Several months had passed at hindi ko na masyadong namamalayan. What I know is that next month will be our anniversary, mag-iisang taon na kami ni Stell, ang bilis. Marami-rami na rin ang nangyari.
Few months ago ay pumunta ulit ako sa Bicol for a family matter. Ako lang mag-isa ang umuwi non at hindi ko isinama si Stell. I know I said the last time na sa susunod na uuwi ako ng Bicol ay isasama ko siya, pero hindi 'yon magandang timing kaya hindi ko siya naisama. Umuwi lang naman ako noon para kay Mommy, nag-away nanaman kasi sila ni Tito. Kasalanan ba ni Mommy na sakaniya iwan halos lahat ng properties ng Lolo ko at hindi sakaniya. Kaya ngayon si Mommy ang napag-iinitan niya. Nang maayos 'yon ay kaagad naman akong bumalik ng Manila. Bumalik ako ng mabigat ang loob but luckily I have Stell. He did everything para mapagaan ang loob ko non, kagaya ng dati niyang ginagawa. And it makes me think again na baka kapag napagod siya sa akin ay baka iwan nalang niya ako.
I just shrugged that thought off of my mind. Walang magandang maidudulot iyon.
I've decided to go to SB19's studio, nandoon sila ngayon. Pupunta ako dahil gusto kong makita si Stell because I haven't seen him for a few days again. May mga event kasi sila at medyo naging busy na rin. Ako naman ay kakabalik lang sa condo dahil galing ako sa bahay ni Tita Emi. I stayed there for two days dahil umalis ulit si Tita.
Stell:
Busy pa ba kayo ngayon? Pupuntahan kita.I messaged Stell.
While waiting for his reply ay naligo na ako. Pakatapos ay nagbihis na ako, pants lang ang suot ko at sleeveless spaghetti strap blouse for my top.
I checked my phone bago ako umalis and I got no reply from Stell. Nakakapagtaka, nagrereply naman siya lagi. Or baka hindi lang niya hawak ang phone niya ngayon?
Stell:
I'm on my way there. See you mahal, I missed you.I smiled a little before sending it.
Kapag pagdating ko doon busy sila ay hindi ako magtatagal. Gusto ko lang talagang makita siya ngayon, namimiss ko na siya eh.
A smile automatically formed on my lips when I saw Stell sitting and resting on their couch. Nakasandal siya at nakapikit ang mga mata niya, he seems tired. Kakarating ko lang dito sa studio sa studio nila at nadatnan ko sila na medyo busy pa.
"Hi everyone." pagbati ko sakanilang lahat, they also greeted me back.
Nakita ko na napamulat si Stell at napatingin sakin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Tumayo siya kaya lumakad naman ako papalapit sakaniya tsaka ko siya niyakap. I hugged him very tight and I'm expecting that he will do the same but he didn't kaya nagtaka ako.
Dahan-dahan nalang akong kumalas sa pagkakayakap sakaniya tsaka siya hinarap ng maayos. He's just looking at me seriously as if I did something wrong that make me confused.
"I missed you." I whispered while smiling a little.
I got no response from him kaya nagsimula na akong kabahan. I carefully grabbed his hand and gently caressed it and I forced a smile.
"Is there something w-wrong?" I softly asked.
Instead of answering my question, Stell grabbed my wrist and pulled me palabas ng studio nila.
"O-Ouch." mahinang daing ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko, masakit.
Ramdam ko na napalingon sa amin yung apat pero tuluyan na kaming nakalabas.
Nang nasa labas na kami ay kusa na rin niya akong binitawan pero napahawak pa rin ako sa palapulsuhan ko na masakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina. What is wrong with him? Unang beses palang na umakto siya sakin ng ganito, na parang bang kinakaladkad niya ako.
"What's wrong with you?!" I can't help but to raise my voice.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan!" I flinched when he really raised his voice at me. Hindi talaga ako sanay na nasisigawan, lalo na kapag siya pero ano 'to? Bakit? Nagsisimula nang mangilid ang luha ko. "Azie anong pinagsasabi mo kay Giselle?" natigilan ako nang banggitin niya si Giselle. My brows furrowed while looking at him. What does he mean? "Nagkita kami kahapon tapos kinuwento niya kung anong mga sinabi mo sakaniya noong nagkita kayo at nung nag-sorry siya!"
My mouth almost parted open as I gave him an unbelievable look.
"Nagkita kayo? Nagkikita kayo without me knowing?!"
It looks like my blood boiled just now. Nakakapang-init naman kasi ng dugo yung sinabi niya.
"Wag kang magtatanong pabalik! Sagutin mo yung tanong ko."
I gathered my strenght before speaking.
"Oo napagsalitaan ko siya!" paninimula ko, pinatatag ko lang ang boses ko pero parang maiiyak na talaga ako, pinipigilan ko lang. "Bakit, nasaktan ba siya at nagsumbong sayo?! Bakit Stell, mali ba na pagsabihan ko siya sa ginawa niya? Mali ba?"
I saw how his hand turned into fist. He's mad, really.
"Pero nag-sorry na yung tao sayo Azie! Ba't naman inaway mo pa!"
"Hindi ko inaway!" I defended. "S-Stell naman kilala mo 'ko diba? H-Hindi ako palaaway. I don't start a fight..." I said while sobbing, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "Pinagsabihan ko lang naman siya tungkol sa mali niyang ginawa. Mali na rin ba 'yon?" umiiyak kong tanong sakaniya.
Hindi na siya nakakibo nang umiyak na ako sa harap niya.
Hindi ko na mapigilan na hindi mapaiyak dahil parang pinagtatanggol niya pa yung babaeng 'yon. Kung paano niya ako kausapin para lang kumprontahin dahil doon na nangyari naman na ilang buwan na ang nakalipas.
"Kung nasaktan siya sa sinabi ko, edi sorry. Ako na ang magsosorry..." I feel like it's lowering my pride. Tama ba? "Pero sana naman Stell maintindihan mo. Kasi nasaktan ako nun eh..." pag-aamin ko ulit sakaniya. "Makita ba naman kitang hinalikan ng babae." I said as I sobbed again. "Mahal na kita non diba. Sabihin na nating kahit na hindi pa talaga tayo nun dahil sasagutin palang kita. Tangina naman kasi eh." I can't help but to curse. "Magkaibigan nga lang naman kaya non pero siya itong nanghahalik. For God's sake kahit sino alam na mali 'yon!"
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko para na rin matigil ako sa pag-iyak. Pakatapos ay nagsalita pa ulit ako.
"Ikaw nga tanungin kita." panghahamon ko sakaniya. "Isipin mo na ako yung nasa posisyon mo non at ikaw nasa posisyon ko. At nakita mo ako na hinalikan ako ng kaibigan kong lalaki. Hindi ka ba masasaktan? Hindi ka ba magagalit man lang o magseselos?" prangkang tanong ko.
It made him stop and stare at me. Napangisi nalang ako.
Inismiran ko siya bago ako humakbang palayo sakaniya.
"Magsama kayo. Magkita ulit kayo tapos maghalikan kayo." I sarcastically said before leaving him.
Hindi ako umuwi sa condo pakatapos non. I went somewhere na hindi niya alam, at walang nakakaalam kahit na mga kaibigan ko. Kung saan lang ako inabot sa pagddrive.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanficAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...