CHAPTER 7

671 39 6
                                    

"Yes Mom. I'm sorry I'm not able to call you yesterday, may ginawa po kasi ako kaya nakalimutan ko na."

Kausap ko si Mommy sa phone. Kakagising ko lang dahil sa tawag niya.

Mom asked if Precious were already here.

"It's okay. Just enjoy there, gaya ng palagi kong sinasabi sayo. Gumala kayo, mamasyal kayo." Mom said.

I just nodded my head lightly kahit hindi niya nakikita.

"Sasamahan ko pa nga sila na maghanap ng matutuluyan nila. Magtatagal daw po sila eh." sabi ko.

"Yes. Nabanggit nga ni Tita Cecille mo sa akin the last time we saw each other." sabi ni Mom, binabanggit niya si Tita Cecille na Mommy ni Precious. Magkaibigan din kasi sila. "Looks like you just woke up. Sige na, bye anak."

"Bye Mom." I simply said then the call ended.

Ayoko pa masyadong magsalita dahil kakagising ko lang.

I checked the time and it's already nine in the morning.

Inayos ko muna ang kama ko bago ako pumasok sa banyo ng kwarto ko para maghilamos. Itinali ko na rin ang buhok ko para presko. Pakatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Tahimik pa ang condo ko. I guess tulog pa sila dahil halos alas dos na ng madaling araw kami kanina natulog. Ganun siguro namin namiss ang isa't isa kaya inabot kami ng madaling araw sa pagkukwentuhan.

Pinuntahan ko yung kwarto kung saan ang mga kaibigan ko natutulog. They only used one room, tabi-tabi sila sa kama. Hindi na ako tumutol dahil malaki naman ang kama at nagkasya naman silang tatlo.

"Crys." tawag ko kay Crystal nang maabutan kong gising na.

She's already using her phone while she's still lying on the bed. Nasa kabilang dulo siya ng kama at nasa gitna nila ni Angela si Precious.

Crystal quietly stood up at lumapit sa akin. Inaya ko siya na lumabas na muna siya ng kwarto.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko sakaniya.

Umiling lang siya. "Kakagising ko lang. Sino pala yung kausap mo? Parang narinig kita na may kausap sa phone." sabi niya.

"Si Mommy lang. She just check on me, us, tinanong niya kung kasama ko na raw ba kayo." sabi ko.

Crystal didn't say anything, she just nods her head.

Nagtimpla ako ng kape para sa akin. I know she's not into coffee.

"What do you want? Should we prepare breakfast?" I asked her.

Alas nuebe naman na kasi at magtatanghali nanaman. Tapos baka mamaya pa magising yung dalawa. Ako, okay lang kahit hindi ako mag-breakfast.

"Kahit wag na ata. Di naman ako nagbbreakfast eh. Tsaka mamaya pa yung dalawa magigising." Crystal said.

Tumango nalang ako. Parehas din pala kami na kahit hindi na mag-almusal.

Pumunta kaming dalawa sa living room at doon muna kami tumambay.

"Crys, do you mind if I ask about your parents? Yung relationship mo sakanila." mahina kong tanong kay Crystal.

"I don't mind." she said.

Napahinga ako ng malalim bago tumitig sakaniya.

"Kamusta yung pakikitungo nila sayo? Lalo na nung Nanay mo?" tanong ko.

"Wala namang bago. Parang wala lang ako sakanila hanggang ngayon. Pero di ko na masyadong iniisip 'yon. Kasama ko naman na kayo." she said.

I noticed with Crystal, she's getting stronger and tougher. Hindi na rin siya madalas na tumatawag samin na umiiyak. I know she can handle herself well.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon