"Omg si Stell, Azie tinawag ka ni Stell! Kasama niya yung SB19!" kinikilig na saad ni Angela.
Right, the voice was familiar cause Stell owns it. But how come na kilala ni Angel si Stell? And who's SB19?
"Tama, si Stell." sabi naman ni Precious.
Napatingin tuloy ako sa tinitignan ni Precious at Angela.
I saw Stell, along with four other guys sa table na hindi kalayuan samin, looking at me with a smile. Stell waved his hand nang magtama ang tingin namin. Nag-loading pa ako saglit bago ngumiti rin sakaniya. Nakita ko ang nang-aasar na ngiti ng mga kasama niya sakaniya nang ngumiti ako.
"Gosh, magkakilala kayo? Kilala ka ng SB19? Ni Stell?" kinilig na saad ni Precious at Angela.
I looked at them both, confused.
"What are you two saying? How did you know Stell? Eh ako nga kakakilala ko palang sakaniya. At anong SB19 ang sinasabi niyo?" nagtataka kong tanong sakanila.
"Mygod Precious, hindi niya kilala." natatawang ani Angela.
"Gaga ka sikat yang mga yan. They're just the biggest and the most famous PPOP boygroup here." Precious said.
I am shocked to know that pero hindi ko pinahalata sa kanila.
"Ganun ba? O-Okay." sabi ko.
I never knew na member si Stell ng grupo na iyon. Baka SB19 nga yung sinasabi niyang mga kagrupo niya.
And isa pa, I don't know them, I do not know their group. Hindi naman kasi ako mahilig tumingin sa mga bagong artist na yan or what so ever.
"How did you knew each other?" kinikilig na tanong sakin ni Precious habang kumakain pa kami.
"Sa condo." simple kong sagot.
"Explain mo naman." napipikon na aniya nang iyon lang ang sabihin ko.
Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita ulit.
"I first encountered Stell on the elevator ng condominium na tinutuluyan ko. He helped me carry my things, nagshopping kasi ako non and I can't carry all those shopping bags alone. Then tinulungan niya ako, he helped me carry it hanggang sa unit ko. And..."
Binitin ko na muna sila sa kwento, dahil pati sina Angela at Crystal at nakikinig din.
"And?"
"And, sinabi niya na magkatapat lang pala kami ng unit. As in." I said.
Nagulat ulit sila dahil sa sinabi ko.
Itinuloy ko nalang ang kinakain ko, patapos naman na ako, ganun din sila.
"Gagi, swerte mo." sabi ni Precious
Napangiwi nalang ako. "Anong swerte doon?" taka kong tanong.
Mahinang hinampas ni Precious ang braso ko kaya napatingin ako sakaniya, magkasalubong ang kilay.
"Fan kaya kami ng group nila, idols namin sila. Girl, para samin maswerte ka." sabi niya.
I just rolled my eyes at her.
Hindi na ako nagsalita hanggang sa natapos akong kumain. Si Precious at Angela ay nag-uusap pa rin about doon sa SB19 kuno while Crystal is just quiet kaya siya ang binalingan ko.
"Crys kilalala mo yung SB19?" tanong ko kay Crystal.
"Yeah, madalas kasi yang dalawa nag-uusap doon kaya kilala ko na rin, namin. Pero hindi ako fan." she explained.
Napatango nalang ako.
Maybe may naikwento na rin sila sakin pero hindi ko lang nabibigyan ng atensyon, di naman kasi ako masyadong interesado.
Hinintay nalang namin na matapos si Angela sa kinakain niya dahil sa aming lahat, siya ang pinakamatagal kumain.
Nang mapadaan yung waitress kanina ay tinawag ko na para hingiin ang bill namin. Ako ang magbabayad dahil treat ko.
"Azie." napatingin kaming apat sa pinanggalingan ng boses.
I immediately stood up when it was Tita. Nagbeso lang kami sa isa't isa.
"Ah by the way Tita, they're my friends. Sila po yung sinabi ko sainyo na pupunta rito." pagpapakilala ko.
Napatayo naman sila Precious isa-isa bago bahagyang iniyuko ang ulo nila.
"Hi mga hija. Just call me Tita Emi, ako yung Tita ni Azie." Tita Emi introduced herself.
Nag-ngitian silang lahat. Bilang pinaka-mabait kuno sa aming apat, nauna nang mag-bless si Angela, sinundan naman ito ni Crystal at ni Precious.
Tita noticed our table kaya bumaling siya sa akin.
"Tapos na kayong kumain?" tanong niya sakin.
I just nod. "Yes po. Inaantay ko nalang po yung bill." I answered.
Umiling naman si Tita sakin. "No, don't worry about that. I'll take care of it." she said.
Pero umiling lang din ako. "No Tita, I can pay. Palagi nalang po eh." I said then pouted a bit.
Tita just tapped my shoulder.
"I'll take care of the bill, wag ka nang makulit." she said. "And you can take out foods para may pagkain na rin kayo para mamaya." she added.
Napatango nalang ako ng bahagya. Wala naman na ako magagawa.
"So how's the food?" tanong ni Tita sa mga kaibigan ko.
"Ang sarap po Tita Emi! You own this restaurant po pala, nabanggit ni Azie." Angela said.
Tita just nod at her while smiling.
"Thank you. Maiwan ko na kayo ha, may aasikasuhin lang ako." Tita said before her gaze went to me. "Ikaw na bahala sa friends mo." she said and I nodded.
Nang tuluyan nang makaalis sa table namin si Tita ay naupo nalang ulit kami.
Angel is finished now on her food.
So, wala nanaman ako babayaran.
"Uy si Tita Emi oh, nandun sa table ng SB19." pag-uusisa ni Precious.
Napatingin ako sa tinitignan niya and she's right. Kausap ni Tita sina Stell.
Hindi na ako nagtaka. Ganyan si Tita sa mga medyo kakilala na niyang customers na kumakain dito. And she's an extrovert, madali lang siyang kumausap at kumilala ng ibang tao unlike me na hirap.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...