Chapter 25

773 58 33
                                    


Vanna's POV

Nagising ako sa tunog ng makinaryang nasa aking gilid. Nabigla ako nang makitang maraming nakakabit sa aking kamay, mga hose ito at dextrose. Tanaw ko ang puting kumot na tumatabon sa'kin, the air is cold from the AC, but the light is filtered and i'm sorrounded with curtains. Sa kaliwang kamay ko ay mas nag-panic ang utak ko nang makitang may hose na kulay pula, dumadaloy ito papunta sa akin. Parang sinasalinan nila ako. Heck! I am screaming in my mind, pero hindi ako makagalaw.

Ano ba kasing nangyayari?

Nakita kong may lalaking nakaupo sa isang banda, abala ito sa pagsuslat ng mga forms, parang mga billing iyon, at mga gamot na kailangan kong inumin.

Kahit gustong-gusto ko siyang tawagin ay hindi ko magawa, i can't even open my mouth. I feel numb that time, tanging mga mata ko lang ang nakatingin sa mga nagaganap. Ang huling natatandaan ko ay ang pangyayari sa labas ng hotel ni Allan.

The raindrops.

The umbrella.

And my scattered heart that fallen into pieces that time.

Alam ko na ang sekreto ni Magnus, he is having an affair with Roxane, matagal na sila, at ako ang dapat mahiya dahil ako ang naging rason kung bakit hindi sila nagkatuluyan, Roxane is now conceiving their child, ayokong maging hadlang sa kanila--and so, i set them free.

Hindi tama ang pagpapakasal ko sa kaniya, pero gagawin kong makabuluhan ang lahat, i will let them continue what they need to do, i need to escape, sasama na ako kay Allan!

Nalingunan niya ako.

"O, gising ka na pala," lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Vanna, take a rest, anemic ka, kulang ang dugo sa katawan mo, kaya ka nahimatay, bumaba na rin ang temperature mo, over fatigue ang findings ng doktor, subsob ka sa trabaho, you need to rest more."

Isang pisil lang sa kamay niya ang aking nagawa bilang pasasalamat sa pagiging mabait niya sa akin. Hindi pa man ako makapagsalita ngayon, i know he feel the same way the way i stare to his eyes.

"Nandito lang ako," dugtong pa nito sa akin.

"Kailangan ko lang bilhin ang mga reseta mo, don't worry, may philhealth naman dito." He added. Nagpaalam siya sa'kin saka siya lumabas ng kwarto. Nakita ko kung gaano niya ako asikasuhin, i know he cares for me, alam ko na mahal pa rin niya ako. Wala itong kaalam-alam na may asawa na ako. He doensn't know what is happening to my marriage, hindi na niya kailangan pang malaman 'yon.

Ipinikit ko muna ang mga mata at nanatiling tulog, kahit ang isipan ko'y nakikinig sa paligid.

Narinig kong bumukas ang pinto. Alam kong may taong pumasok, pero hindi ako nagpahalata na gising na ako.

The weight of the steps are getting closer to mine. Alam kong nasa gilid ko siya.

"You poor Vanna, wala kang kaalam-alam sa lahat, i'm sorry. Malaki ang pagkukulang ko sa'yo, sana'y mapatawad mo ako." Boses ng lalaki iyon. It's not Magnus, it's not Allan, pero narinig ko na ang boses na iyon. Hindi ako dapat magkamali!

Nang mamulatan ko at mapag-sino iyon ay saktong nakatalikod na ito papunta sa pinto. Tanging suot niya lamang ang nahagip ko, pati ang tattoo niya sa bandang siko. Suot niya ang isang faded na pantalon at nakasumbrero. I was about to see his face but the door closes and it left my thoughts hanging, sino kaya ang lalaking 'yon?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makitang may iniwan ang lalaki na kwintas sa aking bedside table. Hindi ko ito maabot, hindi ko pa kasi tulyang naigagalaw ang mga kamay ko.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon