AZIE's POV
Simula nung araw na ipinakilala sakin ni Angela ang SB19 ay hindi na ako matigil sa panonood ng mga videos nila. I secretly watch SB19's videos, from their vlogs, performances, I already listened to their songs, at kung ano-ano pa. I secretly watch it all, hindi alam ni Angela or Precious 'yon.
Kapag hindi ko sila kasama, that's my chance to watch videos. Ayoko kasing manood kapag nasa paligid sila dahil baka kung ano-anong sabihin non at banggitin nanaman si Stell.
And speaking of Stell, I haven't seen him for days already. Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang kinonsider as a friend. Ang gaan niyang kausap eh, nagiging komportable na ako hindi kagaya ng una. I only know him for weeks yet I already consider him as my friend.
"Azie tulala ka nanaman." hindi ko namalayan na nakatulala na lang pala ako kung hindi lang ako napuna ni Adam.
"Adam naman, istorbo. Kita nang nagmo-momeng yung tao oh." ani Bella at umirap pa.
"Nagmo-moment. Di sana inend nalang natin 'tong tawag."
Bago pa sumagot ulit si Bella, bago pa man silang magkasagutan pang dalawa ay nagsalita na ako.
"Di kayo busy? Wala ba kayong trabaho ngayon?" tanong ko sakanila.
"Day off ko. Kasama ko lang ngayon si Theo, natutulog pa." Adam said.
"Ako nandito lang sa bahay, kasama si Lola. Tsaka Azie, Adam, balak ko munang mag-stop sa work ko." Bella said.
"Why?" I asked her.
"Para may kasama si Lola dito sa bahay. Tsaka yung kapatid ko na muna magtatrabaho naman since fresh graduate lang siya." she answered.
I just nodded my head.
Si Bella at Adam ay may trabaho ngayon, dati ako rin. But I stopped working just three months ago as a call center agent. Nagsawa na ako eh, at may ipon na rin ako kaya tumigil na rin ako. At pumayag naman sila Mommy na mag-resign na ako sa trabaho ko, ilang taon na rin 'yun eh.
"Wala ka nang balak bumalik sa trabaho mo as call center?" Adam suddenly asked me.
I just shake my head. "Wala pa ano ka ba. Kakaresign ko lang three months ago pababalikin mo na 'ko." I said. "Besides, may ipon pa naman ako. Saka nalang pag nagigipit na 'ko." I said and laughed.
"Gaga kailan ka ba nagipit? Tsaka, kahit di ka na bumalik doon eh. Mayaman naman kayo." Bella said.
Binara ko naman siya. "Wow, nagsalita ang hindi mayaman ah."
Napangiwi nalang siya. "Tsk. You almost have everything." she said.
Napailing lang ako at umiwas ng tingin. "Hindi sigurado 'yan..." I whispered.
Dahil doon ay nabalot kami ng katahimikan. None of us three are talking. Napabuga nalang ako ng hangin.
"Yung sinasabi pala nina Precious sa GC, is it true that you're friends with Stell? Yung member ng SB19."
Si Bella lang din ang bumasag sa katahimikan.
Napaayos ako nang matanong niya 'yon.
"Uh, y-yes." nahihiya kong sagot.
Bella looked at the cam closer habang nakatingin sakin na naniningkit ang mga mata.
"Sure kang friends lang? Why are you blushing?" she asked suspiciously.
My eyes widened at what Bella said. Napahawak din tuloy ako sa pisngi ko at napatingin sa salamin.
"Pahalata ka." I heared her say.
BINABASA MO ANG
My Sunshine
FanfictionAzie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapan niya ang Tita niya sa Manila na sakanila muna siya makituloy. She's lucky that her Tita is kind, s...