CHAPTER 35

861 36 45
                                    

"Iba glow mo ngayon ah! Happy ka?" I teased Crystal, kasama ko sila ngayon.

"It's December Azie. Magpapasko na so dapat masaya." Crystal said.

Nakangiting nakatingin lang ako sakaniya. "Ilang linggo pa naman bago yung pasko." sabi ko.

Napailing nalang si Crystal at hindi nagsalita.

I think I'm missing something. Baka mamaya may mga lovelife na pala 'tong tatlo, di lang namin alam dahil hindi nagsasabi. Parang ako, hindi ko pa nasasabi sakanila na kami na ni Stell.

"Ikaw nga eh, saya mo rin?" pagpuna sa akin ni Precious.

I just gave them a smile and I find something on my phone. I want to show something to them. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay ipinakita ko 'yon sakanila.

Precious immediately get my phone from my hand habang gulat sila nang makita kung ano yung pinakita ko. It's a picture of me and Stell. Stell took a picture of us through the mirror habang nakaback-hug siya sa akin. At meron din doon na magkahawak yung kamay namin.

"Gaga kailan pa naging kayo?" Precious asked as she gave me back my phone.

"Ah, nung birthday ko."

"Nung birthday mo? Eh wasted ka non!" she hissed.

"Let's just not talk about me being wasted, ayokong maalala 'yon. Pero nung gabi kasi, pag-aalis niyo, sinabi ko na kay Stell yung nararamdaman ko. I told him na sasagutin ko dapat siya nung pagpunta ko sa studio nila but something happened kaya hindi natuloy. Pero nung gabing 'yon, doon ko nalang sinabi. I told him how much I love him, kaso nakatulugan ko naman siya." I chuckled when I remember that. "Pero nung umaga, kinlaro ko naman na sakaniya. Sabi ko boyfriend ko na siya."

I rolled my eyes at them when they just stared at me. Parang tanga.

"Sana all may jowa?"

I just rolled my eyes on Precious too.

"Buti nga pala kahit papano nacelebrate natin yung birthday mo 'no?" Crystal then suddenly said.

I just nodded and smiled a little.

Mabuti nga naicelebrate pa namin. It's also because of Stell kaya nakapag-celebrate pa ako. Pakagaling kasi namin sa bahay ni Tita Emi ay bumalik din kaagad kami rito sa condo without me knowing na Stell contacted my friends para sabihan na icelebrate pa namin yung birthday ko. Kahit na hindi mismo 'yon araw ng birthday ko, atleast nacelebrate pa.

Umalis din sina Precious at Crystal agad kaya kaming dalawa nalang ni Angela ngayon ang nandito sa condo. Ewan ko kung bakit nagpaiwan 'to.

I made coffee for myself, si Angela hindi na dahil hindi naman siya kagaya ko na mahilig sa kape.

"Azie, tungkol pala kay James, I'm sorry..."

Nagtataka akong napatingin kay Angela nang magsalita siya.

"Ha? Sinong James?" takang tanong ko.

"Yung lalaking nakita mong kasama ko sa fast food chain. He's my b-boyfriend."

Halos mapaawang ang bibig ko dahil sa narinig.

Yung lalaking muntikan ko nang mabangga ay boyfriend niya? What the hell?

"Nasabi niya sakin yung nangyari. I'm sorry if he say something to you na mali or ikinasakit mo." Angela said.

I just smiled a little and shake my head.

"It's okay. Ako yung may kasalanan. Ako yung nagddrive na wala sa sarili." I said.

"Pero kahit na, sorry na rin."

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon