CHAPTER 18

680 35 34
                                    

As days passes, I'm starting to feel something towards Stell, ang weird lang. From the day that I went to their studio, yung sinabi sakin ni Stell, I don't know why but it makes my heart flutter. Umiba bigla yung nararamdaman ko non pero isinawalang bahala ko nalang. I think it's not that serious.

In three weeks ay pupunta muna ako sa Bicol. I'm with my friends. Uuwi kami dahil birthday ng inaanak namin na anak ni Anthony.

Hindi ko pa alam kung magtatagal pa sina Angela at Precious sa Bicol pagkauwi dahil si Crystal ay babalik din kaagad dahil may trabaho na siya rito. At ako, mabilis lang din ako doon. Maybe two nights and three days, then babalik na agad ako rito.

Ngayon ay nandito lang ako sa balcony, nagpapahangin. Mag-isa lang ako ngayon dahil sina Precious at Angela ay nasa kani-kanilang unit nila at ayaw daw lumabas kaya ako nalang mag-isa. Mabuti na rin 'to, mag-isa muna. Atleast I can rest myself from their noises.

My phone suddenly rang. It's Mom who's calling so I answered it. Pero nagtaka rin kaagad ako dahil maingay sa kabilang linya.

"Mom ba't ang ingay?" nagtataka kong tanong.

"Ah, today is your Kuya's birthday, remember? There's just a celebration here kaya medyo maingay. Your brother's friends are here by the way."

Kahit na medyo maingay ay naintindihan ko pa rin si Mom.

Napatahimik nalang ako nang maalala ko na birthday nga pala ng kapatid ko ngayon. I forgot.

"Wouldn't you greet him?" Mom asked. I can't find words to answer. Hindi ko alam kung babatiin ko ba si Kuya ngayon dahil hindi ko naman siya nakakausap kaya nakakailang na. At isa pa, we're still not in good terms for some reason. "Eto yung kuya mo. Greet him."

Huli na nang mapigilan ko si Mommy. Narinig ko nalang ang boses ni Kuya sa kabilang linya.

"Hello"

I do not know what's Kuya's reaction right now. Hindi ko naman mabakas sa boses niya pero kinakabahan ako.

"H-Happy birthday" yan lang ang nasabi ko, mahina pa, but I guess he heared it.

"Thanks"

After that ay wala na.

Kuya gave back the phone to Mom.

Napatulala nalang ako. I don't know what to feel.

"Hindi pa rin talaga kayo magka-ayos 'no? Anak naman, try talking to your Kuya. Magkapatid kayo, nagmamahalan dapat kayo, hindi yung ganitong halos hindi na kayo mag-usap pa."

My eyes started to get watery dahil sa bigla kong naalala. Basta talaga pamilya ang pinag-uusapan, I easily get too weak.

I just let out an unbelievable sigh. "Magkapatid?" hindi ko makapaniwalang sambit. "Edi sana naisip niya yan noon diba Mom? Na ako yung kapatid niya kaya ako dapat ang paniwalaan niya. Hindi yung girlfriend niya na niloko lang siya and I bet, hanggang ngayon niloloko pa rin siya." pilit kong pinapatatag ang boses ko para hindi malaman ni Mommy na umiiyak na ako.

"Pero hindi mo naman napatunayan 'yon sa Kuya mo eh." I just closed my eyes out of frustration. Hindi ko alam kung kinakampihan ba ngayon ni Mommy si Kuya. "We all know that from the start, hindi na talaga maganda ang pakikitungo mo sa girlfriend ng Kuya mo but please Azie, please, wag mo naman siyang siraan. Kaya kayo hanggang ngayon hindi okay ng Kuya mo eh."

"Hindi ko napatunayan?" sambit ko. "Eh kasi ayaw naman niya akong paniwalaan eh!" sa pagtaaas ng boses ko ay hindi ko na mapigilan pa na itago ang iyak ko kay Mommy. My voice just got broke. "H-He didn't listen to me at mas pinili niya pang paniwalaan yung babaeng 'yon!" I said, crying.

That memory, it just happened two years ago. It's still very clear in my memory how my own brother defend her girlfriend at kung paano ako nagmukhang sinungaling sa harap ni Mommy. Yes, sa harap lang ni Mommy because Dad believes in me that time.

Ang sakit kaya non, ibang tao nagawang ipagtanggol ng sarili mong kapatid habang ikaw hinayaan lang, tapos nasaktan pa...

Everytime na naaalala ko ang pangyayaring iyon ay hindi ko maiwasang umiyak. Ang sakit non para sa akin. Yung pamilya kayo, dapat nagmamahalan lang kayo pero iba sa akin eh. Minsan kami pa talaga ang nagkakabanggaan.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sainyong dalawa, lalo na ikaw!" I stopped because of what Mom said. "Akala mo ba hindi ko napapansin? As you grow older, nagiging mataas na rin ang pride mo! That you can't even apologize to your brother for a mistake that happened in the past!"

Hindi ko na mapigilan pa na malakasan ang iyak ko.

Sa boses ni Mommy ay parang ako pa ang mali, parang ako pa ang may kasalanan.

It really breaks my heart that Mom, who I thought will be on my side during a situation like this, ay ngayon may iba nang kinakampihan. Ba't hindi nalang nila ako paniwalaan? Alam naman nila, hindi ako sinungaling.

Mom just ended the call at hindi na nagsalita pa.

And I just quickly stood up in my seat, still crying. Dali-dali akong naglakad pabalik sa unit ko nang nakayuko, I'm shy that someone might see me crying, like a mess, but unfortunately, I bumped onto someone.

"S-Sorry." I quickly apologized to the guy and I didn't even gave him a glance.

Basta-basta nalang din akong aalis sana sa harap niya but he grabbed my arm and made me face him. I'm shocked to see Stell. He saw me again like this, kung dati paiyak palang ako, well ngayon, umiiyak na talaga ako. Lagi nalang niya akong nakikitang ganito, nakakahiya na.

I can see worry and concern in his eyes while directly looking at me. And in no words, I just see myself crying in his arms. Stell hugged me, ikinulong niya ako sa bisig niya kaya wala na akong nagawa kundi umiyak. Napakapit nalang ako ng mahigpit sa damit niya.

"Sshh, tahan na Azie..."

Umiling-iling lang ako. I don't think that I can calm myself down easily right now. Gusto ko lang mailabas lang 'tong nararamdaman ko ngayon, kailangan ko iyon para kumalma ako.

Stell leaned my head on his chest while I continued crying. Hinahaplos lang niya nang marahan ang likod ko habang pinapatahan ako.

"S-Sorry..." I said, almost a whisper. "You always see me in a situation like this. Sorry..."

"Sshhh, it's okay. Walang kaso sakin 'to..." he said in a soft voice. "Umiyak ka lang, ilabas mo yan. Nandito lang ako sa tabi mo."

Mas napahigpit ako ng yakap sakaniya. Nakakahiya pero wala na sa isip ko iyon. By his words, I just found comfort in his arms. I am not assuming things but I think I just felt him kissed the top of my head habang nakayakap kami sa isa't isa.

Stell continued to give me comforting words. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarili ko na unti-unti nang tumatahan at kumakalma.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya at pinunasan ko na ang luha ko. Inayos niya rin ang buhok ko na humaharang na sa mukha ko at nilagay iyon sa likod.

"Gusto mo ba ng makakausap? Nandito lang ako, makikinig ako."

"I-I don't know..." I said in between my sobs.

"Tignan mo 'ko." Stell said as he cupped both of my cheeks to face him. His thumb wiped my tears that's flowing down. When I realized how close our faces are ay naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Ayaw kong nakikita ang mga mahal ko sa buhay na nagkakaganito, importante ka sakin Azie." nagulat ako sa sinabi niya. Mahal sa buhay? Importante ako sakaniya? How? "Sabihin mo sakin kung anong problema mo, makikinig ako. Hindi man kita mabigyan ng magagandang advice pero pangako ko sayo, tutulungan kitang malampasan yan. Nandito lang ako sa tabi mo."

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon