CHAPTER 10

702 37 37
                                    

STELL's POV

What a tiring day pero nagawan ko pang tulungan yung babae na naka-stay dito sa tapat lang ng unit namin. Ako na ang nag-bitbit ng ilang shopping bags niya dahil marami siyang dala at hindi niya kaya 'yon lahat.

"Wag ka ngang mag-pout dyan, di ka naman cute." sabi ni Josh nang tumabi siya sakin na maupo sa sofa.

"Alam mo, yung babaeng nagsstay dyan sa tapat natin, ang ganda sana kaso mukhang snob at cold. Parang si Ken." sabi ko sakaniya at tumawa ng mahina.

Nagtataka naman akong tinignan ni Josh.

"Oh tapos? Share mo lang?" aniya.

Inirapan ko nalang siya.

Mukhang na-judge ko pa tuloy yung babae. Pero totoo yung sinabi ko na maganda siya. Wala pa akong ibang masabi sakaniya dahil hindi ko pa naman siya kilala. Pero gusto ko siyang kilalanin, at hindi magiging mahirap 'yon.

Sa mga sumunod na araw ay as usal, may practice kami. Continous ang pag-practice namin kahit ngayon na marami nang nangyayari sa grupo namin.

Kada tapos ng practice namin ay madalas diretso agad kami sa condo para makapagpahinga na.

"Labas lang ako ah, dyan lang sa balcony sa labas." paalam ko kay Pau.

"Ano nanamang gagawin mo dun?"

"Edi papahangin." sagot ko. Magtatanong pa eh alam naman na niya.

Lumabas na ako sa unit namin at ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may naaninag na agad akong babae na nakaupo na sa balcony. Mukhang nagpapahangin din siya.

Habang palapit ako ay namukhaan ko na siya agad kahit naka-side view palang. Siya yung babae na tinulungan ko na nakatira sa tapat namin.

I cleared my throat kaya napatingin siya sa akin. Pero nakita ko agad ang mga mata niya na maluha-luha na pero agad niya rin iyon na pinunas.

"Hello, pwede makiupo?"

Inabot siya ng ilang sandali bago tumango at bago ako maupo.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa photo album na hawak niya.

Tumingin nalang ako sa labas, sa sky. Gabi na kaya medyo malamig na ang ihip ng hangin kaya presko.

Ibinalik ko ang tingin ko rito sa babae at nakatingin pa rin siya sa photo album niya habang yung phone niya at yung cup ng kape niya ay nakalapag sa table sa harap namin.

"Kamusta ka?" hindi ko namalayan na bigla ko nalang siyang natanong.

Nakita ko kung paano siya saglit na natigilan. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako.

I thought she will answer my question but she didn't. She just shrugged her shoulders kaya hindi ko alam kung kamusta siya.

Sa isip ko ay napakunot na ang noo ko. Simple lang yung tanong ko pero bakit hindi niya masagot.

"Nakakarelax dito 'no? Maganda rin ang view." sabi ko nalang habang nakatingin sakaniya.

Tumango lang siya habang hindi nakatingin sa akin.

Ikinuwento ko sakaniya na dito ako minsan tumatambay pagkatapos ng training o ng practice namin. Sinabi 'ko iyon para hindi naman kami tahimik lang.

Nang bigla kong maalala na gusto ko nga pala siyang makilala ay hindi na ako nag-atubili pa na tanungin ang pangalan niya. Pangalan lang naman eh kaya sana naman sabihin niya.

"Ano palang pangalan mo?" nakangiti kong tanong.

Napatingin siya sa akin.

Napagdesisyunan ko na mauna ko nang sabihin ang pangalan ko kaya 'yon ang ginawa ko. "Ako nga pala si Stell. Stellvester Ajero yung name ko pero Stell nalang ang itawag mo sa akin." pagpapakilala ko at inilahad ko rin ang kamay ko sa harap niya.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon