CHAPTER 40

1.2K 34 81
                                    

WARNING: Mature scene ahead!

STELL's POV

Pagod ako nang makauwi na kami sa condo, sa wakas nakauwi kami ng kaming lima talaga. Pagod kaming lahat kaya napag-usapan namin na magpapahinga nalang muna kami bukas. Masama na rin nga ang pakiramdam ni Justin at Ken.

Malapit na yung concert namin sa susunod na buwan kaya naghahanda talaga kami. Gusto naming maging maganda ang kalalabasan ng mga pinaggagagawa namin.

Hatinggabi na nang makauwi kami rito sa condo at lahat kami ay tahimik na. Masyado kaming pagod.

Tinignan ko muna ang phone ko at chineck kung may reply na ba si Azie. Ilang beses na akong nagtext at tumawag sakaniya pero hindi niya sinasagot. Gusto ko lang naman malaman kung nakauwi na ba siya dahil nasa bar sila kanina ng mga kaibigan niya.

Nang mainip ako ay bigla ko rin naalala na may duplicate nga pala ako ng susi ng condo unit niya kaya pumunta ako roon.

"Oh saan ka pa pupunta?" nadaanan ko si Josh sa sala na nagpapahinga.

"Kay Azie." simpleng saad ko tsaka lumabas.

Walang ingay akong pumasok sa unit ni Azie. As usual maayos at malinis ang sala kaya dumiretso ako sa kwarto niya. Binuksan ko rin ang pinto non kaya nagulat ako nang wala doon tao. Wala si Azie.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis. Sinubukan kong i-contact ang isa sa kaibagan na kasama niya na pumunta ng bar, si Precious. Tinanong ko kung nasaang bar sila at susunduin ko nalang si Azie, mabuti pa 'yon nagreply.

Agad din akong umalis ulit. Mabuti nalang may taxi pa rito na mangilan-ngilan nalang. Pumunta ako sa bar na kung nasaan sila at para walang makakilala sakin ay nagsuot ako ng face mask.

Agad na nagsalubong ang kilay ko nang matanaw ko agad kung nasaan si Azie. Tumayo siya at parang matutumba pa sana pero pinigilan na siya ni Precious. Agad akong lumapit sakaniya at nakita ko na napatingin din siya sa akin.

I grabbed her waist and pulled her closer to me kaya nagtaka at nagulat siya.

"W-Wait, who are you?" lasing nga.

"Uuwi na tayo, tama na." seryoso kong saad.

Pilit siyang lumalayo sakin dahil hindi niya na ako nakilala dahil sa kalasingan niya. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Azie sumama ka na sakaniya. Uuwi na kayo, susunod nalang kami." sabi ni Precious kay Azie.

"What? Why? I d-don't even know who's this guy." may bahid ng inis sa boses niya.

"Boyfriend mo gaga! Uwi na kayo."

Dahil sa sinabi ni Precious ay napatingin ulit sakin si Azie. Pinaningkitan niya ako ng mata tsaka niya ako hinawakan sa pisngi at sa may panga. Hinawakan ko na agad ang kamay niya dahil baka kung saan pa 'yon mapunta.

"O-Okay. Let's go boyfriend." she said.

Kinuha ko na yung bag niya at ako na humawak non. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan niya.

I'm holding her on her waist while we're walking. Inaalalayan ko na siya dahil baka mapano pa siya. Sinabihan ko naman na kasing wag magpapakalasing pero hindi pa 'ko sinunod. Sa susunod hindi ko na 'to papayagan. She's stubborn.

Kinuha ko yung susi ng kotse niya sa bag niya at ako na ang nagdrive. Tahimik lang siya kaya kampante ako, bahala siya kung susuka siya, kotse niya naman 'to.

"Mahal ang init!" reklamo niya.

I took a glance at her for a while at tinignan ang suot niya. Nainitan pa siya sa lagay niyang 'yan ah. Halos kita na kaluluwa niya sa suot niyang fitted dress. Ay, ang exaggerated ko sa part na 'yon.

My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon