STELL's POV
Pakatapos kong marinig ang mga kwento ni Azie ay hindi ko talaga inakala na ganon ang problema niya. Mas lalo na nang mabanggit niya kanina na pinagtangkaan niya ang sarili niyang buhay. Mabigat nga siguro ang pinagdaanan niya noon para maisipan niya 'yon. Pero masaya ako na kinaya niya, at katulad ng sinabi niya, kakayanin niya.
Ngayong kaibigan ko na siya at unti-unti ko na siyang nakikilala ay tuluyan nang nawala na sa isip ko yung unang ekspresyon ko sakaniya na mataray at cold noong unang pagkakita ko sakaniya. Siguro ganoon lang talaga siya, nagawa niyang maging ganon dahil siguro sa past experience niya.
Hindi ko pa man alam ang buong istorya niya pero alam ko na mabait at mabuting tao si Azie.
Kikilalanin ko pa siya. At kung pwede lang, tutulungan ko siya na kahit papano malimutan man lang niya kahit saglit ang problema niya. She deserves to be happy, at pwera sa mga kaibigan niya, nandito na ako para pasayahin siya.
"Anong tinititigan mo dyan? Convo niyo ni Azie?"
Bigla kong narinig ang boses ni Pau kaya bahagya akong nagulat.
Hindi ko rin pala namalayan na nakatitig na nga ako sa convo namin ni Azie sa Instagram. Medyo marami-rami na rin pala kaming napag-usapan.
"Hindi." pagtanggi ko.
"Sus." rinig kong aniya. "Ba't ka inabot ng hatinggabi sa unit niya? Anong ginawa niyo?"
Napatingin ako kay Paulo dahil sa tanong niya.
Nakatingin din siya sakin at pinandidilatan pa ako ng mata. Inirapan ko nalang siya.
"Nag-usap lang." sagot ko.
"Ano yan, late night talks niyo." sabi niya at parang inismiran pa ako.
"Bukas ka na nga lang mangulit!" kunwari'y inis kong sambit. "Antok na 'ko, matutulog na 'ko." sabi ko pa.
Umayos ako ng higa at tinalikuran siya. Pumikit-pikit na ako, baka sakaling makatulog na ako pero hindi.
"Tsk, sinasabi ko sayo ha." rinig ko pang sabi ni Paulo.
Nagtalukbong nalang ako ng kumot.
Hindi pa rin talaga ako makatulog. Si Azie ang naiisip ko ngayon. Lahat ng kinwento niya kanina, parang nagrereplay sa utak ko. Yung boses niya parang naririnig ko. Yung reaction niya habang nagkukwento siya, hindi ko makalimutan.
AZIE's POV
After the night where Stell and I had a serious talk ay mas dumalas na ang pag-uusap namin. A day won't pass nang hindi kami nag-uusap. Siguro ilang linggo nang ganon ang set-up namin.
Alam na rin iyon ng mga kaibigan ko dahil may isang beses na nakita ni Precious ang convo namin ni Stell. She told it to Angela and Crystal kaya panay pang-aasar ang ginawa nila sakin noon.
Sa ngayon ay papunta kami nina Princess at Angela sa isang mall. Si Crystal ay hindi pa namin kasama ngayon pero sinabi niya na susunod siya, mukhang papunta na rin siya pero hindi namin siya kasabay dahil iba ang way niya dahil galing pa siya sa trabaho niya. Parehas 'tong dalawa na nag-aya na pumunta raw kami sa mall, hindi ko alam kung bakit. At tutal ay wala naman akong ginagawa ay sumama nalang ako.
"Text Crystal kung nasaan na siya." sambit ko habang nagpapark na ako ng kotse.
"Nasa may entrance na raw siya. Sakto kakarating niya lang." sabi ni Precious na tinanguan ko nalang.
Nang maipark ko na ang kotse ay pinuntahan na namin si Crystal. Pagkakita na pagkakita ko palang sakaniya ay medyo halata ko na na pagod siya. I can see it in her eyes.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...