Chapter 43

607 43 17
                                    


Magnus' POV

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, when I reach the huge gate, i start to park my motorcycle behind the trees. Alam ko ang sekretong daanan mula sa likurang bahagi papasok sa loob, isa itong lagusan, an escape route.

Gaya pa rin ito dati, masukal ang damo, ngunit bahagyang natatabing ang nagsilbing daanan doon. I start to check my backpack and take the survival knife.

Kailangan kong mabuksan ang kandadong nandoon, mabuti na lang at marunong akong magkulikot ng bagay at nagawa ko itong buksan. Malakas ko itong sinipa kaya bahagyang natabing ang pintoan doon.

"Damn it!" napahawak ako sa aking bag at nag squat muna, narinig kong may naglalakad sa itaas na bahagi, natatabunan naman ako ng mga damo kaya hindi nila ako nakita. Hawak nila ang matataas na kalibre ng baril.

I know that they are guarding the perimeter. Alam ko ang takbo ni tiya Cat. Kinuha niya si Vanna dahil ito ang kahinaan niya, sa sinabi niya dati, hindi ko pa rin pinapaniwalaan na anak niya sina Jay at Vanna. How come?

The heck she is.

Hindi ako makakapayag na siya ang tunay na Ina ni Vanna. Wala siyang kwenta!

She is using everyone just to reach her goal, just to fullfill any of her mission. And, I know, malakas ang kutob ko na may plano siya para kay Vanna ngayon.

"What the..." bukambibig ko habang papasok sa lagusan. Medyo makipot iyon at madilim. Isa itong imburnal sa ilalim ng mansion, dito rin ang lagusan papasok sa storage room at maid quarters. Kung hindi ako nagkakamali, dito din ang daan papunta sa mismong exit ladder paakyat sa kwarto ni tiya Cat.

"Bingo!" Nasambit ko nang makitang ganoon pa rin ang hitsura ng ilalim. Dala ang flashlight ay dahan-dahan akong naglakad. Minabuti kong walang maririnig sila ni katiting na yabag, nakapag-prepare ako para sa gagawing paglusob.

Hawak ang baril na may silencer, nakatuon lang ito sa tinatahak na daan.

Nang makita ang apat na sulok ng daan, sa harap ko ang mismong papunta sa exit ladder, ang nasa kaliwa ko ang maid's quarter at ang kanan naman ay ang storage room.

Huminga ako nang malalim saka diretsong tinungo ang harapang daan. Nang makasinag na ako ng liwanag ay madali akong puwesto at nakiramdam. Sinilip ko muna ang labas. Nandoon ang golf area ni tiya. Katabi ng hardin at swimming pool area.

Nang makitang walang tao ay agad akong tumakbo papunta sa nakakabit na hagdanan. Saktong walang CCTV doon, may CCTV akong nakita ngunit nakasentro ito sa pool side. Hindi ako mahahagip sa bahaging ito.

Nagsimula akong umakyat. Every move I take makes my heart extremely beat. Nakakabinge iyon na halos hindi ko marinig ang paligid. I remain silent and vigilant.

Nakatingin ako sa bawat anggulo, sa ibaba, sa kanan, itaas at sa kaliwa. Doo'y makikita ko ang mga balkonahe sa katabing kwarto. Nakasarado ang lahat n'on, ngunit tiyak kong isa sa mga kwartong iyon, ay ang kwarto ni Vanna. Kung ikukulong siya sa mansion, tiyak na malapit lang ito sa kwarto ni tiya Cat. She will surely hide her near to her sight.

Mautak si tiya, at gaya niya, sinanay niya rin ako na maging tuso.

I jump a bit, enough to swing my arms to the balcony and start to crawl and slide my left leg to swing back around. Tagumpay kong naakyat ang balkonahe at nakiramdam sa pintuan. Sumandal ako. Nakinig.

"Okey maam, anything else?" Narinig ko sa kabilang banda.

Walang sagot.

"Aalis na po ako." Sambit ng lalaking kausap ng kung sinong nandoon.

Nang marinig ang pagbukas ng main door sa loob ay agad kong sinilip ang bintana. Natatabunan iyon ng makapal na kurtina pero may siwang ang nandoon, then I see someone. Hindi si Vanna ito.

Who is she?

Naghintay ako na lumingon siya bahagya. And there, I see a woman wearing a normal shirt and pants, sipping something in glass, while comfortably sitting in the couch, staring in the television, like she's a visitor that time.

I see how she check her wrist watch, tila kanina pa ito naghihintay. I wonder, sino kaya ang hinihintay nito.

Mayamaya pa ay nakita kong dumating si tiya Cat. Masaya niyang binungad ang babaeng nakaupo at nag-usap nang masinsinan.

Tila may importante itong pinag-uusapan.

"Get rid of him." Iyon ang narinig ko mula sa napalakas na boses ni tiya Cat.

"I will, madam. I will surely will." Sabi pa nito saka muling nagbeso-beso. Naunang umalis si tiya Cat. Kaya nakapagpasya akong pumasok mula sa balkonahe, at mabilis na kinabig mula sa likuran ang babaeng nakatayo.

"Quiet!" pabulong na sambit ko habang hawak ang bibig ng babaeng iyon. Naramdaman kong nanginginig ang katawan niya.

Dahan-dahan ko siyang dinala sa banyo at doon nagkulong.

Nang makapasok na kami ay binitawan ko siya at itinuon ang baril. Nanginginig ito habang walang kurap na nakatingin sa akin.

"Who are you?" sambit ko rito.

She remain still, shocked and untouch.

"Who are you?" ulit ko pa.

"I...I am...a therapist. Nagtatrabaho ako kay ginang Catriona."

Tiningnan ko muna ang mukha niya kung nagsasabi ba siya ng totoo.

She looks unarmed, so I decide to move away my gun. She's petite, filipina beauty woman with a touch of Japanese almond eyes.

May suot siyang ID kaya mabilis ko itong kinuha.

"I am Trialyn, Trialyn Marcus."

Sa sinabi niya'y minabuti kong sabihin ang gusto kong malaman.

"Sabihin mo sa'kin, sino ang ginagamot mo? Sino ang inaasikaso mo?"

"It's confidential, sir. Matatangal po ako sa trabaho."

"Mamili ka, papatayin kita o sasabihin mo ang totoo?"

"Naku, sir. Huwag po. Ako lang po ang inaasahan sa amin. Maawa po kayo."

"Sino ang ginagamot mo?"

"Si...si ginang Catriona po. May sakit po siya."

Natigilan ako sa sinabi ng babae.

"What are you saying?"

"She is dying, sir. May taning na po ang buhay ni madam. Ang gusto niya lang pong ipagawa sa akin ay tanggalin ang naka-assign na therapist niya dati, kasi parati po siyang uma-absent, 'yon lang po."

I exhale a huge amount of air, while slowly shaking my head. I don't understand, kung may sakit si tiya Catriona, bakit niya pinapahirapan ang lahat. Bakit niya pinapakialaman ang lahat?

Why she's doing these things?

Dahil ba gusto niyang makasama si Vanna? Ang mga totoo niyang anak?

She wants to suffer me?

What is she trying to do? Paano ko papatayin ang taong malapit nang mamatay?

Inilayo ko ang baril sa babae at ibinalik sa bulsa ko. Kinausap ko ulit siya.

"I need you to do something for me." Mahinahon kong sambit. Tumango lang naman ito sa akin at nakinig.

---

Vanna's POV

TATLONG KATOK mula sa pintuan ang narinig ko. Kakapasok ko lang sa kwarto mula sa salas. Magpapahinga na sana ako nang biglang may kung sinong nasa labas. Siguro'y mga maid na naman iyon ni ginang Catriona.

"Yes?" Sambit ko habang hindi binubuksan ang pintuan.

"Maam Vanna." Boses babae ang nandoon.

"Bakit?"

"Maam may pinapabigay po si madam sa inyo," ani nito kaya agad ko itong pinagbuksan.

Isang babae ang nandoon, hindi naman ito nakasuot ng pang-maid. Mas matanda ito bahagya sa akin, parang hindi ko siya nakita kanina sa salas at sa kusina.

"Sino ka?" tanong ko.

Pero isang papel lang ang ipinapaabot nito sa akin.

"Ano 'to?"

"Aalis na po ako..." madaling sambit nito saka walang paalam na tumakbo papunta sa kung saan. Ni hindi na niya hinintay ang reaksyon ko habang binubuksan ang nakatuping papel.

Dahan-dahan kong binuklat ito ngunit nang aksyon ko nang babasahin ay dumating si ginang Catriona.

"May sinabi ba sa'yo ang babae kanina? Nasaan na siya?"

Sumimangot at umiling lang ako. "I don't know, she just handed me this." Hawak ko pa rin ang nakatuping papel.

"What's that?" Agad na inagaw niya ito mula sa akin. Mabilis niya itong binasa. Walang reaksyon ang mukha nito.

"Ano po ba 'yan?" medyo curious na sambit ko. Hindi pa rin ako nagpapa-attach kay ginang Catriona. Galit pa rin ako sa kaniya, pero kahit gan'on, nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit papaano, inaalagaan naman ako ng mga tauhan niya.

Ang nakapagtataka pa nga, wala sa mga tauhan niya ang nagsabing masama ang ugalo nito, bagkus, puro papuri lang sinasabi nito para sa ginang.

I wonder what is her goal, why she wants me stay here.

"Aalis muna ako, may gagawin muna ako sa storage room." Ngiti nito sa akin saka umalis.

Kinuha niya sa akin ang papel. But, I assumed that it's nothing.

Nang mawala sa paningin ko si ginang Catriona ay agad ko na ring sinara ang pintuan.

Nakapagtataka lang...

Ano kaya ang gagawin nito sa storage room?

Dahil sa kuryusidad ay muli kong binuksan ang pintuan. Nilinga ko ang daan kung saan pumunta si ginang Catriona. Dahan-dahan kong tinahak ito at sa dulong bahagi ng hallway ay isang kwarto na bahagyang nakaawang. Hindi muna ako pumasok, nakinig muna ako dahil tila may nagtatalo sa loob.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabosesan si Magnus sa loob.

"I will take my wife!" iyon ang narinig ko mula rito. Dahil sa pagkakasabik ay agad kong binuksan ang pintuan.

"You will never get my daughter!" nabigla ako sa narinig mula kay ginang Catriona. Nakaharap ito kay Magnus na may hawak na baril.

Nakapagitan ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit nanlalabo ang mga mata ko, ramdam kong may luhang tumutulo rito. I am crying...

Narinig ko ang lahat.

Malinaw at alam kong ako ang tinutukoy nilang dalawa. Mas naliwanagan na ako ngayon.

They are all quarelling, hurting each other because of me.

Anak ako ni ginang Catriona?

Siya ba ang tunay kong Ina?

Siya ba ang tunay na Ina namin ni kuya Jay?

Siya ba ang nang-iwan sa amin?

At...alam ba ito lahat ni Magnus?

"Ako ba? Ako ba ang tinutukoy ninyo? Sumagot kayo! Ako ba?" umiiyak na hiyaw ko sa kanilang dalawa.

Alam kong hindi nila inaasahan ang presensya ko sa oras na iyon.

"Sumagot kayo!" dugtong ko pa. Nakita ko kung paano yumuko si Magnus at bitawan ang baril na hawak nito. Gayundin si ginang Catriona na sinusbukan akong puntahan, ngunit bawat pagtahak niya papalapit sa akin ay siyang pag-atras ko.

"Don't come near me!" Hiyaw ko rito saka patakbong tinungo ang labasan.

"Vanna!" Sabay nilang tawang sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin, hindi ko na alam ang katotohanan sa lahat ng nangyayari sa paligid ko.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon