Chapter 13

961 59 39
                                    

Vanna's POV

We immediately decide to settle the needed papers, inasikaso rin ni Magnus ang island wedding namin sa Maldives. Naging mabilis ang lahat, hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Tinawagan ni Magnus ang mga tauhan niya para mamahala muna sa negosyo niya. Pinapunta niya rin sa Maldives ang sekretarya niyang si Roxane para maging bantay at taga-alaga muna kay Ysay dahil magiging abala kami sa pag-aasikaso ng kasal. Pinapunta ko rin sa Maldives si Paris para maging maid of honor ko. Nagpunta din ang tatlo pang kaibigan namin ni Paris, sina Georgina, Raquel at Romary.

Kasama ni Paris si Alfred na siyang personal butler ko, gusto ko rin kasing may kasama si Roxane sa pag-aalaga kay Ysay habang abala kami ni Magnus. Sinabi na rin kasi ni Magnus sa bata na siya ang missing daddy niya, that he was busy in his work kaya nandoon siya sa kombento ng madre, and the reason kung bakit hindi nag-workout ang daddy at mommy niya.

Mabuti na lang at matalinong bata si Ysay, and she didn't find it complicated to understand.

By this time, ay nasa Maldives na kami. Sumabay na rin si kuya Vittos kina Paris at Alfred para may sumuporta rin kay Magnus. Day by day ay nagsisidatingan na ang mga tauhan ni Magnus. At ngayon nga ay nasa venue na kami ng island, doon isasagawa ang kasalan namin. I am blown away by the island view since may matutuluyan kaming rest house doon. It is private area, kadalasanang nandoon ay mga yateng nakahilera, and stopping by to unwind for vacation.

Nasa tabing-dagat ako that time. Katabi ko si Paris habang umiinom kami ng canned beer. Nakaupo kami sa dalampasigan, thinking about things we left behind in Madrid.

"So, what's your plan, Vanna?" Paris is drinking her beer.

I slowly shake my head. "I don't know, Paris. Ang gulo ng isipan ko." Sambit ko saka tumungga ng beer.

"Are you sure, you're doing this for your freedom? O baka naman...you're also falling to him?"

Hindi muna ako umimik. Tanaw ko mula sa malayo ang bulto ni Magnus na abalang nag-uusap kina kuya Vittos, at pati na rin sa kaibigan naming sina Raquel, Romary at Georgina.

"Maybe..."

Sa sinagot ko'y tila naglulupasay na bulate si Paris dahil kinikilig daw ito sa set-up namin, knowing na naging convenient wedding proposal lang ang lahat, and here we are now, trying to do a shotgun wedding.

"If I were you, girl, hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito. Magnus is not a typical guy, Vanna. Hindi 'yan basta-basta nabibingwit sa gilid. Kaya if I were you...dapat bakuran mo na 'yan."

"Bakuran? 'Di ba, dapat siya ang bumakod sa akin?" nalilitong tanong ko kay Paris.

"Heler, look at him nga oh, dapat binabakuran na 'yan, tingnan mo, ang daming umaaligid-aligid!" dinuro pa ni Paris ang mga kaibigan namin, idagdag pa ang sekretarya nitong kinulang yata sa damit dahil halos kita na ang kaluluwa kung magsuot. Nabobosohan na nga ito dahil sa ikli ng palda at hanging croptop blouse.

I felt jealous. Baka tama nga ang sinasabi ni Paris. I need to take what's mine. Ayoko ring may kahati. Tumayo ako at nagpagpag ng sarili. Kinuha ko ang towel na dala ko at tinungo si Magnus. Agad kong sinablay ang towel sa maskuladong hubad na upper part niya dahil litaw na litaw ang pandesal nito.

"Ohh, seems your wife doesn't want you to see naked, bro." Tapik pa ni kuya Vittos kay Magnus.

"Where's your shirt? Baka mahamugan ka!" sita ko pa rito. Hindi ko tuloy maiwasang tuksuhin ako nina Raquel.

"Omg, Vanna, kailan ka pa natutong maging conservative?" Naka-crossed arms na tanong nito.

"Ngayon lang..." Mabilis na sagot ko.

"Really, talaga lang ha, o baka ayaw mo lang pagpyestahan namin si Magnus?" ngiti ni Romary na katabi ang kuya Vittos ko.

"Hindi naman, what I mean is...nandyan naman si kuya Vittos, he is available, sa kaniya nalang kayo magsawa, he will satisfy all of you," pabirong sambit ko pa sa mga ito. Matapos maghistirikal sa kanila ay agad kong hinila si Magnus. Nakangisi lang ito, at halatang nagugustuhan naman ang nangyayari.

Nang makalayo na kami ay sinundot ko ang tagiliran niya. "Ang harut-harot!"

"Aw, hey, masakit ha!" tumatawang sambit nito. Inirapan ko siya, he can clearly see to my face na hindi ko nagugustuhan ang pagpapakyut niya sa mga kaibigan ko.

"Easy, Vanna. I am just talking to your friends, gusto kong malaman ang lahat sa'yo, and you know they tell me that you're indeed a wonderful friend. They are so proud of you..." pabidang sambit nito para maibsan ang pagseselos ko.

"I know!" Makikita sa mukha ko ang paggalaw ng butas ng ilong ko.

"Come on, I am not attracted to anyone, sa'yo lang..."

Sa sinabi niya'y mas lumakas ang kabog ang dibdib ko. Kung 'di dahil kay Alfred ay baka tinuka na ako ni Magnus. Gulat kaming napatingin sa butler ko. Para kasi itong kabuti na sumusulpot sa kung saan-saan.

"Excuse me, senyorita, pinapasabi po ng papa n'yo na darating sila mamayang hating-gabi." Medyo slang na sambit nito. Sanay kasi ito sa wikang Español at English.

"Alright." Tipid na sambit ko kay Alfred saka hinablot ulit si Magnus.

Tuloy-tuloy kami sa rest house at walang lingun-lingon sa dinaanan.

"Hey, slow down, Van. Para ka namang hinahabol ng aso e." Maktol pa ni Magnus.

Nang makarating sa rest house ay agad ko siyang pinaupo sa couch, sa may living room. Umupo ako sa harapan niya saka tinitigan siya sa mata.

"Hey, what are you doing!?" untag niya sa akin, defending his body dahil ramdam niyang gusto ko siyang lapain.

"My friend told me, dapat na kitang bakuran!"

"Bakuran? Ano ako halaman?" sambit pabalik nito.

Napatawa ako saglit saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Magnus. "Listen...Hindi ko ito uulitin! I don't want you to entertain, to talk, or to hold anyone's hands, especially girls!"

"Really? How about my friends, so you don't like me to talk to them?"

"Uh, if lalaki, okey lang."

"How about bakla?"

"Fifty-fifty lang!"

Magnus shake his head. "You're impossible!"

"That's an order!" giit ko pa saka muling umayos. Naiwan ko si Magnus na tila nakawala sa panunuklaw ng ahas. He is just sitting firmly I'm the couch, left alone and silent.

Nagmartsa ako palabas, nabungaran ko si Alfred na karga-karga si Ysay, nakatulog na kasi ito sa paglalaro.

"Ma'am, ipapasok ko na po si Ysay."

"Sige, after that, please tell everyone...that dinner will be at seven, sa hall na tayong lahat kumain."

"Sige po." Sabi ni Alfred saka tuloy-tuloy na pumasok sa rest house. Naglakad ako papunta kina Paris nang hindi ko mabangga ang sekretarya ni Magnus. Dala nito ang isang pouch, dahil sa lakas ng pagbangga ko ay nagsitilapon iyon.

"Oh, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Agad ko siyang tinulungan para pulutin ang mga natapon. Laking-gulat ko dahil nakita kong mga condom pala ang mga iyon.

Shit! Bakit ang daming dala ng babaeng 'to! Sasabak yata to sa mahaba-habang giyera! In-fairness, girl scout siya, laging handa!

"Ako na po, ma'am." Malumanay na sambit nito saka tumalikod na. Hindi ko tuloy maiwasang mag-overthink.

Nagpatuloy ako sa circle of friends ko, nakita ko sila sa may guest room, kung saan nandoon ang infinity size pool for guest. Nakalublob silang lahat habang aliw na aliw sa paghaharutan.

"Oh, here comes the bride!" Tili pa ni Georgina na siyang may morenang balat sa amin. Mixed Thai at Filipina ang beauty niya, matangkad, sexy at maingay, funny to be with, hindi nauubusan ng chika. Anak ito ng isang kingpin sa Thailand, siya ang nakatoka sa may Asia, tungkol sa Territorial group, isa ito sa limang babae na nagtatag ng samahan. Gaya ko, medyo arisgada rin ito at palaban.

Kasunod naman nito si Paris na halatang may sayad na ng alak, nakasandal lang ito sa gilid saka tumutungga ng canned beer. Anak-mayaman din ito, her father is also a business tycoon sa Madrid, pero ang area niya ay ang Columbia dahil half-Columbian ang papa niya, ang nanay lang naman ni Paris ang may dugong Filipina. Gaya ko, party-goer din ito at masayahin. Pero unlike me, Paris has the freedom that I don't have.

Ikatlo si Romary, meztisa beauty ito, Asian complexion, white pale skin and chubby, ito ang astig sa aming lima dahil pinalago niya ang kompanyang itinatag niya ng mag-isa. Romary is a bit of enegmatic background, laki kasi siya sa kombento, and at the age of eighteen ay naipakasal siya sa mayamang Mafia ng Spain, but, eventually namatay ito, kaya napunta sa kaniya ang lahat ng yaman at mas pinalago pa iyon. She is now twenty nine and still single. Wala rin silang anak, ang sabi niya, ni hindi nga raw siya nagalaw ng matandang naging asawa niya noon.

Lastly, si Raquel, ang pinakabata sa aming lima, she's twenty, pero siya ang pinakaprofessional sa amin kung mag-isip at kumilos. Matalino ito, ang galing sa marketing, statistics, politics, pati stock markets, alam nito, ni hindi na nga ito nagbabayad ng accountant dahil siya na mismo ang nag-aasikaso sa lahat. Sa aming lima, siya rin ang pinakakuripot. Ang main goal niya, malibot umano ang mundo, without spending her own money. Ewan ko nga sa kaniya, kaloka talaga! Minsan biniro namin siya na mag-asawa na lang ng kapitan ng barko or eroplano para solve ang around the world trip niya.

"Come here, Van!" nagbalik ako sa huwisyo. Hinila ako ni Georgina saka pinaupo sa tabi nila. Inabot din ni Paris ang isang canned beer. Panay hampas naman ang dalawang sina Raquel at Romary kasi pansin daw nilang namumula ako kanina sa selos.

"Grabe ka girl! Halatang-halata talaga!" Kinurot ako sa tagiliran ni Romary.

"Aw! Aray!"

"Arte mo! If I know, kanina ka pa nakatingin sa amin kasi kinukulit namin si Magnus," ngisi ni Georgina.

"Ano ba kasing pinag-usapan n'yo?"

"Uy, curious, oh!" si Paris.

"Of course, he is my husband to be, dapat alam ko ang lahat sa kaniya!" nakangusong sambit ko sa kanila.

"Naku, Vanna. Alam na namin 'yang style mo, you are jealous! Aminin mo nga!" si Romary.

"Hindi ah! Why should I!?" Denial na sambit ko.

Kinurot ulit ako sa tagiliran ni Raquel.

"Alam mo, Van. The more you push backward, the more your heart pulled him closer, alam mo ba 'yon?" hindi sila maawat sa pagtukso sa akin.

"Fine! Oo na! Oo na! Nagseselos na!"

"At lumabas din ang katotohanan!"

Dahil sa inamin ko, ay nagsalita rin sila kung ano ang pinag-usapan nila kanina.

Nauna si Georgina. "He asked about your favorite food, gusto kasi niyang matutong magluto, para daw mabusog ka, kasi ang payat-payat mo!"

Natigilan ako sa sinabi nito.

Magnus is concerned about me?

"And he also asked if may phobia ka ba, para malaman niya kung ano ang dapat niyang iwasan, I just told him na...you're afraid of thunders." si Raquel.

"Yeah, he even asked me if sino raw ang ex-boyfriend mo..." si Romary.

"And what did you tell him?" medyo naging kabado ako.

"I told him na hindi nag-work out ang relationship ninyo ng ex-boyfriend mo kasi against ang parents mo, that they expel your boyfriend in our school, kaya nagbreak-up kayo, 'di ba, tama naman? Ganoon naman talaga ang nangyari sa inyo ni Allan?"

Sa sinabi nito'y tumahimik ako. Tama sila. It was one of my painful part of being a teenage. Dahil nga bawal akong magboyfriend, at bawal akong hindi sumunod kina mama at papa...na-expel si Allan sa university at hindi ko na ito muling nakita.

I am guilty for what happend to him. Hindi ko 'yon malilimutan, it was exactly three years ago. Matagal na rin, pero dala ko pa rin ang guilt sa puso ko.

"Hoy, tumahimik ka yata? Are you drunk?" Niyugyog ni Romary ang balikat ko. Ang totoo'y kanina pa ako nahihilo, but I can manage myself pa naman. I excuse my self to them. Tumayo ako, at sumandal sa chaise na nasa kalapit na likuran ko. Umupo muna ako, saka tumayo ulit. Nang iaapak ko na ang mga paa ko para maglakad ay tila na-out of balance ako, para akong lumulutang sa hangin at bawat inaapakan ko ay tila kumunoy na sumasayaw.

Shit! Hilo na talaga ako! Mabuti na lang at naramdaman kong nasalo ako ng kung sinuman. Hindi ko napansing nasalo pala ako ni Alfred na tila kanina pa nakamasid sa kalayuan.

"Senyorita!" agap nito saka mabilis akong binuhat.

"Dalhin mo na sa kwarto 'yan, baka magkalat pa!" narinig ko mula sa mga kaibigan ko.

Hindi ko na halos naaaninag ang daan pero ramdam kong may kung sinong nakatayo sa daraanan namin ni Alfred. Nakaitim ito, medyo madilim ang mukha nito—if I'm not mistaken, it's Magnus. Yeah, si Magnus nga.

After that scene, ay hindi ko na alam ang nangyari dahil nagblack-out na ako.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon