasa bahay. Take care.
-Mommy

I only smiled a little when I read the note. Thanks Mom.

Kumain nalang ako. Habang kumakain ay nakikiramdam pa rin ako sa paligid ko.

Something's unusual, wala si Tito, yung kapatid ni Mommy. Though, mabuti naman para tahimik ako ngayon dito sa bahay.

Medyo naparami ata ang kain ko dahil ginanahan ako. Pakatapos ay ako na rin ang naghugas ng pinagkainan ko. Umakyat agad ako sa kwarto ko sa taas pagkatapos.

I prepared my clothes para mamaya. Aalis din ako. Ang usapan naming magkakaibigan ay bago mag one-thirty ng hapon ay nandoon na kami sa place ni Adam.

I immediately take a bath pakatapos kong makapili ng susuotin. Something popped up on my mind habang naliligo. Parang may nakalimutan akong gawin kanina pero hindi ko alam. Oh, I remember, I haven't checked my phone yet na karaniwan kong ginagawa. Mamaya nalang siguro.

Nagbihis na kaagad ako at nag-ayos pakatapos kong maligo. As usual, I put on just a light make-up on my face. Chineck ko na rin ang phone ko at nakapagreply na ako sa taong dapat kong replyan.

Kinuha ko na yung dadalhin ko. Pero pagkalabas na pagkalabas ko palang ng kwarto ko ay bumungad na agad sa akin si Janah, yung girlfriend ni Kuya. She looked at me from head to toe before rolling her eyes at me kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hinahanap ka ng Kuya mo. May iuutos sayo." sabi niya.

"Pakisabi aalis ako." sabi ko at akmang hahakbang na palayo kung hindi lang ulit siya nagsalita.

"Gagalitin mo nanaman ba siya? Gusto mo talaga ng nag-aaway kayo 'no?"

I faced Janah while raising a brow. "Ayoko ng nag-aaway kami sa totoo lang, kahit na ikaw yung kinakampihan niya simula noon. Hindi naman kami ganito dati eh. Naging ganito lang kami dahil sayo, pabida ka. I hate you very much. Mabuti nga hinahayaan ka pang tumuloy dito sa bahay namin eh kasi kung ako masusunod, I will never allow you here. Inilalayo mo yung loob ng Kuya ko sa akin..."

"Sasabihin ko 'to sa Kuya mo, akala mo ha. Humanda ka pag-uwi mo mamaya." matapang niyang sambit.

"I don't care. Magsumbong ka lang hanggang sa gusto mo. Wala na akong pakialam."

I immediately leave her there.

Bumaba na ako at sumakay sa kotse. Before I can even start my car ay pinakalma ko nanaman muna ang sarili ko. I breathed in and out and try to calm myself.

Nanahimik na ako kanina ha tapos bigla nanaman siyang susulpot.

I know I'm mean to Janah earlier but she deserves it. Sa sobrang sama ng ugali niya at sa sobrang kakapalan ng mukha niya, kulang pa yung mga sinabi ko. Siguro matatapos lang ang problema ko sakaniya at yung kay Kuya kapag naghiwalay na sila, pero kailan kaya 'yon mangyayari.

Nang kumalma na ako ay nagdrive na ako paalis. Hindi ko na dinaanan si Precious sa kanila na katabi lang ng bahay namin dahil alam kong nauna na siyang umalis dahil may pinuntahan pa siya kanina.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon