CHAPTER 47

893 30 15
                                    

STELL's POV

Kahapon pa nang mangyari 'yon at hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap ni Azie. Nag-away kami dahil doon sa pagkumpronta ko sakaniya. Mali ko, masyado nanaman akong nagpadala sa init ng ulo ko kahapon tapos pagod pa ako.

Gusto kong kausapin siya ngayon pero natatakot pa ako. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mag-iba na yung tingin sakin ni Azie dahil sa inakto ko kahapon. I unintentionally hurt her again, physically and emotionally. Alam ko na hindi ko dapat ginawa 'yon pero nadala lang ako eh.

Baka iniisip niya ngayon na kinakampihan ko si Giselle which is hindi naman.

Yung pagkikita namin ni Giselle nung isang araw ay aksidente lang. Hindi ko naman alam na nandoon din siya sa lugar kung saan yung event namin. Nag-usap kami dahil nag-sorry din siya sa akin tungkol sa ginawa niya noon at nabanggit din niya na nagkita rin sila ni Azie ilang buwan na ang nakalipas. Kinuwento niya kung paano sila nag-usap at kung ano yung pinag-usapan nila. At inamin niya na natakot siya sa aura ni Azie noong pinagsasabihan siya.

Doon ko talaga narealize na mali ako. Alam ko naman na hindi makikipag-away si Azie, mabait siya, pero hindi lang talaga maalis sakaniya minsan yung intimidating at masungit na aura niya, kaya siguro natakot non si Giselle.

Saglit akong pumikit habang nakahiga sa kama, kakabalik lang namin ulit dito sa condo kaninang umaga at gabi na ngayon. Kung maayos lang kami ni Azie ngayon malamang ay nandoon nanaman ako sa unit niya.

Napamulat ako ng mata ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nagulat ako nang makita ko si Mama. Agad akong bumangon at tinanong kung bakit nandito siya.

"Anong ginagawa mo rito Ma?" mahina kong tanong.

"Wala, naisipan ko na daanan kayo rito dahil may pinuntahan ako kanina." sabi niya kaya tumango nalang ako.

Lumabas kami sa kwarto at doon kami nag-usap sa sala.

"So, kamusta? Kamusta kayo?"

"Okay lang po, kahit pagod." sagot ko.

"Eh kayo ni Azie?"

Hindi ko inaasahan na itatanong 'yon ni Mama kaya hindi agad ako nakasagot. Nag-iisip ako kung sasabihin ko na okay lang kahit hindi naman o sasabihin ko na may hindi lang napagkaintindihan.

"Nakita ko siya kanina, paalis dito sa building." nagtataka akong napatingin kay Mama nang sabihin niya 'yon. "May kasamang babae, kaibigan ata niya. Nakaayos sila, mukhang may pupuntahan. Hindi mo alam?"

Nagbaba nalang ako ng tingin tsaka bahagyang umiling.

Paano ko naman iyon malalaman eh simula kahapon hindi pa kami nag-uusap.

"Maghahanap na 'yon ng bagong jowa, Stell."

Sinamaan ko ng tingin si Josh nang sabihin niya 'yon. Nandito nga rin pala siya sa sala habang may nilalaro sa cellphone niya.

"Okay lang ba kayo ni Azie?" tanong ulit ni Mama.

Bahagya ulit akong umiling. "Nagkaron lang kami Ma ng misunderstanding." sabi ko.

Narinig ko na mahinang tumawa si Josh kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin. Pakatapos ay inexcuse niya ang sarili niya at sinabing papasok lang siya sa kwarto niya. Naiwan kami ni Mama rito sa sala habang nag-uusap.

"Nag-usap na ba kayo?"

Umiling lang ako ulit.

"Ano ba kayong dalawa. Mag-usap kayo, ayusin niyo yung problema niyo. Sige ka, mamaya magkatotoo yung sinabi ni Josh. Baka makahanap 'yon ng bago."

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon