Vanna's POV
I am alone in my room sipping this bottle of drink. Nakakulong ako sa sarili naming pamamahay. The scenario has been manipulated and rush. Hindi ko alam ang nangyari kung bakit kinuha ako nila mama at papa.
"Bullshit!" I throw it somewhere, then, remain in silence. Tanging pagbasag lang ng bote ang umalingawngaw sa dingding.
Ilang oras na ang nakakalipas at alam kong hindi rin magtatagal ay bubuksan na nila ang pinto. Oras na para sa hapunan, may maglalagay ng pagkain dito. Inayos ko ang sarili at naghintay nang kaunti.
Nakasandal ako sa pinto nang mga oras na 'yon, narinig ko ang mahihinang yabag mula sa labas. May tao.
Papalapit na ito sa kwarto ko.
Nang magbukas ang pinto ay nabigla ako sa nakita. It's not our maid, or Alfred. It's not my mom or dad, paano siya nakapasok sa pamamahay namin?
"B-bakit ka nandito?" nakaawang ang mga labi ko habang mariing tiningnan ang kaniyang pigura, mula sa pagitan ng kaniyang mga mata patungo sa kaniyang kabuuan.
Si ginang Catriona ito.
"I'm sorry for the last time." Tipid niyang sambit saka marahang sinalikop ang kaniyang mga kamay, dahan-dahan siyang pumasok sa loob nang walang pahintulot.
"Where's my parents?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.
She just smile a bit, stare in the corner where I throw the bottle. Mas concerned pa yata siya sa mga bubog na nandoon. She didn't respond me yet.
"Hey?!"
Still silent.
She roam her eyes in my room, maging ang kamay niya'y nilakbay niya sa maalikabok na lamesita na pumapagitan sa aking magulong kama.
"I wonder if this room belongs to you, parang hindi sa babae. Nakaka..." she bit stare me halfway of her sight. I know she want to intimidate me.
"And why you care at all? Ano bang pakialam mo!" singhal ko sa ginang. Mas nag-aalab ang pagkamuhi ko sa kaniya.
I hate her!
"Kung anak lang kita...i will teach you to be proper and..." she stare at me again, "to behave like a woman. Wala kang galang." Dagdag pa niya.
Natatawa ako sa sinabi niya. I crossed my arms and stare back to her. Kung ano man ang pakay niya sa akin, gusto niyang kontrolin ako. Gusto niyang mapasunod ako.
"My bad. Hindi kita mama!" sabi ko rito. Bahagya siyang nahinto sa ginagawa at umayos.
"Bueno," nakita ko ang bahagya niyang paglungkot at tumayo nang diretso.
"I am here to take you. From now on, sa akin ka na tutuloy. I will be your guardian."
"What the f—"
I hissed and fix my self a bit. Tumayo rin ako ng diretso saka minabuting lumapit sa kaniya. Nakipagtitigan ako rito at lumaban sa kaniyang mapanirang titig.
"You can't order me, miss whoever you are, galit ang asawa ko sa'yo, kaya simula't sapol pa lang, galit na rin ako sa'yo. You dump him. Kung wala kang magandang gagawin, mabuti pa'y huwag mo na kaming pakialaman, huwag mong sulsolan ang mga magulang ko. I will not follow you. Hindi na ako magpapatali ninuman."
She bit chuckle and hold my shoulder. Minabuti kong kunin ang kamay niya at ilayo.
"Don't touch me." Dugtong ko pa.
"Matigas ang ulo mo." She replied.
"Depende sa kung sino ang kaharap ko." Matigas na sambit ko.
But, to my surprise ay nagsidatingan ang mga tauhan niya mula sa pinto. Apat na kalalakihan ang mabilis na humawak sa akin at pinagtulungan nila akong kunin buhatin.
"Ahhh! Put me down! Bullshit! I hate you all!"
Pero malalakas sila, mabilis nila akong inilabas sa kwarto patungo sa kung saan. Naiiyak ako sa mga pangyayari. Para akong alipin na pinagpapasapasahan, ang babaeng walang kalayaan.
Naglakbay ang mga luha ko sa aking mga pisngi. Mataman ko siyang tinitigan bago pa ako nakalabas sa grand entrance ng mansion namin. Papunta na ako sa naghihintay na kotse, nakabukas na iyon, at kung papasok ako doon, hindi ko na alam kung ano nanaman ang kahahantungan ko sa kamay ni ginang Catriona.
Mabilis ang lahat, gaya ng pagpasok ko sa kotse at pagtali nila sa mga kamay ko. Dalawang lalaki ang pumagitna sa akin at tahimik na pinagmasdan ang aking mukha.
Nasa ibang kotse sumakay si ginang Catriona at halatang bantay sarado ang pagitan ng convoy ng mga kotse dahil limang kotse ang nakahilera sa sa daan. Matapos ang pag-andar ng sasakyan, ay sunod-sunod na nagsialisan ang mga ito, gayundin ang sinasakyan ko. Hindi ako mapakali. Nililingon ko ang mga sasakyang nakasunod sa amin. Maging ang daan ay hindi na pamilyar sa akin. Matapos ang nangyari, hindi ko na alam ang naganap, maging ang pagtravel namin nila mama at papa pabalik sa pinas ay tila nawala sa aking memorya, hindi ko na maalala ang ilang eksena matapos nila akong kunin kay Magnus. May itinurok sila sa akin, at dahil d'on nakatulog ako nang sobrang tagal.
"You're heading to? Saan kayo papunta?" sambit ko sa mga kalalakihan, maging ang driver na nasa unahan ay tiningnan lang ang aking refleksyon sa salamin.
Tahimik lang ang dalawa sa gilid ko.
"Nakakarinig ba kayo? Sagutin n'yo ako! Saan tayo papunta!" galit na hiyaw ko.
Pero parang nagsasayang lang ako ng lakas. Ni isang salita ay wala silang sinabi. Mas nainis pa ako dahil sa ginawa nila.
Ilang oras ang takbo ng sasakyan, doon lang ako nakaramdam ng hapdi sa aking tiyan. Nagugutom na ako. Simula pa kagabi ay wala akong kinain. Pinagtatapon ko ang mga pagkain na ipinadala nila sa akin sa kwarto, nagsisisi na tuloy ako ngayon.
Nakasimangot lang ako habang hawak ang kalamnan ko.
"Maam?" nakapansin ang bodyguard na nasa aking kanan.
Inirapan ko lang siya. I remain hardheaded. I want to see me as strong as I am, pero bwesit na kalamnan ko dahil mas lalong umingay ito. Nakita ko kung paano nagkatinginan ang dalawang bodyguards at may kung anong kinuha ang bodyguard na nasa aking kaliwa.
Something that makes me more starve to death.
"Take it maam." Lahad niya sa isang sandwich na tingin ko'y masarap. Ang daming cheese at tomotoes ang nandoon.
Napakagat ako sa sarili kong labi.
I grab it and eat it with whole strength, that seems my life depends on it. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin nila. Basta nagugutom ako.
"M-maam, I have more here." Lahad naman ng isa pang bodyguard.
Kinuha ko rin 'yon at nilantakan ulit. Halos dalawang minuto lang ang tinagal ng sandwich at naubos ko na ito lahat. Wala nang nguya-nguya.
"Bakit po kayo hindi nagsabi agad na gutom po pala kayo..." narinig ko sa isang bodyguard.
Hindi ko siya pinansin.
"Madam wants you in her mansion. Doon po tayo papunta, sa Legazpi."
Lumaki ang mata ko sa narinig. Kung hindi ako nagkakamali. Aabot ng anim na oras ang byahe papunta doon.
"The heck?" nalitanya ko agad. Hindi pa nga nangangalahati ang byahe namin ay parang mawawalan na ako ng ulirat.
"May apat na oras na po tayo, maam. Kung gusto n'yo po, sabihan n'yo kami sa mga gusto n'yo."
Inirapan ko lang ito.
"Gusto ko nang bumaba."
"H-hindi po pwede." Pinal na sambit ng bodyguard saka umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakatagal sa posisyong iyon, knowing that I wear the same outfit last night.
---
Magnus' POV
Kararating ko lang sa Pilipinas, sakay ko ang eroplanong nabili ko dati. Mag-isa akong bumaba sa staircase papunta sa lapag. Nakatayo ang higit sampung kalalakihan na suot ang iisang kulay itim na damit, nakasuit, nakasuot ng itim na shades at mga headsets sa kanilang mga taenga.
Pinapunta ko sila para salubungin ako. Hindi ko mahagilap si Jay, kaya nagpatulong na lang ako kay Peruvian, na noo'y nasa pilipinas dahil sa isang misyon.
"Good day, sir." Bati ng in-charge sa grupo. Isang tango lang ang ginawa ko. Suot ko lang ang simpleng puting polo at army green na pants. Nakasampay sa balikat ko ang isang itim na jacket at soot sa ulo ang shades na kulay grey. Para lang along magbabakasyon sa oras na iyon.
"Nakahanda na ba ang sasakyan?" sambit ko sa kaniya. Isang tango lang ang ginawa niya.
"Good." Isang tapik ang ginawa ko sa kaniya. Papaalis na sana ako nang nilingon ko ulit ang mga ito. Nakadungo silang lahat.
"Ilagay n'yo sa sasakyan ang lahat ng armas ko. Be careful, it's loaded." Nakita ko itong napalunok saka tumango.
Tumalikod na ako sa kanila at tuloy-tuloy sa sasakyan. Napangiti ako sa behikukong nasa harapan ko. Isa itong motorsiklo, kung hindi ako nagkakamali, ito ang gagamitin ko habang nandito ako sa pilipinas, niregalo ito sa akin ni Peruvian. Mas mabuti na rin na ito ang gagamitin ko dahil hindi alam ni tiya Catriona ang sasakyang ito. Kung iisipin ko, nakarehistro ang lahat ng sasakyan ko sa organisasyon, kaya alam kong malolocate nila ako. Mabuti na lang at ang eroplanong nabili ko ay hindi ko ipinaalam sa kanila, kaya hindi nila alam na nakalapag na ako.
Dahan-dahan akong sumakay at hinimas bahagya ang tanke ng motor. Isa itong vintage motorcycle worth million in equivalent here in the Philippines.
Ang KRGT-1 ay isa sa gustong-gusto kong motor. Kaya malaya akong maglalakbay ngayon papunta sa iisang lugar na alam ko. Ang pamamahay ni tiya sa Legaspi, ang mansiong kinalakihan ko noon.
Nagsimula na akong magpatakbo sa motorsiklo, at bahagyang nanumbalik sa akin ang lahat, ang nakaraang pilit ko nang kinalimutan.
Flashback
"Ganito, Morgan, dahan-dahan lang ang bitaw." Sabi ni tiya Cat sa akin habang inaalalayan ako sa pagbibisekleta. Edad walong taon ako noon, ang panahon na inakala ko na tuloy-tuloy na ang lahat, matapos kong tumuntong sa edad siyete, nalaman ko nang dapat kong matutunan ang lahat.
Tagapagmana ako.
Ako ang magiging pangulo ng organisasyon.
Kailangan kong maging magaling sa lahat, kailangan kong maging matapang, kailangan kong sundin ang lahat, and I need to earn trust from tiyo and tiya Cat.
Hindi ko dapat sila suwayin...
Not until now.
I need to turn my way, not by them, or her. Hindi ako papayag na manipulahin nila lahat pati ang pagkatao ko, kung sino ang mamahalin ko at kung ano ang desisyon ko.
Ngayon ko lang narealize na hindi kapangyarihan ang hangad ko, iisa lang ang kailangan ko— iyon ay ang pagmamahal mula sa babaeng nagpabago sa pananaw ko.
Si Vanna, she is all I need. And I will do everything that counts just to take her back, again.
BINABASA MO ANG
Magnus My Mafia Boss Husband
RomanceVanna Shaw is a woman who build the Secret Territorial Group in Spain, she own all of the contraband units who handle carriers, securities and public dispatchers of their assets. She is one of the five women who runs the group, thus, she knew that...