Magnus' POV
Pasado alas tres na ng madaling araw pero gising pa rin kami sa balkonahe. Nakatulog na ang mga babae sa kwarto, kami-kami na lang nina Jay, Vittos, Vlad, Vance, Viel, Peruvian, Austin, at Aries ang gising.
Nakaupo kami sa pabilog na table habang nakalatag doon ang mga inumin at chichirya. Hindi pa kami lasing at kasalukuyan kaming nag-uusap tungkol sa ordeal at kung paano kami nakaligtas ni Vanna.
"I can't believe it, nagawa ninyo 'yon? Ang tibay n'yo, dude!" si Austin na nagsalin ng inumin sa kaniyang baso. Tamang pakikinig lang naman ang ilan.
"Ano na ngayon ang plano n'yo?" si Vittos.
Tumikhim ako saka nangalumbaba.
"Isisilang ni Vanna ang anak namin, that is our only way to break the law."
"Break the law?" walang alam na tanong ni Vance. Halatang nag-aalala sa kaniyang kapatid.
"Yes. Kapag nakapanganak na si Vanna, the kid will be the next leader of the association, mapapawalang bisa ang ordeal sa amin and we can revise it sooner.
"But bro, alam nilang patay na kayo, paano 'yan? The consequence code of silence?" si Peruvian.
Umiling ako. "We have no choice, kailangan naming tanggapin ang kasalanan naming dalawa ni Vanna, for the sake of our freedom. "
"Alam na ba 'to ni mama Catriona?" sabat ni Jay na nasa gilid.
Tumango lang ako rito.
"If that so, kailangan mo ng koneksyon Magnus...we can help you bro. Nandito lang kami, hindi ka namin pababayaan, lalo pa't kung 'di dahil sa'yo, nasa kulungan pa kami hanggang ngayon." Si Veil. Tumugon sina Vlad, Vance at Vittos.
Napangiti ako saka mabilis nilang tinapik ang balikat ko.
"Good to know that all of you are my friends..."
"We are bro, pamilya tayong lahat." Sambit pa nilang lahat sa akin. Nakakataba ng puso, they are serious what they said, at ang totoong kaibigan, hindi nang-iiwan sa gitna ng pangangailangan.
We decide to continue to drink, nag-usap usap kami sa mga plano namin sa buhay. Nagkatuwaan din kami na sumayaw sa indak ng musika saka nag-dare games papunta sa dagat. Pasado alas singko na ng umaga nang matapos kami sa paglalaro at pag-iinuman.
We don't know how we end the night, as we left our bodies asleep in the sand, ang iba nama'y nakatulog na sa upuan at mesa, ang iba naman ay nasa duyan at panigurado, maraming kalat ang natira sa balkonahe.
But that doesn't matter. Ang importante, nagbonding kami ng mga kaibigan ko.
---
Vanna's POV
Nagising ako sa oras na iyon dahil sa alarm ng phone ni Paris. I know it's her, dahil boses niya ang ginawa niyang alarm.
"Ugh, oh my god. Umaga na pala." Nag-unat ako ng braso. Tabi-tabi kaming lima sa kama. Nabungaran ko si Romary na nakatapis na ng tuwalya, galing yata ito sa banyo.
"Good morning," bati niya sa akin.
"Good morning...nasaan sina Georgina at Raquel?" tanong ko pa.
"Nandoon sa kusina, nagluluto na, tapos nagligpit na rin yata sa kalat sa labas, alam mo naman ang mga boys, nagkalat na naman kagabi." Umismid pa ito.
"Where's Magnus?"
"Naku, dai, baka nasa sa dalampasigan, doon yata sila naabutan ng antok. Wala sila sa balcony e." Sabi pa ni Romary.
"Okey, gan'on ba, pabayaan na lang natin, alam mo naman sila, daig pa ang abnormal na mga bata." Tawa ko pa.
"Sinabi mo pa..." she agreed.
Nang makabangon ako ay nagtungo ako sa kusina. Abala sina Raquel at Georgina sa pagluluto.
"Good morning gorgeous." Niyakap nila ako isa-isa.
"Okey lang ba kayo riyan?"
"Yes of course, don't bother. Kami na ang bahala dito." Sabi ni Raquel.
"Nasaan ba sila?"
"You mean ang mga boys?" si Georgina.
Tumango ako. "Oo."
"Nandoon sa dalampasigan, tingnan mo sila, nakahilata." Turo pa ng dalawa kong kaibigan. Natatanaw kasi sa bintana ang dalampasigan sa malayo. Tanaw ito mula sa bahay since nasa hill ito.
Napailing na lang ako.
"Parang mga bata." Usal ko pa saka napangiti.
I decide to take some blankets and towels to them.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa labas, patungo sa dalampasigan. Nang makarating doon ay inisa-isa ko silang bigyan ng tuwalya.
Nakakatawa silang lahat dahil halos ginawa nilang kumot ang buhangin at nakatihaya pa talaga habang humihilik.
"Oh my god, how gross you all," turo ko pa sa apat na kuya Shaw ko. Nagsusuka pa si kuya Vance dahil nalamigan yata. Wala kasi itong damit. Nakashorts lang ito habang nakatihaya.
"Magnus, get up! You brute!" sambit ko rito sabay hagis sa kumot.
Kamot-ulo itong napabangon ng wala sa oras.
"Vanna..."
Nakapamaywang ako that time. "Yes?"
He bit smile.
"Oh, so you recently said that you are not 'under' to your wife bro? What is happening now?" asik ni Peruvian na pinipigilang hindi matawa kay Magnus. Daig pa kasi nito ang maamong aso sa harapan ko.
"What did you said, Daviro?" Banat ko ulit kay Magnus.
"He's just joking hon, alam mo naman 'yan, may sira 'yan sa ulo!" telling Peruvian is lying.
Tawang-tawa si Peruvian sa inasal ni Magnus.
I even pinch Peruvian dahil ang ingay nito. Hinatak ko rin ang mahaba niyang buhok.
"A-aw, aw! Ang sakit n'on ah." Reklamo pa niya.
"Pasalamat ka, I'm pregnant. Kanina pa sana kita binalian ng buto." Asik ko rito.
"Come on, nakakasama sa bata ang magalit, sis." Sabat naman ni kuya Vittos na if I know, nakikigulo rin sa amin.
I roll my eyes. "Ewan ko sa inyo, mga abnormal."
Sa sinabi ko'y nagtawanan silang lahat. Aba'y! Pinagtutulungan pa yata ako.
"Come on, the breakfast is ready, alam kong may hang-over kayong lahat..." I crossed my arms.
Madali silang tumayo at sumunod naman sa akin. Kahit kailan talaga, the heart of a man is through his stomach...
Magnus carry me as if we are newly wed. Panay tuloy sila kantyaw sa amin.
"Ibaba mo ako!"
"No."
"Kakagatin kita!"
"Try me," walang pake na sambit nito.
"Isa!"
"Dalawa...tatlo!" dinugtungan lang nito ang sinabi ko.
Nagtawanan ulit sila sa amin.
"Come on, love birds, baka langgamin kayo d'yan!"
Nahampas ko tuloy ng wala sa oras ang mukha nito. Nakakainis talaga! Even deep down inside of my heart, kanina pa tumatambol ang puso ko sa kilig at tuwa.
Walang hiya ka talaga Magnus! Sabi pa ng utak ko sa oras na iyon.
Maigi lang niya akong kinarga hanggang makapasok sa bahay. Going to our living room, to our kitchen. Hindi tuloy ako nakaiwas sa mga mata ng mga kaibigan ko na nagpalakpakan pa nang maibaba ako.
"Feels like your wedding huh," ngisi ni Paris. Naglalapag na ito ng mga kubyertos sa mga pinggan na nakahilera doon.
"If I know, every night, they are in honeymoon here..." sambit ni Romary na inaasikaso si Peruvian. Seems they are having mutual relationship now.
"Well, that's normal. Ang hindi normal ay kayo ni Peruv, para mo yatang binebeybe 'yang mokong na 'yan ah? May dapat ba kaming malaman?" Nahinto ang dalawa saka nag-iwas ng tingin. I forgot that nandoon din pala si Austin na tumahimik lang sa sinabi ko.
"Oh, my bad." Sabi ko as a console.
"Well, I'm courting to her. Depende sa kaniya if sasagutin ba niya ako." Si Peruvian na umingay pa lalo.
"Congrats bro!" Bati ni Magnus dito.
"Wishing that she'll accept you," makahulugang ngisi naman ni kuya Vittos.
"Take good care of her." Austin added.
"Yes bro, I will." Peruvian replied to Austin.
"Well, it's up to me, everybody, tinatantya ko pa ang isang 'to, ayaw kong mascam na naman. Alam n'yo na, ayokong mabalo ulit sa ikalawang pagkakataon..." tawa pa ni Romary habang umiiling.
"Well, let's start to eat. Handa na ang lahat..." sabat ni Raquel na nilagay na sa gitna ang sinigang, masarap daw kasi ito sa mga may hang-over. If we know, magkakaubusan na naman yata ng sabaw dahil mag-aagawan ang mga boys.
"But before that, let's take a prayer. Ikaw na ang ang mag-lead Peruvian." Sabi ni Magnus.
Napakamot ng ulo si Peruvian.
"Hindi ako marunong."
"My god, paano ka sasagutin ni Romary n'yan? Kung pati bless us o lord, hindi mo alam?" trashtalk naman ni Aries kay Peruvian.
Nakita naming pinagpawisan ito ng malapot. Halatang kabado.
"In the name of the father, and of the son, our son, my son," huminto ito saka tiningnan ang mga mukha namin. Pigil-tawa naman ang mga boys sa pinagsasasabi ni Peruvian.
"Hail mother, thanks for the food, hail father, salamat sa mga foods. Sana'y mabusog kami. Amen."
Nag-sign of the cross pa ito.
Nang matapos nito ang pag-sign of the cross ay malakas na nagtawanan ang mga ugok na kaibigan ni Magnus. Napatalon pa nga ang iba dahil, ngayon lang yata nila narinig mag-pray ang demonyong si Peruvian.
"Ibang klase ka pre! Ewan ko sa'yo! Mamamatay ako sa kakatawa!" sabi pa ni Aries .
"Good job, Peruv." Isa-isang tinapik ito nilang lahat.
Proud na proud naman ang kumag na abot-batok yata ang ngiti.
Nakita ko naman si Romary na nag-roll her eyes. If i know, naturn off ito sa pinagsasasabi ni Peruvian.
"Ewan ko na lang talaga, kapag nag-exchange of wedding wovs kayo, baka mali-mali rin ang sabihin n'yan sa altar!" sabat ni Georgina kay Raquel.
"Truth, sis. Good luck na lang talaga!" tapik ni Raquel dito. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Let's eat folks! Lumalamig na ang sabaw..." saad ni Magnus na naunang magsandok ng sabaw saka humigop hawak ang bowl.
Nagsitayuan silang lahat saka nag-aagawan sa sandok. Tama nga ang premonition ko kanina, magkakaubusan na naman sila ng sabaw.
I clap my hands.
"Okey boys, fall in line. Ang hindi mag-fall in line, siya ang maghuhugas ng pinggan!" I mean it. Seryoso ang mukha ko.
Nagkatinginan silang lahat at dahan-dahang luminya para kumuha ng sabaw.
"The best talaga ang sabaw mo Raquel!" Sambit pa ni Magnus.
"Masarap ba ang sabaw ko, Magnus?" ulit pa ni Raquel.
"Oo, sobra."
Habang nakikinig ako sa kanilang dalawa ay nagkaka-double meaning yata ang isipan ko.
"Ako rin naman ah, masarap naman ang sabaw ko, 'di ba, hon?"
Magnus bit his lower lip. "Of course, hon, walang tatalo sa sabaw mo," sa sinabi nito ay sabay-sabay na tinira siya ng mga loko niyang kaibigan.
"Sana all!"
I just shake my head. Kahit kailan talaga, pahamak talaga ang tropa sa burdagulan.
---
Matapos naming kumain ay nagpaalam kami ng mga girls na papunta sa clinic, ngayon kasi ang schedule ko for ultrsound.
Sakto naman at nandito silang apat kaya susulitin na rin namin. Gaya ni Magnus, excited din ang apat kong kaibigan sa magiging anak namin ni Magnus, kung babae ba ito o lalaki.
Sakay kami sa kotse ni Austin. Si Paris ang nagmamaneho, ako naman ang nasa passenger's seat habang nasa likuran naman sina Raquel, Romary at Georgina.
Panay chika ang mga ito about sa itlog, ewan ko kung anong itlog ang tinutukoy nila. Panay tawanan ang mga ito.
"If I know, kaldagan na naman 'yang pinag-uusapan ninyo ano?"
"Hindi ah!" denial na sambit ni Romary.
"Sus, ang sweet-sweet nga ninyong dalawa ni Peruvian, siguro nagpadasal ka na sa kaniya no?" si Paris ang natanong.
"Anong dasal ang pinagsasasabi mo?" denial pa rin ito.
"Baka hindi namin alam ha, baka sumunod ka na kay Vanna, ikaw na naman ang sasabayan namin sa ob gyne clinic." Dugtong naman ni Georgina.
"I'm good, mga sis, hindi ko naman pinapaputok sa loob, ano ba kayo!"
"O my god! So, may putukan na pala talagang naganap?" parang bulateng inaasinan si Raquel, ganoon din si Georgina. Pinapagitnaan ng dalawa si Romary.
Natawa na rin ako sa tatlo. Kahit kailan talaga napaka-honest ni Romary, kaya madali lang itong mabasa at madakip kapag nagsisinungaling.
"Oo na! Sige na nga! Oo na. Tapos na." Irap naman nito sa aming lahat, but, her face turns to red, as if kinikilig sa pag-amin niya.
"Ows, tapos? Magaling ba?" si Paris na kahit nasa manibela ay panay sabat.
Mahinang tumango si Romary.
Nagtilian kaming lahat sa loob ng kotse. Halos tuloy maibangga ni Paris ang sasakyan.
"Rate him to 10, ilan?"
Romary pout her lips. "Twelve."
Dahil doon ay naapakan ni Paris ang break kaya napadaos-os kami sa harapan. Buti na lang at may seatbealt ako.
"Damn! Thats huge!" Sabay-sabay na litanya namin kay Romary.
"Nabiyak na niya lahat, beh?" sambit ko pa rito.
"Yes, girl. He break me into pieces, even my Versace thong didn't return. Nasa kaniya pa rin 'yon!"
Pumalatak ang tawa naming lahat. Ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa, kahit kailan talaga, palabiro talaga si Romary.
Hindi na rin namin napansin na nandoon na pala kami sa clinic.
"Oh, we're here! Ito na ba 'yon?" Si Paris ang nakapansin kaya pumarada na ito sa gilid.
"Yes. It is. Tara, pumasok na tayo." Sabi ko sa mga kaibigan ko.
Madali kaming bumaba at sabay-sabay na pumasok. Hawak-kamay kaming lima. Nang makita ang secretary ay agad akong naupo sa upuan na kaharap ng table nito.
"Do you have an appointment maam?"
"Yes. Here it is." Kinuha ko ang papel at ibinigay iyon sa kaniya. Binasa niya ito saka nilista ang pangalan ko. Nasa gilid lang naman ang apat kong kaibigan na naghihintay sa akin.
"Okay maam, you can now enter the doctor's room." Inassist niya ako sa sinasabing kwarto.
Nang makapasok ako sa loob ay kumaway sila sa akin. Cheering me that I can do it!
Nang makapasok sa loob ay nandoon ang babaeng doktor. Nakangiti lang ito sa akin saka binasa ang papel na mula sa sekretarya.
"Oh, hello, Mrs. Corpuz, so today is your schedule. Come her, and lie down to the bed."
Agad naman akong nahiga at sinunod ang utos niya. May malalaking screen doon saka makinarya ng ultrasound. "Let's start..."
Tumango lang ako. Nang magsimula siyang maglagay ng gel sa tiyan ko ay naramdaman ko ang malamig at sensasyong dulot n'on.
"Just relax, maam."
"Okey." Ngiti ko.
May aparatus siyang nilagay doon saka tinatantya kung saang parte ng tiyan ko ang heartbeat ng baby ko. Nang makita niya ito ay nakita ko kung paano siya magulat.
"Oh, there's two heartbeats, maam. Uh, no, it has three heartbeats."
Napaawang ang labi ko sa oras na iyon. Kaya ba ang laki-laki ng tiyan ko? Kaya ba tumaba ako nang sobra?
Oh my freaking god!
"You're having a triplets."
"A triplets?"
"Confirmed, maam."
"Let's check their genitals."
Nang makita niya ay nagsalita ito.
"You have two boys, and one girl, maam. Congratulations!" sambit nito.
I didn't realize that time na napaluha pala ako sa tuwa. Oh my god. Hindi lang isa ang dinadala ko, kung 'di tatlong anak ni Magnus. A triple blessings!
Nang matapos kami sa loob ay hindi ako makapaghintay na sabihin sa mga kaibigan ko ang babies ko.
Lumabas ako at nakita ang nananabik nilang mukha.
"What? Anong gender ng baby mo?" excited na tanong ni Paris.
"It's a...triplets."
"Whaaaat? Woo! Wow!" Sabay-sabay na sambit ng apat.
"Two boys and one girl." Sabi ko pa sa kanila.
"Congratulations, girl! That's call for a celebration!"
Niyakap nila ako. "But, first, huwag n'yo munang sabihin kay Magnus ngayon," I smile.
"Sa baby shower na!" dugtong naman ni Georgina.
"That's a great idea!!" ngiti ko pa sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Magnus My Mafia Boss Husband
RomanceVanna Shaw is a woman who build the Secret Territorial Group in Spain, she own all of the contraband units who handle carriers, securities and public dispatchers of their assets. She is one of the five women who runs the group, thus, she knew that...