Magnus' POV
Matapos ang pagdalaw ko kay Mara ay isinagawa ko ang pagtransfer sa bank account nito para sa operasyon ni Quil. Ihinanda ko na rin ang isang kwarto kung saan sila matutulog na mag-ina. Umayon naman si Vanna sa gusto ko, katunayan, gusto rin niyang may kasama habang nagbubuntis siya dahil naninibago siya sa katawan niya. Pasalamat na rin ako at nurse si Mara, saktong-sakto at makakatulong siya kay Vanna.
Nag-invest din ako ng isang shop malapit sa isang resort. Isa itong farm one stop shop kung saan doon ko ilalagay ang mga preskong gulay na ihaharvest ko mula sa aming munting lupain.
Ilang buwan na lang at manganganak na si Vanna. Naghahanda na ako para sa gagamitin at sa insurance ng aming triplets. Hindi madali ang magpalaki ng tatlong bata, gastusin sa mga kailangan nito, lalo pa sa future nito, educational plan at iba pa. Ayokong humingi ng ni singkong kusing kay tiya Catriona. Gusto kong buhayin sa sarili kong pagsisikap ang pamilya ko. Even that I start from scratch again, gusto kong galing sa legal ang perang ipapakain ko sa mag-ina at sa pamilya ko.
"Hon, saan ka papunta?" Tanong ni Vanna sa akin. Ngayon na kasi ang araw para sunduin namin ni Mara sa ampunan si Quil. Bukas na rin kasi ang schedule ng operasyon ng bata.
"I'm going to Mara, sasabay ka ba? Susunduin namin si Quil sa ampunan." Nakangiting sambit ko rito. Alam na rin ni Vanna ang lahat, after what happened, nang makauwi ako ng araw na iyon ay sinabi ko lahat-lahat sa kaniya, para naman alam niya lahat ang plano ko.
"Uh, sige. Ingat ka. Dito lang ako, bibisita din kasi si mama dito. Kakamustahin daw niya ako."
Sa sinabi niya'y bahagya akong napaisip. Ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na pupunta sa Hawaii si tiya Catriona.
"Anong oras?"
She shake her head. "I don't know, wala akong ideya, alam mo naman 'yon, pabigla-bigla..."
Tumango ako. "Hmm, sige. Ikamusta mo na lang ako, sabihin mong may inaasikaso lang."
"Okey." Masayang sambit ni Vanna na noo'y nakaupo lang sa sala habang hawak ang librong binabasa.
"Babalik ako agad. Okey?" I kiss her forehead and start my day. Lumabas ako sa bahay at tinungo ang sasakyan. Nang nasa daan na ako ay tinawagan ko si Mara na papunta na ako sa ampunan. Ako ang susundo kay Quil saka ko siya pupuntahan sa bahay niya, nag-iimpake na rin kasi ito.
Maagap naman itong sumagot.
"Hello?" Bungad niya.
"I'm going now, nakaready ka na ba?"
"Yes kuya, may tatapusin pa akong isang maleta. Pagkatapos nito, magpapalit na ako."
"Sige, tawagan na lang kita kapag nakuha ko na si Quil.
"Okey."
Nang matapos 'yon ay mas binilisan ako ang takbo. Mas magadang hindi ako abutan ng lunch time sa daan. Gusto ko kasing sa bahay na kaming lahat kumain, naghanda kasi si Vanna ng makakain namin mamaya.
Nang nasa daan ako ay may nakita akong banggaan. May kumpulan ng tao ang nandoon kaya agad akong bumaba. May kakaibang kaba sa dibdib ko na baka kakilala ko ito.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pinangyarihan. Sa kalayuan naman ay nandoon na ang ambulansya. Nang makasingit ako sa mga by-stander na nandoon ay laking gulat ko nang makita ko ang pamilyar na mukha ni Jinky. Ito ang asawa ng kaibigan namin na si Ace. Ang bagong kasal na napuntahan namin noon ni Vanna.
Duguan ito, malubha.
"Damn it! Sa kabilang banda naman ay si Ace na walang malay rin. Sabay silang binuhat sa ambulansya kaya hindi ko na ito naabutan, tanging pagsara lamang ng pintuan ang naabutan ko.
Patungo na ang mga ito sa hospital.
Agad akong nakiusyuso sa mga taong nandoon. Sabi pa nila, may nakabangga raw umano sa mga ito, itim na kotse, tinuro pa nga nila ang sasakyang tumagilid na mismong sasakyang itim na bumangga sa kanila.
"Where's the driver?"
"He's been taken by the police patrol." Sabi naman ng lalaking nasa gilid. Ipinakita pa nga nito ang nasaksihang video.
Tiningnan ko ito at sa pagkakataong iyon, mas umawang ang labi ko nang mapagsino ang nakabangga kina Ace at Jinky, walang iba kung 'di si Flinn. Ang taong tumulong sa amin ni Vanna dito sa Hawaii.
I get back to my car and immediately call Flinn. I have his number, gusto ko itong kamustahin.
Nang makaandar na ang sasakyan ko ay nagpatuloy na ako sa daan ng ampunan. Gan'on din ang pagtunog ng phone ni Flinn sa kabilang linya. Pero nadismaya ako ako narinig mula sa kabilang linya. It's just his voicemassage.
Dahil walang sumasagot ay ini-off ko na lang ang phone ko.
I focus in the road until I get back to the exact location. Hindi na ako nagtagal at bumaba. Nang makapasok ako ay bumungad sa akin si mother superior. Nakaready na ang mga gamit ni Quil. Nasa isang gilid naman ang mga naging kaibigan nito na kumakaway na rin at nag-go-goodbye kay Quil. Kahit hindi ito makakita ay ramdam kong gusto rin niyang kawayan pabalik ang mga kaibigan niya.
"Paalam!!!"
"Goodbye, Quil! We will miss you!"
Lumingon ito saka nag-raise ng kamay. Nag-wave lang ito sa ginabayan ni Mother superior na makalabas na. Mother superior handed me Quil's bags and his toys.
"Thank you so much, sir. It's very nice with you to do such thing, you're an angel, sir. May the glory of god, bless you."
Napangiti ako. "Thank you maam."
She guide Quil to me, kaya agad ko itong kinuha at kinarga. Nang makarga ko ito ay kinapa-kapa nito ang aking mukha.
"Tito, I think we look the same. We are both cute, right?"
"Of course, Quil. We are the same." Sa sinabi ko ay natuwa ito. Niyakap niya ang leeg ko. Hindi ko tuloy maiwasang matuwa sa gesture niya sa akin.
"Let's go, we need to go now..." I put him in the car. Mas natuwa ito dahil parang ngayon lang ito nakasakay ng ganitong sasakyan. Hindi niya maiwasang mapapalakpak sa tuwa.
Ganoon pa nang maramdaman nitong umandar na kami ay may isang pabor siyang sinabi.
"Tito, please tell me everything outside the window. I want to see it in my mind."
"Sure, Quil." Ngiti ko rito.
Nang makita ang paligid na tinatahak namin ay siya ring pagdiskubre ko sa kaniya. Aliw na aliw siya sa lahat ng sinasabi ko, kahit hindi ito nakakakita ay tanaw ko ang malaking potensyal nito sa lahat ng bagay. Maliksi ito, puno ng buhay at pag-asa. Masayahin at palakaibigan, hindi mo makikitaan ito ng kahinaan.
"Tell me more, tito..." He added while letting his hands touch the breeze outside the window.
"We're now in the seaside, Quil. The ocean is so beautiful, it is perfect for the morning sunshine outside, there's many people out there, enjoying the waves." Sabi ko pa rito.
Dahan-dahan niyang kinapa ang braso ko saka nagsalita.
"Tito, can you do something for me?"
"Yes, baby?"
"Tito, I want to see the ocean after my operation. I want to see it before everything else, tito. Please tito..."
"Yes, Quil. I will. Don't worry."
"Yehey! Yehey! Thank you, tito Alfonso!" ngiti nito kahit hindi man siya nakatingin mismo sa akin.
Nakakatuwa talaga si Quil.
Nang makarating na kami sa bahay ni Mara ay agad akong bumusina. Sakto namang nagbukas ang pinto nito at bumungad ang mga dala nitong maleta.
"I'll help Mara, okey? Just stay here."
Isang tango lang ang ginawa ni Quil.
Agad kong tinulungan si Mara sa mga dalang bagahe at inilagay iyon sa likuran. Matapos n'on ay pinagbuksan ko siya ng pintuan. Tumabi siya kay Quil na nasa likuran. Ang totoo, walang alam si Quil na ang tunay niyang mama ay si Mara, ang pagkakaalam nito ay si Mara ang umampon sa kaniya.
Mara chose to stay like the set-up, ayaw niyang magkaroon ng galit sa kaniya ang bata, kaya mas mabuting hayaan muna niya ang ganito. Gusto niyang makasama ng walang pag-aalinlangan ang bata. She wants to give the best for Quil.
"Tara na kuya," she tap my shoulder from the back.
"Alright, buckle up, let's go." Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho sa oras na iyon patungo sa bahay.
"Doon na tayo mag-lunch sa bahay, Mara. Nagluto ang asawa ko ng masasarap na pagkain."
"Wow, maraming salamat kuya," sambit ni Mara sa likod.
"Ikaw ba, Mara? Marunong ka bang magluto?"
"Yes, I know a little bit, pero hindi ako mahusay na gaya ng asawa mo, kuya."
"Then, you must learn from her. Magkakasundo kayo ni Va...i mean, ni Mikaela." Sambit ko.
"I'm looking forward for that, kuya. Sana hindi makulitan si Mikaela sa akin."
I shake my head. "Naku, kung alam mo lang, napaka-friendly n'on, marami nga 'yong kaibigan, higit pa sa akin."
"Ay gan'on ba, mabuti naman...hindi kami mahihirapang mag-adjust."
"Don't be, just feel at home, Mara. Huwag mong tingnan na iba ka. Pamilya tayong lahat."
Sumabat bigla si Quil.
"I don't understand, the two of you. What's 'pamilya' means?" Curious na tanong nito.
"It means family, Quil." Sagot naman ni Mara sa paslit.
"Oh, is that Spanish? Familia, right?"
Natawa si Mara, ang talino talaga ng batang 'to.
"Yes, sort of, Quil. But, it's Tagalog, it's a language from the Philippines. You know Philippines, right?"
Tumango ito. "Yes, mother superior said it's a tropical group of islands, near Pacific ocean and I learned that Philippines has three main parts, the Luzon, the Visayas and the Mindanao. I wonder, how does Philippines look like." Dagdag pa nito.
"Don't worry Quil, we will visit Philippines, soon." Sabi pa ni Mara rito.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi kasi alam ni Mara na hindi na ako pwedeng bumalik sa Pilipinas, dahil sa paningin ng lahat ng tao doon, I am peacefully gone for once.
"Malapit na tayo," pag-iiba ko sa topic nila.
"I heard the two of them playing behind. Hinayaan ko lang sila na magkaroon ng bonding, I am happy to know that Mara gain Quil's trust at sana'y magtuloy-tuloy na ito.
---
Vanna's POV
Natapos ko na ang paghahanda para sa lunch. Inilagay ko rin sa chiller ang nagawang fruit salad para lumamig. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpupunas ng kamay nang marinig ko ang busina sa labas ng bahay. I guess sina Magnus na 'yon. Agad akong nagtungo sa pintuan para pagbuksan ang mga ito.
Nang mabuksan ko 'yon ay bumungad sa akin si mama Catriona. Mag-isa lang ito. Wala itong kasamang bodyguards. Nakasuot ito ng itim na shades at tipikal na damit na puting blouse at creame trousers. Nakaflat sandalas at isang handbag na kulay itim. Simpleng-simple lang ito.
"Wala ba akong yakap?" bungad pa nito sa akin.
Agad ko itong niyakap at dinama ang init ng katawan nito.
"I misa you.." sambit ko rito.
"You're so fat, hija. Ang laki na ng tiyan mo." Biro pa nito sa akin. Imbes naluluha ako sa pagkakataong 'yon ay natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Come inside, ma. Ikaw lang ba? Ba't wala kang bodyguards?"
She shake her head. "I don't want to risk the two of you, here, hija. Kaya pumuslit ako. They don't know where I go," tipid na ngiti nito sa akin. She stare at me, reaching my face.
"Kamukha mo ang papa mo, hija."
I smiled back. "Thanks ma, kaya siguro na-inlove ka agad kay papa. Gwapo siya?"
"Yes, I admit, hija. Sobrang gwapo niya."
Napahalakhak ako sa sinabi ni mama. Ngayon lang siya nag-open up sa akin ng gaya nito.
"Opo po muna kayo..."
"Sige, but, where is Magnus?"
"Uh, he's coming po. Sinundo lang niya ang kapatid niya, nagkita kasi sila dito sa Hawaii, his long lost twin sister."
"May kapatid si Magnus?"
"Yes, ma. And we decide that she can stay here with us, with her son."
"Son? May anak na ang kakambal nito?"
"Yes ma, para naman may kasama ako rito."
"Well, I am just worried, baka may makaalam na buhay kayo."
"Don't worry ma. Nag-iingat kami."
Bumuntong-hininga ito saka tumingin sa tiyan ko. "Okey, now, tell me about my apo. Ano ang gender ng baby..."
I widely smile. "Guess it, ma."
"Hmm, sa laki ng tiyan mo, baka lalaki."
Natawa ako sa sinabi ni mama.
"I'm having a triplets."
Napahawak ito sa sariling bibig. Halatang gulat na gulat. "What? For real?"
"Yes, ma."
"Oh my god!" Napatayo ito saka tumungo sa direksyon ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Congratulations, anak!"
"Salamat po..." response ko pa rito.
Mangiyak-ngiyak siya para sa akin. I reach her eyes and softly wipes it with my hands.
"Hindi ko akalain na magiging marami ang henerasyon natin."
"It's just a beginning ma. I will make sure that our legacy will secure the rest of our ancestors."
"Maganda 'yan, anak. I can't wait to hold my apos. Ano nga pala ang gender nila?"
"Dalawang lalaki, at isang babae po."
"Good to know, hija."
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni mama ay narinig ko ang pagparada ng sasakyan mula sa labas.
"Nand'yan na sila," napalingon kami sa bandang 'yon.
Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa amin si Magnus kasama ang kapatid nitong si Mara. Kinarga naman ni Magnus ang anak ni Mara na si Quil nakasuot ito ng itim na shades, as Magnus told me, bulag umano ito kaya kailangan nito ng operasyon sa madaling panahon. Cute na cute ang face nito, halatang may dugong foreigner ito.
"Good noon po," bati ni Mara sa amin ni mama Catriona.
"Hello, pasok kayo." Sabi ni mama Catriona na panay tingin sa kapatid ni Magnus.
Gan'on din si Mara na halos hindi mawaglit ang paningin sa mama ko.
"Uhm, nakahanda na ang pagkain sa kusina. Tara na po tayo," saad ko.
Nauna kami ni Magnus at ng batang si Quil. Tuwang-tuwa ako rito lalo pa't medyo madaldal ito. Naiwan sa may sala ang dalawang babae. Hindi ko tuloy mawaglit sa isip ko na baka magkakilala ang mga ito.
Hinayaan ko lang muna sila dahil naging abala ako sa paglagay ng pinggan sa mesa. Sinundo sila ni Magnus sa sala at doon nga'y sabay-sabay kaming kumain.
Nag-offer ng prayer si Quil sa hapag, ito ang naglead ng prayer na siyang ikinangiti naming tatlo. Halatang sanay ito sa pagdarasal dahil sa tulong nina mother superior sa ampunan.
"Amen," nag-sign of the cross pa ito.
"Amen." Usal naming tatlo.
"Let's eat!" bibong-bibo na sambit nito. Naalala ko tuloy si Ysay kay Quil. Katunayan, gusto ko itong kamustahin, pero baka mabigla ito kapag nalamang buhay pa kami.
Nilagyan ni Mara ng pagkain ang pinggan ni Quil at matiyagang sinusubuan. Maalaga si Mara, at may mother's instinct talaga. Gusto ko itong maging close kaya nagbigay ako ng paraan para magkakwentuhan kaming dalawa.
Hindi naman ako nahirapan kasi madaldal din pala ito. Masayahin saka may sense kausap. May similarities sila ni Raquel at Georgina na madalas kabatuhan ko ng chika about home recipies at interior designing ng bahay. May humour din ito gaya ni Romary saka halatang matapang at matatag na babae gaya ni Paris.
Nagsalita si mama na siyang ikinagulat namin ni Magnus. Hindi namin alam ang tinutukoy nito.
"Kailan ka pa nabuntis, Mara? Bakit hindi ko 'to alam?"
Nagkatinginan kami ni Magnus saka kay Mara at kay mama Catriona.
"Ma? What are you saying?"
Napayuko si Mara sa sinabi ni mama.
"Anong nangyayari dito? Magkakilala kayo?" Si Magnus na halatang nag-aalala na.
"Well, you can ask her." Nanindigan si mama Catriona.
Kaya tinanong na namin si Mara.
"Mara, can you explain to us? Don't be scared. Makikinig kami."
Halatang namula ang mukha nito at tila maiiyak. "Katunayan po..." Tumingin siya sa aming lahat.
"Si maam Catriona ang nag-ampon sa akin mula sa ampunan. Siya po ang nagpaaral sa akin bilang nurse, siya po ang sponsor ko."
"What the...so alam mo from the start that she is my sister, huh?" Medyo galit na sambit ni Magnus kay mama Catriona.
"I don't. Hindi niya gamit ang apilyidong Daviro noon. She's Majandra Salvacion. Right, Mara?" sambit ni mama Catriona.
Tumango lang si Mara saka nagsalita. "I changed my surename recently. Dahil ayoko nang gamitin ang apilyido ng matandang gumahasa sa akin noon. I want to start a new life. And I want to change my past."
Tumahimik kaming lahat.
Ang liit naman talaga ng mundo. Parang pinaglalaruan kami ng tadhana, dahil ang naging sponsor pa ni Mara ay ang mismong mama ko.
We are all connected from the start, yet we didn't notice it because of lies.
"Gan'on ba, and so, sino ang ama ng batang 'yan?" turo ni mama Catriona kay Quil na noo'y walang kamuwang-muwang na kumakain lang.
"He's no one."
"Spill his name, you lady. Gusto kong malaman, nang magbayad siya sa ginawa niya sa'yo." Mama Catriona's voice is in furious, she seems her mother for once. Napangiti ako dahil naging mabuti naman pala itong ina, kahit pa sa ugali nito na malamig, at dominante.
"He's gone." Nakayukong sambit ni Mara.
"What is his name?" Dugtong ni Magnus.
"He is... Aquil Dominique Monticillo." Nang masambit ni Mara iyon ay nabulunan si Magnus.
Agad ko itong pinainom ng tubig. "What's the matter?!"
Napatayo si Magnus saka namaywang.
"Can you repeat that twerp's name?"
Tumingala si Mara saka natatakot na nagsalita. "He is Aquil Dominque Monticillo."
"That dimwit! Kapatid 'yan ni Austin e! Ang kapatid niyang walanghiyang hambog na 'yon!" Giit ni Magnus.
Napatabon din ako sa sariling bibig. Narealize ko na Monticillo pala ang apilyido ni Austin. And in that case, mga mayayaman ang pamilyang mayroon sila. Austin is a born billionaire, the heir of his father's heritage, nasabi na sa amin ni Austin na may half-brother siya sa kerida ng papa niya. And I guess, that is his brother named, Aquil.
Napaawang ang labi ni Mara sa reaksyon ng kakambal niya.
"Sino 'yon, kuya?!"
"Barkada ko ang kapatid ng nakabuntis sa'yo. I will sue that guy. Magbabayad siya sa ginawa niya sa'yo! That fucking moron!"
"Naku, baka mag-away kayo ng kaibigan mo, kuya."
"Mag-away? Magkakampi kami ng kaibigan ko laban sa damuhong lalaking 'yan, ikaw pa talaga ang inastraso. Humanda siya sa akin."
"Calm down, Magnus." Sita naman ni mama Catriona na kalmadong uminom ng juice.
"Excuse me everyone. Where is the comfort room, please?" natigil lang ang eksena naming lahat ng mag-raise ng kamay si Quil sa amin. Kumalma din si Magnus na noo'y naupo at nagpatuloy sa pagkain.
"Lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan, hijo. Tandaan mo 'yan." Sambit ni mama rito. I even reach his hands and hold it.
"Just breath." Dagdag ko pa rito. Mabuti na lang at kumalma na ito saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Magnus My Mafia Boss Husband
RomanceVanna Shaw is a woman who build the Secret Territorial Group in Spain, she own all of the contraband units who handle carriers, securities and public dispatchers of their assets. She is one of the five women who runs the group, thus, she knew that...