Chapter 51

895 44 35
                                    


Vanna's POV

Nagising ako sa pagkakatulog nang mabungaran ko ang sarili na mag-isa. Wala na si Magnus sa tabi ko at parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi. Nakatabon lang ako sa aking kumot habang nililibot ng tingin ang aking kwarto. Until I saw a piece of paper in my bedside table, kaya naman mabilis pa sa alas kwatrong inabot ko iyon at binasa.

Sorry if I didn't wake you up. I will check the cruise ship, may kakatagpuin lang ako saglit, dito ka lang. Huwag ka nang lumabas. Nasa table ang pagkain, please don't starve your self. Love, Magnus.

Namangha ako sa pagkakasulat ni Magnus sa papel na iyon na tila may nagpabalik sa isang alaala ng aking kahapon. Mas namangha ako nang may kung anong bagay ang nakita ko na nakalapag sa aking mesa.

It's a key in a chain necklace.

Marahan ko pang kinuha iyon at pasimpleng ipinalugay sa aking harapan.

"What is this?" tanong ko sa sarili.

Nakita ko pa ang nakaukit sa susi na iyon, his name. Isa-isang nagsilaglagan ang mga luha ko sa 'di maipaliwanag na nararamdaman. At sa puntong iyon ay napadungaw ako sa ilalim ng aking kama at may kung anong pinihit sa isang bag na nandoon.

And there, I am now holding my journal. At sa hindi ko inaasahang pagbukas n'on ay ang pagbilis naman ng pintig ng puso ko nang makita ko ang kanyang handwritten. Ang nakasulat doon ay ang lahat ng mga testimonya kung sino ang pasimuno ng kamuntikang pagpatay sa'kin noon. Inambush ako noon, bago pa man kami nagkakilala ni Magnus, at ang handwritten na kaparehong-kapareho kay Magnus ang naalala ko. The initials from that key is also the initials from that letter before.

Shit! He is. Siya nga ang serial killer ko noon. Hindi ako makapaniwala...
Ang killer ko noon ang siyang naging asawa ko ngayon, and worst, ang anak-anakan ng totoo kong mama.

Nagbalik ang gunita ko noon, noong nasa Maldives pa kami.

---

Sa puntong iyon ay patay malisya kaming naghahanda habang walang kaalam-alam ang mga taong nandoon sa isla. Hindi namin gustong magpanic ang mga taong nandoon lalo na ang mga posibleng kalaban namin.
Kaya tuloy lang ang operasyon ng lahat ng establishimento at mga operasyon ng isla.

Byernes noon at ngayo'y tanaw ang isang ferry boat na noo'y paparating sa hilagang bahagi ng isla. The coastal area is clear yet biglang may sumulpot doon na mga kaaway. Tanaw na namin 'yon sa malayo, but, I remain calm.

Nagradio signal ang mga itinalaga ni Magnus kaya madali kaming nagtungo at doo'y nakita ang hukbo ng mga pirata.

Kasakasama ko sina Paris sa oras na 'yon at ang iba pa na noo'y lumilikas sa likod na bahagi ng isla.

Sina kuya Jay naman noon ay nanatili sa gusali bilang look out sa mga kababaihan lalo pa't nandoon ang mga iba pa nitong tropa. I act that I am panicking that time, but, it's just a fraud act. Sa oras na 'yon ay kinukuha ko na ang lahat ng impormasyon ni Magnus, the friendlist, the name of his parents, the fact na alam ko namang hindi ito ang totoo niyang parents. Nagsagawa na ako ng mga impormasyong ako lang ang nakakaalam.

I act vulnerable, I act weak. But, the truth is, parte din 'yon ng aking paghihiganti kay Magnus. Huli na nang malaman kong nauugnay kaming dalawa sa totoo kong ina.

Magnus didn't know that I am also an agent. I am one of the five territorial members of Phoenix Group. Isa sa mga trabaho ko ay ang siguraduhing makakakuha ng impormasyon.

Gaya ng ginagawa ko sa nag-ampon sa akin.
I made myself a mole, gaya ng ginawa ko sa grupo ni Magnus. I made the counterfeit moves to his groups, as I learned to connect in their system. I was about to corrupt their system when I found out my real brother is his fellow member—si kuya Jay.

Matagal ko nang alam, kaya minabuti kong protektahan si kuya.

I remain calm, I remain weak in their eyes, I remain the Vanna that they knew.

Hanggang umabot na ako sa puntong kailangan ko nang magsinungaling sa pinuno namin. Nasa harapan ko noon si General Phaulynn Cartagena, ang lider ng Phoenix Group of Agents, habang sinalubong ko ito ng snappy salute at gaya ko rin sina Paris at ang iba pang miyembro ng Phoenix na noo'y pasimpleng binungad ng magandang salita ang aming pinuno.

Kasabay nito ang halos trentang tauhan na fully armored. Kinausap nila ako.

"Good day, agents," bungad pa ni General Phaulynn Cartagena sa amin. Pinsan ito ng kasamahan at kaibigan kong si Romary, pero sa isang banda, may katungkulam ito sa aming ahensya.

Marahang naglakad ito sa aming harapan at noo'y tinahak ang pagitan na distansya ko at nila Paris na nauna nang naglakad papalayo sa akin habang nakabuntot naman ang iilang guwardiya personel sa kanya.

Iniwas ko ang sarili habang noo'y papalayong naglalakad palayo. Kailangan kong maunahan ang plano nila, sa pagkakataong iyon kasi ay nalaman kong gagawan nila ng hindi maganda si Magnus, at magpapatong sila ng presyo sa ulo ni Magnus.

It's a total mess for me that time, asawa ko na noon si Magnus, at nakatali na ako sa kaniya.

Nang marating ang ako sa Madrid ay planado ko na ang lahat. I set up my own rape scene. I paid those bastards, all of it is a lie. Maging si Kenneth ay binayaran ko. Iyon ang pagkakataon na gusto kong masukat ang kakayahan ni Magnus.

At tama nga ako, he can drop his kingdom just for me...at gaya niya, natutunan ko rin siyang mahalin, kaya minabuti ko na ring ewan ang nakatalaga sa aking proyekto.

Lalo pa't nalaman kong maging siya'y may proyekto para patayin ako. Our societies wants us dead both, gusto nilang magpatayan kami.

Ngayon ko lang naunawaan.

Kung napatay ko si Magnus noon, ang Phoenix Group ang aangat sa Society ng mga Assasins at Agents, magkakaroon sila ng puwang sa teritoryo ng underground world.

At kung napatay naman ako ni Magnus noon, ang magkakaroon ng puwang sa underground world ay ang grupo ng mga Daviro, ang naiwang kompanya ng kaniyang yumaong tiyo na siyang may pinakamalaking share sa underground world.

Now I know, ngayon ko lang naitagpi-tagpi lahat, ngayon ko lang nalaman, kaya naman, bago pa nila kami maunahan—gagamitin ko na ang lahat ng koneksyon ko.

At isa na doon ang kapangyarihan ng aking tunay na ina, bilang isa sa mga pioneering member ng organisasyon, kapag nawala o pumanaw ang isang miyembro ay automatic na hahalili ang kadugo nito, anak, kapatid, pamangkin o sinumang malapit dito.

And knowing that we are first degree related, as her daughter, magkakaroon ako ng katungkulan sa organisasyon. Gayundin si Magnus na nauna na sa akin.

If we both sit in our throne together, civil-arranged as married couple, or tied by vows, kami ang magkakaroon ng kauna-unahang union of power.

Isang batas sa Mafia code na ang dapat masunod ng organisasyon, iyon ang hindi nila gustong mangyari.

Ang nakaupo sa trono ng organisasyon, ang tinatawag nilang Triad. Ang organisasyong pinapamalakad ng tatlong pamilya—ang Collins, ang Romero at ang Robertson.

Sila ang susi sa mga katanungan ko.

---

Nagbalik ako sa gunita at doo'y agad na bumangon at nagbihis. Kaswal akong naglakad sa kwarto kung saan nandoon ang mga gamit namin. I am checking the corners that time, as I see the windows.

"Beautiful." Sambit ko habang tanaw ang pagtakbo ng barko. I heard someone is coming, kaya naging alerto ako.

May baril ako sa hita kaya dahan-dahan ko itong pinihit.

Pero agad ko naman itong binalik dahil nakita ko roon si Magnus dala ang isang kahon.

"Oh, you're awake. How's your sleep?" sambit nito habang ibinaba ang karton. Lumapit ito sa akin saka mabilis na kinabig ang labi ko at yumakap.

"Did you miss me?"

Umiling ako at inirapan siya. Ilang minuto lang itong nawala, as if naman nawala ito ng tuluyan...

"Ewan ko sa'yo," litanya ko pa saka nilingon ulit ang karton.

"Ano 'yon?"

"Uhm, from my informer. Dadalhin natin 'yan sa Hawaii."

"Para kay Flinn?"

Tumango ito. "Yep, that is his request, kailangan kong maibigay 'yan sa kaniya."

Muli akong tumango. "Well, okey. Uh, gusto ko sanang malakad sa labas, marami bang tao sa hallway?"

"Uh, wala naman masyado, but, we must be vigilant. You can..." may kinuha itong tela sa kung saan.

"Wear this hijab, magsuot ka rin nito, para hindi halatang asyana ka." Sabi pa ni Magnus. Ipinakita niya ang mahabang damit ng pambabaeng araba at isang hijab, maganda naman iyon at tila pasadyang pinatahi sa aking size.

"Alright." Sambit ko saka kinuha ang mga iyon.

Tuloy-tuloy ako sa banyo para magbihis, mabuti naman at kasya ang lahat sa akin. Hindi lang ako masyadong komportable, since medyo mainit ang tela nito at may masakit na kulay sa mata.Sparklimg gold with white satin fabric.

Nang matapos ay nagtungo ako sa harapan ni Magnus. Umikot ako sa harapan niya.

"How is it?"

He smile. "Gorgeous, as always..." Ngiti nito saka hinapit ang aking beywang.

Dahan-dahan kaming lumabas sa kwarto papunta sa may hamba ng hagdanan. Nang makarating kami sa bulwagan ay namataan ko pa ang mga pagmumukha ng ilang guwardiya ni Magnus, so, I guess, nakasampa rin sa barko ang mga ito. They are protecting him. They are protecting us.

Hindi ako nagpahalata na napansin ko iyon.

Lumiko kami sa bandang kaliwa saka pumasok sa isang kainan doon, isang buffet room, a classic dining area of the cruise.

Nang mabuksan iyon ay laking gulat pa namin ni Magnus dahil nakita kong tinututukan ng kung sino ng baril si Magnus.

It's a woman, and we know her. Isa siya sa mga babaeng pinagkatiwalaan noon ni Magnus. That chick.

"Roxane?" halos sabay na bulalas namin ni Magnus.

Ngumiti ito. "Did you miss me?" she stare at us, as if kanina pa niya kami pinagmamasdan.

"B-bakit ka nandito? B-bakit may baril ka?"
Saad ni Magnus.

Umiling ito saka itinago ulit ang baril since dumadami na ang mga tao sa buffet.
"Well, I have a new work now, guess what?"
Ngisi nito.

"Ano?" sambit ko pa.

Halos hindi mawaglit ang tingin niya sa akin. She stare at me from my head to feet.

"Well, isa lang naman akong hamak na sekretary, 'di ba, Magnus? But, don't worry, I am not here to whistle the two of you, I am here because of my assignment."

"Assignment?" kunot-noong sambit ko saka nilingon si Magnus.

Gan'on din ito kay Roxane na halatang kinakabahan.

"Huwag mo kaming pinaglololoko, Roxane. Alam kong may pinaplano ka, ano ba kasi't nandito ka?" Dinig ko kay Magnus. Halatag seryoso na ito.

Tipid itong ngumiti sa amin saka ibinigay ang isang papel. Hindi pa man namin ito nakukuha ay nagsidatingan ang iba pang tao kaya nang makuha na namin ang papel ay nawala na lang ito bigla.

Kapwa kami napalingon ni Magnus sa oras na iyon, she's now vanish. God knows where she is.

Pasimple akong nakiayon sa oras na iyon at hinayaan si Magnus na magbukas ng papel. Nang mabasa namin ang bungad ng papel ay kapwa kami nanlamig at tila nahimasmasan sa aming pagkakatayo.

"This can't be happening..."

Doo'y nabasa namin ang isang report status.
Nakasulat ang pangalan namin ni Magnus at ang confirmation report mula kay 'Agent Roxanne Medina' ang middleman ng organisasyon.

Name: Morgan Nexus Daviro
Status: Confirmed—Dead.

Name: Vanessa Alejandra Shaw
Status: Confirmed—Dead.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Magnus. Kung gayon, hindi rin pala ganoon kasama si Roxanne, she let us win our battle this time. Hinayaan niya kaming dalawa ni Magnus to sail away from our recent incident.

Umiling si Magnus, as he hold my hand.

"I guess we need to be immune now, we are now a new someone. We are now officially dead."

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon