STELL's POV
Napabuga ako ng hangin pagkalabas na pagkalabas ko ng unit ni Azie. May maling nangyari at kasalanan ko iyon. Dadamayan ko sana dapat siya eh, pero parang mas pinalala ko lang ang problema niya ngayon.
Dali-dali nalang akong pumasok sa unit namin at agad akong naupo sa sofa.
Hawak ko ang cellphone ko, tutal ay friend ko naman na sa social media yung tatlong kaibigan ni Azie ay tinignan ko kung active ba sila. Nakita ko na si Angela lang ang active kaya siya ang minessage ko. Papakiusapan ko lang naman siya tungkol kay Azie.
Stell:
Angela, pwede bang makahingi ng favor sayo?Sa tingin ko ay wala naman na problema kung humingi ako ng pabor sa kaibigan ni Azie. Ilang beses ko na rin silang nakausap at fan din naman namin sila.
Angela:
Sure. Ano ba 'yon?Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinabi ko na.
Stell:
Pwede bang puntahan mo ngayon si Azie sa unit niya? Samahan mo muna siya. Kailangan niya ng kaibigan ngayon na masasandalan. Gusto ko man na samahan siya pero may nangyari lang eh kaya hindi pwede ngayon. Please, samahan mo muna siya, damayan mo siya.Si Azie lang talaga muna ang nasa isip ko ngayon. Wala na sakin yung biglaan niyang pagsigaw sakin kanina. Deserve ko naman iyon eh, kinulit ko siya na hindi naman dapat.
Angela:
Sige. Papunta na ako.Napahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang nandito yung mga kaibigan niya.
Stell:
Salamat.Sa inaakto ko ngayon mismo. Alam ko na sa sarili ko na hindi lang basta-basta ang nararamdaman ko para kay Azie. Aaminin kong gusto ko nga siya. At hindi nalang bilang kaibigan ang tingin ko sakaniya kundi higit pa roon.
"Ba't ngayon ka lang?"
Biglang sumulpot si Paulo sa may harap ko. Saglit ko lang siyang tinignan at hindi sinagot.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pupunta na sana sa kwarto kung hindi lang ako pinigilan ni Paulo. Inis ko siyang tinignan.
"Problema mo?" nagtataka niyang tanong pero hindi ulit ako sumagot. Basta-basta ko nalang siyang tinalikuran.
Papasok na sana ako sa kwarto kung hindi lang ulit si Paulo nagsalita.
"Umayos ka Stell ha. Ano bang problema mo?" seryoso niyang sambit.
Walang gana ko lang siya na tinignan.
"Bukas nalang tayo mag-usap. Pagod ako." pagdadahilan ko at agad na pumasok sa kwarto ko. Inilock ko na rin ang pinto ko para hindi na sila makapasok.
Pabagsak akong umupo sa kama bago huminga ng napakalalim.
Nagdahilan lang ako kay Paulo na pagod ako pero ang totoo, hindi ko alam. Ngayon ko lang 'to naranasan.
My hands turned into fist nang maalala ko nanaman yung kanina. Wala sa timing yung plano ko. Plano kong umamin na sana kay Azie pero hindi natuloy dahil sa sitwasyon niya, pati na yung problema niya, tapos ngayon, hindi ko sinasadyang madagdagan iyon.
"Ang tanga mo Stell." inis kong bulong sa sarili ko.
Imbis na damayan ko ngayon si Azie sa problema niya ay nadagdagan ko pa tuloy.
Mukhang hindi ako makakatulog nito sa pag-iisip. Nag-aalala ako kay Azie. Paano kapag paalisin lang din niya si Angela na pinapunta ko? Tapos maiiwan siyang mag-isa sa condo niya habang ako nag-aalala dahil sa ikinuwento niya sakin noon na muntik na niyang wakasan yung buhay niya.
Bigla akong kinabahan dahil doon. Sana naman wag iyon sumagi sa isip niya dahil kung hindi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Napatayo ako at nagpabalik-balik ng lakad. Hindi ako makapag-isip nang maayos, hindi ako mapakali.
Ilang sandali lang ay naisipan ko na lumabas saglit. Alam ko na nasa unit na ngayon ni Azie si Angela.
Lumabas ako ng kwarto at dire-diretsong pumunta sa tapat ng unit ni Azie. Lumapit ako sa pintuan at nakinig ako sa loob. Narinig ko na may umiiyak at alam kong si Azie 'yon. Narinig ko rin ang boses ni Angela na pinapatahan si Azie at sinusubukang kausapin. Mabuti nalang talaga at hindi siya pinaalis.
"Stell" rinig kong tawag sakin ni Paulo, kasama niya si Josh.
Bumalik nalang ako sa unit namin. Naupo ako sa sofa at bahagyang yumuko.
Tahimik lang kaming lahat. Alam kong nakikiramdam sila sakin. Alam ko hindi nila alam kung anong nangyayari sa akin.
"Anong problema?" rinig kong mahinahong tanong ni Josh at naupo siya sa tabi ko.
"Wala..." mahinang sambit ko. "Personal ko nang problema 'to. Wag niyo nang alalahanin." sabi ko pa.
"Personal?" rinig ko ring sambit ni Paulo tsaka suminghal. "Baka si Azie 'yan?"
Tinignan ko si Paulo nang banggitin niya ang pangalan ni Azie. Nakita ko siyang nakangising nakatingin din sakin.
Tama siya, alam niya. Hindi ko man sabihin pero alam niya. Sa kanilang apat, siya yung madalas pumupuna sakin at kapag kasama ko o namin si Azie. At alam niya na may nararamdaman ako para kay Azie.
"Ano? Umamin ka ba? Tapos ngayon hindi na kayo magkasundo?"
Hindi ko alam kung nambubwisit siya o kung ano pero parang bigla akong nainis sa tono ng pagkakatanong niya.
"Wala ka na don." mahina kong sambit pero seryoso ako.
"Tsk. Sinabi ko naman na sayo e diba, pigilan mo na yang kung anong nararamdaman mo."
"Ba't nangingialam ka ba?" taas noo kong tanong sakaniya. "Wag mo sabihing may gusto ka rin sakaniya?" hindi ko alam pero bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko.
"Wala!" medyo tumaas na ang boses niya ngayon. "Concerned lang ako sayo, bilang kagrupo mo. Baka nakakalimutan mo Stell, mula nung mag-umpisa tayo sa career natin, ni isa sa atin wala pang pumasok sa relasyon na yan." sabi niya.
"Alam ko." agad ko ring sagot. "Pero baka nakakalimutan mo rin, wala sa kontrata natin na bawal tayong makipag-relasyon."
"Alam ko, hindi ko 'yon nakakalimutan. Ang akin lang, baka kasi kapag naging kayo, mawala na yung focus mo sa grupo. Yun lang naman ang inaalala ko." mahinahon niyang sambit.
"Sinasabi mo bang magiging distraction sakin si Azie?" I asked him and I didn't know that my hand unconsciously turned into fist. Naramdaman ko na hinawakan na ako ni Josh pero isinawalang bahala ko nalang iyon.
"Hindi sa ganon."
Sasagot pa sana ako pero bigla nang pumagitna samin si Josh at siya na nagsalita.
"Ano ba kayo, bukas na nga lang kayo mag-usap. Pakalmahin niyo muna yang sarili niyo baka magkagulo lang kayo pag nagsagutan pa kayo ngayon." seryoso niyang sambit.
Mabibigat ang paghinga ko at sinubukan kong pakalmahin na ang sarili ko.
Binigyan ko pa muna ng tingin si Paulo bago ako pumasok na sa kwarto ko. Sandali akong naupo sa kama at huminga ng malalim.
Naisipan kong maligo muna saglit para mapreskuhan ako. Pero yung saglit na sinabi ko ay hindi ko namalayan na natagalan na pala ako, masyado na akong lutang kaya binilisan ko na ang kilos ko at agad na nagbihis.
Wala akong marinig na ingay sa labas ng kwarto hindi kagaya ng dati. Nakakakonsensya yung kaninang pakikipagsagutan ko kay Paulo. Hindi naman kasi ako ganun e, pati ako nabigla na sa sarili ko.
Gusto kong kausapin ngayon si Azie, o kahit message man lang kagaya ng nakagawian namin pero hindi pa pwede. Hahayaan ko na muna siya, tutal kasama naman niya yung kaibigan niya.
Pero bukas, kakausapin ko na talaga siya. After ng practice namin, pagkauwi na pagkauwi ay pupuntahan ko siya at kakausapin. Aamin na rin ako sakaniya, bahala na kung anong magiging resulta kasi atleast, nasabi ko yung nararamdaman ko. Hindi ako nag-eexpect na parehas kami ng nararamdaman. Pero iniisip ko palang iyon, parang masakit na.
Pero bahala na talaga, basta bukas, dapat makausap ko siya. Kung ipagtabuyan niya ulit ako, sisiguraduhin ko na masasabi ko muna iyon sakaniya.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...