I immediately stood up from sitting on Stell's lap. Naupo nalang ako sa may tabi niya pero hindi kami dikit.
Napahilamos ako ng mukha dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
"I'm sorry, for what I acted..." I said, almost a whisper.
Azie, nakakahiya! I kept saying that in my mind.
"So, di ka naman talaga aalis diba?" maya-maya'y nagsalita na si Stell.
I look at him for a second and I see hopes in his eyes. Masyado ko ata siyang napaniwala kanina.
I forced a smile and said, "Aalis ako."
Stell's facial reaction saddened because of what I've said.
"Pero next week pa naman iyon. Pupunta lang ulit akong Bicol, kasama ko sina Precious. And I'll be back after a few days." I said and smiled to assure him.
I saw how his smile went back. He looked at me at bahagya pa siyang napakamot sa batok niya.
"Bicol lang naman pala eh. Akala ko totoong pupunta kang ibang bansa." sabi niya at bahagyang ngumuso which I find cute.
"I was just playing tricks on you. Akala mo nakalimutan ko na yung nakaraan ah, mahal pa nga." I said and rolled my eyes.
Stell just gave me an apologetic smile and laugh.
"Grabe ka gumanti. Parang makatotohanan na yung kanina." sabi niya habang mahinang tumatawa.
Umiwas nalang ako ng tingin.
Bumuntong-hininga nalang ako bago ko kalikutin yung phone ko. Natahimik ulit kaming dalawa. Ramdam ko nanaman ang titig niya sa akin kaya medyo naiilang nanaman ako pero hindi ko nalang pinapahalata.
Maya-maya ay narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Pero kahit na totoo yung sinabi mong pupunta ka sa ibang bansa, o-okay lang naman sakin. Hindi kita pipigilan. Liligawan pa rin naman kita." bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nang marinig iyon. "Maraming paraan ngayon para magawa iyon. Tapos may video call naman, makakausap pa naman kita tapos makikita pa kita, kahit nasa screen lang."
I can't help myself but to speak already.
"Ikaw naman, masyado mong sineryoso." sabi ko. "Wala akong nakikitang rason para pumuntang ibang bansa. My life is here, my friends and family are here," you are here. Gusto kong sabihin iyon sakaniya pero nahihiya ako. "And I have no one there."
Silence surrounded us again, pero ilang saglit lang iyon.
"Bakit ka pala uuwing Bicol?" tanong niya.
"To visit my family and other friends. Tsaka birthday ng inaanak ko na anak ng isa pa naming kaibigan." sabi ko. "Yun talaga pinaka-reason ko kaya ako uuwi muna."
I let out a sigh and bowed down my head a little.
"Sana sa pagpunta ko ulit doon, maayos na." I said.
"Magiging maayos yan." rinig ko namang sabi ni Stell kaya napatingin ako sakaniya. He give me a smile, smile of encouragement. "Tsaka, kung pwede o kung kaya mo naman, ikaw nalang umiwas. Wag mo na masyadong isipin. And kung may bumabagabag sayo, just call me. Wag mo nang sasarilihin problema mo."
"Wow, jowa na ba kita?" pabiro kong tanong.
"Hindi pa, pero soon. Ikaw kasi eh, di mo pa 'ko sinasagot."
Napailing nalang ako at mahinang natawa.
"Oh, tumatawa ka nanaman. Happy pill mo na 'ko nyan?"
Medyo lumakas na ang tawa ko dahil hindi ko na mapigilan. It's been a while since I laughed like this.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...