Magnus' POV
I am now calling Austin, gusto kong makausap ang walang hiyang kapatid niya. I need him as much as I need Quil to be okey, gusto kong nandoon siya sa operasyon ng anak niya. Gusto kong makita ni Quil na siya ang ama nito. Na makita na buo ang pamilya niya even though Mara didn't want to directly tell him the truth.
Agad namang tumunog ang kabilang linya saka nagsalita. "Yes, bro? What's up?" si Austin na walang kaide-ideya sa mga pangyayari.
"Hello, Austin, I need to talk to you..."
"Yes? Bakit?"
"May dapat kang malaman."
"Ano?"
"It's about your brother," I round my fist. Gusto ko talagang masapak ang bwesit na lalaking 'yon.
"Si Aquil? Bakit?"
"I need him, I want you to give his number, gusto ko siyang pumunta dito sa Hawaii."
"May problema?"
"That brute impregnant my twin sister six years ago, malaki na ang anak niya, and my sister needs him here, ooperahan ang anak nila. Sabihin mong humarap siya sa responsibilidad na iniwan niya, kung hindi, sisingilin ko siya hanggang kamatayan niya." Seryosong sambit ko rito.
Hindi agad ito nakapagsalita.
"Is this for real, man?"
"Kailan ba ako nag-joke sa'yo, Austin?"
Agad itong umayos, he clear his throat.
"I will take him there, don't worry. Kakaladkarin ko siya papunta d'yan."
"Good."
"Sige, Mag...i mean, Alsonso."
"Thank you." Tipid na sambit ko sa kaibigan saka ibinaba ang tawag.
Matapos makipag-usap ay pupunta na kami ni Mara sa hospital para sa operasyon ni Quil. Pasado alas onse na rin kasi, ala una ang schedule ng operasyon ng bata kaya dapat na kaming umalis ngayon.
Buhat ko na ang mga dadalhing gamit ni Quil. Karga naman ni Mara si Quil na noo'y bagong gising pa.
"Come on, let's go, magmadali tayo." Tawag ko sa mga ito.
Agad namang bumaba sa garahe ang mga ito. Sumunod sa amin si Vanna na dala ang isang pack ng meryenda.
"Oh heto, kunin n'yo kumain kayo habang nasa byahe, para hindi kayo magutom."
"Thanks, hon. You're the best." Hinalikan ko ito sa pisngi.
"Aww, nakakakilig naman kayo kuya, mapapa-sana all nalang talaga ako."
Tumawa lang si Vanna saka kumaway na sa amin. Sabay kaming sumilid sa kotse saka nagpaandar na. Katamtaman lang ang pagpapatakbo ko sa oras na iyon, sakto lang din para makadaan pa ako sa paborito kong kape. Nag-order rin si Mara dahil pareho kami na 'coffee is life'.
Nagkwentuhan sila sa likod gaya ng dati, gustong malaman ni Quil ang nangyayari sa paligid niya. Gusto nitong malaman ang mga tanawin na nasa daan. Nakakapanibago rin dahil nakakaintindi na rin ito ng salitang Tagalog.
Tinuturuan kasi ito ni Vanna at Mara.
"Uh, kuya, pwede bang magtanong?"
"Yes?" Sagot ko habang hawak ang manibela.
"Uh, kuya, paano ba kayo nagkakilala ni Mikaela? Destiny ba?" Kinikilig na sambit nito.
I rolled my eyes and giggles. Kahit kailan talaga, usually, ang babae ay naniniwala sa destiny at fairytales na love story, which in fact, ang totoo naman ay planado ang rason kung bakit kami nagkakilala ni Vanna.
I cleared my voice.
"Sabihin nating...dahil gwapo ako."
"Yuck, ang presko mo rin kuya no?"
"It's true. Nabihag siya sa pagiging gwapo ko."
"Sapat na ba 'yon?"
"Hindi. Pero at least, hindi ako nahirapan na magpakilala. Hindi kasi madali na agawin ang atensyon ni Mikaela. She's like a cherry that hard to pick, mahirap siyang paamuhin." Pagkukwento ko pa.
"Anong ginawa mo? Paano mo siya pinaamo?"
"First, I court her, in the morning daylight, dinaig ko pa ang intsik sa panliligaw." Natawa ako sa sinabi.
"Ibang klase ka rin, kuya ah!" natawa rin si Mara.
"And I promise her one thing she needs most." Dugtong ko pa.
"What is it? A true love?"
I shake my head.
Kumunot ang noo ni Mara. At mas naintriga pa lalo sa sinabi ko. I continued to tell her everything.
"I told her to give her freedom."
Napatanga si Mara, tila hindi ma-sink in sa isip niya ang sinabi ko. Maging ako'y hindi rin akalain na iyon ang naisip kong sabihin para mapasagot si Vanna.
"Freedom? Bakit kuya? Nakulong ba dati si Mikaela?"
Naapakan ko ang brake sa sobrang gulat. Kahit kailan talaga, medyo slow din 'tong mag-isip si Mara. I shake my head.
"It's a long story." Sabi ko pa saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa hospital. Agad naman kaming inasikaso ng mga nurse, lalo na si Quil at Mara.
Napagdesisyonan kong maghintay sa labas. Naupo lang ako sa bleachers at nagmasid sa paligid. Sabi ng doktor, aabot ng anim hanggang walong oras ang operasyon kaya habang naghihintay ay minabuti ko na ring maglibot sa hospital. Nagbabakasakali ako na baka makita ko doon ang kaibigan na si Ace at asawa niyang si Jinky.
Hindi kasi maalis sa isip ko ang nangyari noong nabangga sila noon sa highway.
Nasa ikalawang palapag ako habang nakatanaw sa mga bagong silang na sanggol. Tahimik lang akong nakatingin. Nang may biglang tumabi sa akin. Nakawheel-chair ito at may benda ang ulo.
Nagulat ako dahil si Ace ito.
"I didn't notice you, ikaw pala 'yan, Magnus..."
Napalingon ako at halatang nabigla.
"Ace? Ikaw ba 'yan?"
He smiled and tap my arms. "Yes."
"What happened to you?"
"As you see, nagpapagaling pa ako, nabangga kasi kami ni Jinky."
"How is she?"
"She's fine. Katunayan, napaaga ang pagle-labor niya sa panganay namin. Look at her, that's our baby girl." Turo niya sa isang baby na nasa sentro. Gaya ni Ace na may lahing black american, ay kulay morena rin ang kulay ng baby nito, but, the face of it was totally carbon copy of Jinky.
"She's so pretty."
"Yes, like her mother." Proud na sambit ni Ace. Naramdaman ko tuloy ang pananabik sa magiging anak namin ni Vanna. Magiging ganito kaya ako kaproud gaya ni Ace?
Napangiti ako sa oras na iyon saka tinapik siya sa balikat.
"Congratulations, bro."
"Thank you, man. By the way, bakit ka nga pala nandito sa hospital? Manganganak na rin ba si Vanna?" Mahinang boses nito.
I shake my head.
"No, nandito ako kasi magpapaopera ang anak ng kapatid ko."
"Kapatid? I didn't know that you have a sister, Magnus." Gulat na sambit nito sa akin.
"Yes I have, she's my twin sister."
She nod and smile back. "That's great to know, man."
"Thanks, Ace. Please don't spill it to anyone, it's just me and you."
"Don't worry, Magnus. Para saan pa't naging magaling akong informer ni Peruvian 'di ba?"
I laugh a bit. Ace has always sense of humour and that's why I admire him.
"Wanna go to our room? Nandoon si Jinky."
Tinaggap ko ang paunlak nila sa akin, mas mabuti na rin na may kausap ako habang naghihintay doon. Besides, harmless naman ang pamilyang mayroon si Ace.
---
Vanna's POV
Nang makaalis si Magnus ay naglinis ako ng bahay. Minabuti kong linisin ang lahat para naman kapag namulat na ni Quil ang mga mata nito ay makita niyang maaliwalas naman ang bahay na tinutuluyan niya.
Naglaba na rin ako ng mga kurtina saka mga bedsheet. Hindi naman mahirap dahil may washing machine naman na siyang madalas na gamit ko.
Matapos mag-arrange ay nagtupi ako ng damit. Habang nasa kwarto ako ay nakita kong makalat ang closet ni Magnus, I decide to have a make over, pero hindi ko sinasadyang mahulog ang isang calling card.
Kinuha ko iyon saka binasa. Pangalan 'yon ng isang investigator, nacurious ako kung ano ang pinapahanap niya. But, I am more busy doing the stuff kaya nilagay ko lang ito sa drawer. Nagtupi ulit ako ng damit niya, hanggang may mga folder akong naihulog. Nasa ilalim kasi ito ng mga damit na nakafile.
Isa-isa ko itong kinuha at doon ko nabasa ang isang testament.
'Morgan Nexus Daviro' is the legitimate son of Catriona Daviro. Tapos may selyo pa at may tatak na confirmed.
Napahawak ako sa sariling bibig saka nalilitong inilapag ang hawak na papel.
Anong ibig sabihin nito? Magkapatid kami ni Magnus? Kapatid ko rin ba si Mara?
Due to my condition, ay marami na akong naconclude sa isipan ko, I even cried out dahil nagpapanic ang isip ko na baka nga totoo na anak ni mama Catriona si Magnus. That we are blood related.
"Oh my fucking Christ!"
Ano ba ang nangyayari!
Hindi ko na alam ang nangyayari sa oras na iyon. Nahihilo ako kaya minabuti ko munang maupo at kunin ang phone. Gusto kong tawagan si mama Catriona para komprontahin. Nasa bayan ito, at nagpaalam na mamimili muna.
Sakto namang agad nag-ring ang kabilang linya kaya minabuti ko nang magsalita.
"Hello? Yes anak? May ipapabili ka ba?"
"Ma..."
"Oh bakit?"
"I need you here. Now..."
"Okey. I'm on my way, bakit? Nagle-labor ka na ba?!" medyo nag-aalala ang boses nito.
"I need to ask you some questions..."
"Okey, I'm coming. Kinabahan naman ako sa'yo anak, akala ko nagle-labor ka na."
"Next month pa ako manganganak ma, huwag kang praning." After that, I ended our conversation.
Ilang minuto akong naghintay. Uminom muna ako ng tubig sa kusina saka naupo sa isang upuan.
Tahimik ko lang tiningnan ang mga papeles na nasa harapan ko.
Nang marinig ang busina ng kotse ni mama ay alam kong nasa labas na siya. Matiyaga akong naghintay. After I heard her step in the door ay alam kong dideretso siya sa kusina.
"Hija? What's the matter?" Takang tanong nito. Nababasa kasi niya sa mukha ko na galit ako.
I dart my eyes to her.
"Sit down." Sabi ko pa rito.
Umupo naman ito saka nilapag ang mga pinamili.
"Look, i don't know what's happening, can you please talk?!"
"Here. What is this, ma?" Sambit ko pa habang inilapag ang testament of records.
Gaya ng inaasahan ko ay nagulat din siya. I don't know is nagulat ba siya dahil hindi rin niya alam o dahil nagulat siya dahil nalaman ko na.
"Tell me about it? How does it's true?"
"Listen, anak."
"Oh, so alam mo?"
"Listen." Ulit nito.
"I need you to tell me, ma. Ano pa ba ang mga tinatago ninyo sa akin? Did you just use me? Para isagawa ang plano mo ha? You're making me sick ma!"
"Anak, please hear me out."
Nagstruggle na akong huminga dahil namumuo na sa mata ko ang mga butil ng luha.
"The truth is...anak ko sina Magnus at Mara sa kapatid ni Max, ang tiyo niya. Nang mamatay ang papa ni Magnus ay nawalan ako ng pag-asa. My life turns upside down. Dahil napariwara ako, hindi ko alam noon ang gagawin ko sa mga anak ko, kaya pinamigay ko sila. Nalulong ako sa sugal, nakilala ko ang ama ninyo na may-ari ng casino. Hindi ko kayo tunay na anak...Vanna. Anak kayo ng ama ninyo sa una niyang asawa. Malupit ang ama ninyo, hindi ninyo alam dahil mga bata pa kayo noon. I tried to escape, gusto ko kayong isama kaya binalak ko ang pagtakas sa barko. Sinadya ko ang pagkawala mo para makatakas ka sa poder niya, gayundin si Jay, sinigurado ko na hindi na niya kayo makikita, ayokong maltratuhin niya kayo na gaya ko. Doon na ako tumakas but, I didn't know that, it's also the reason why my memory lost. Mabuti na lang at nakita ako ni Max. Kinupkop niya ako, hindi ko siya matandaan noon. Naging asawa niya ako, not knowing that he already knew that I am the wife of his late brother, na ang kinukupkop niyang pamangkin ay ang mismong anak ko pala. And because I need to seek the truth, I asked him my freedom, hinanap ko ang sarili ko, doon ko napagtanto na nasa kamay ko na pala ang anak ko na si Magnus. That's why I hired an investigator, para ipahanap kayo ni Jay. Dahil nasa memorya ko na naging anak ko rin kayo, kahit hindi ko kayo laman at dugo. I treated you as my own. Even Mara, I look for her, kaya minabuti kong magpakilala na isang donor sa ampunan, hindi ko alam ang totoong nangyari na ipinamigay pala siya ni Max noon. I didn't know, kung 'di sana'y hindi niya naranasan ang mga bagay na naranasan ko rin noon. I am so guilty, how to explain the truth...which in the first place, alam kong nagkaroon pala kayo lahat ng koneksyon, lahat kayo konektado, I prayed thousand hail Mary's to forgive my sins. At alam kong darating ang araw na ito. Darating ang araw na susumbatan ninyo ako lahat. Hindi mo alam...pero noong papunta na kayo ni Magnus para tumakas...nandoon ako habang sinusumbatan niya. Nauna niyang malaman ang lahat, at kahit alam niyang anak ko siya, at sa paningin niya'y anak rin kita, hindi pa rin siya nagpatinag. Pinili ka pa rin niya sa lahat..." Madamdaming sambit ni mama habang umiiyak.
Napahagulhol ako sa lahat ng nalaman. Kaya pala noong patakas na kami noon ni Magnus ay galit na galit si Magnus sa kaniya.
Narinig ko pa noon na sinusumbatan niya ito, akala ko'y dahil lang 'yon sa pag-iwan niya dati...ang totoo pala'y dahil iyon sa paglimot ni mama sa kanila. Kung gan'on pala, walang kasalanan si Mama Catriona. Biktima lang siya ng sitwasyon, biktima lang siya ng mga taong minanipula siya.
She didn't do any harm to us. She just want to protect us, to save us.
"Mama..." sambit ko rito saka niyakap siya habang lumuluha.
"Anak..." Sabi niya sa akin saka sinuklian ako ng mahigpit na yakap.
This may not be the end of all trials we had, but, now, I know that we are standing on both side of the story. She is my mother, kahit hindi pa niya ako kadugo, alam ko na mahal na mahal niya kaming dalawa ni kuya Jay.
BINABASA MO ANG
Magnus My Mafia Boss Husband
RomanceVanna Shaw is a woman who build the Secret Territorial Group in Spain, she own all of the contraband units who handle carriers, securities and public dispatchers of their assets. She is one of the five women who runs the group, thus, she knew that...