CHAPTER 13

646 33 34
                                    

"What? As if namang bago sainyo na may makasalamuha ako dyan na celebrities." I said.

I'm already here at the condo and Precious, Angela, and Crystal were here.

Kanina pala halos sabay lang kaming nakarating ng SB19 dito. Sabay-sabay na rin kaming nag-elevator papunta rito sa floor namin.

Kaya ngayon naman, dinadaldal naman ako nina Precious at Angela. Hindi sila matahimik sa pananalita dahil nakita nila na nilagay pala nina Justin sa kani-kanilang IG story yung picture namin kanina habang nagdidinner.

At ako naman, ulit-ulit ko na sinasabi na normal nalang 'yon. Nakita naman nila dati pa na iba-iba nang celebrities and artists ang nakakasalamuha ko pero di naman ganyan yung reaction nila.

"Sabagay. Pero iba 'to eh!" sabi ni Precious.

"You're starting to get along with them huh." Angela teasingly said.

Inirapan ko nalang sila bago ko tinalikuran.

I leave them in the dining dahil kumakain pa sila. I went to my room to change my clothes. Pantulog na yung suot ko. Pakatapos ay lumabas din kaagad ako at bumalik sakanila.

"Oh ayan, look at Azie. Ganyan siya kanina, she posted a picture on her IG story na nakikita pala yung cleavage niya tapos nakita ni Stell." Angela said.

Naiinis ko silang tinignan dahil yung tingin nila sakin ay parang nang-aasar na.

"Tigil na nga! Ganda-ganda na ng mood ko eh." I irritatedly said, I even rolled my eyes at them.

"Oh, atittude na siya. Nahawa ka ba ni Pablo?" natatawang ani Precious.

Hindi makapaniwalang tinignan ko sila.

Seriously? That's what they're saying?

Hinayaan ko nalang sila na kumain. Iniwan ko muna sila sa dining at pumunta ako sa sala. I sat at the sofa at nag-cellphone muna.

I see a lot of notifications from my Instagram. Pero una ko munang tinignan yung sinasabi nila Precious na picture namin ng SB19 kanina at tama nga siya, Justin posted it on his story at naka-mention pa ako, actually kaming lahat.

stell16_:
Thank you sa treat mo kanina. Sa uulitin, joke!

I raised a brow when Stell messaged me. I bit my lower lip to prevent myself from smiling.

azie02_:
You're welcome.

I replied.

Nakita ko na naka-share rin pala sa story niya yung picture namin kanina kaya shinare ko nalang din sa story ko. Sayang naman, first time kong makasama silang lahat kanina kaya shinare ko na rin.

stell16_:
Ang bait mo, galante pa. Sana magkaron tayo ng time soon. Friends na tayo diba? Gusto lang kitang makilala pa.

Napatitig ako sa message niya.

My brows are a little bit furrowed. Why is he saying that? Ba't pa niya 'ko gustong makilala?

Hindi ko nalang siya nireplyan. Hindi ko naman alam kung anong isasagot doon.

"Sabi na eh, mababait yung mga 'yon." Angela said.

Naikwento ko na kasi sakanila yung kanina dahil nagtanong sila kung anong pakiramdam na maka-dinner ko yung idols nila.

Sinabi ko lang naman yung totoo. Magaan lang naman kasama yung SB19. That's all.

Hindi pa nila ako tinigilan. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dapuan na kami ng antok. Bumalik lang din naman sila sa kani-kanilang unit pagkatapos.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon