Chapter 16

895 58 32
                                    



Magnus' POV


Kinakabahan ako sa oras na ito, I know that there's no turning back right now, that there's no reason to back-up some plans. Nakatayo ako sa kwarto habang tanaw ang whole body mirror. Malalim ang iniisip ko sa oras na 'to.
Mabuti na lang at nandito sina Vittos, Peruvian at Aries na kakarating lang. Ang sabi rin ni Austin ay susunod siya. They are fully supported to my choice. Nagsalin pa si Vittos ng inumin sa babasaging baso at iniabot sa'kin.
"Drink, bro. Kanina ka pa walang kibo riyan, baka malimutan mong magsalita mamaya. Just calm down." Si Vittos na tinapik pa ako.
Nasa couch naman si Aries na naninigarilyo.
"So, tell me, man... what's the plan now?"
Nilingon ko ito. "Not now, Aries."
"You must celebrate now, Magnus. Saka na 'yang kompanya mo, marami ka namang tauhan, why worry?" dugtong ni Vittos.
Sa loob ko'y walang kaalam-alam ang kaibigan ko sa pakay ko kay Vanna. I don't want to talk to him, ayokong mabahiran o malamatan ang pagkakaibigan namin. Naiiba si Vittos sa ibang anak nina Doña Virginia at Don Bart Shaw. Vittos can understand such situations, and he can defend if which is right, and correct if it's wrong.
Nagsalita naman sa gilid si Peruvian na panay tawa habang hawak ang phone niya. "Fuck yes!"
Ngisi pa nito, parang tawang-tawa sa tinitingnan.
"Ano na naman ba 'yan Fuego? Nagjajakol ka na naman 'no?" supla ni Vittos kay Peruvian. Umirap lang ito saka inilahad ang phone niya.
"Check this fuckers, someone sent me tits!" ngisi nito.
"Allelujiah! That's sweet, sino ba 'yan?" usisa ni Aries. Hindi pa ito nakontento at inagaw ang phone nito.
"Sino 'to? R-romarybabes?"
"Hoy, animal ka, si Romary ba 'yan? Ini-istalk mo ba ang ex ni Austin? Hala ka patay ka talaga kay 'Lampa' nangangarate 'yon!" warning pa ni Aries. Kinuha din ng bwesit na Vittos ang phone at inusisa ang larawan.
"She has a nice big breasts, no wonder kung bakit masustansya si Austin noon, alagang breastmilk e..." ngiti naman ni Vittos na nilahad pa sa akin. I shake my head.
"Come on, I don't have the right to check private pictures of someone, lalo na kung kaibigan ni Vanna. Hindi ako gaya ninyong mga animal kayo!" pinaghahampas ko ang mga ito. Kelalaking tao, ang gagaspang naman ng ugali, gawin bang pulutan ang ex-girlfriend ni Austin. Mga walang isip talaga!
"Naku, talaga 'tong si Magnus, kung hindi lang kasal niya ngayon, baka nauna pa 'tong mag-jakol sa picture, nahiya naman kami sa'yo," untag ni Aries na noo'y tawang-tawa. Suot namin ang mga pormal na suits pero kung mag-asaran kami'y parang mga tambay lang sa kanto.
Sabi nga nila, talk trash infront of your friends, but, defend and praise them behind, ganoon dapat ang tunay na magkakaibigan, hindi gaguhan.
Nasa gitna kami ng pag-uusap nang biglang nagbukas ang pintuan. Si Austin ito. Mabilis na binura ni Peruvian ang photo ni Romary saka umayos.
"What's in here? late na ba ako?" Ngisi nito saka inisa-isang tinapik ang mga balikat nilang apat saka pumunta sa'kin at yumakap.
"Congratulations, bro."
"Buti nakaabot ka." Tipid na sabi ko saka tinapik-tapik ang likod nito.
"Of course, I rushed down from London, since may rason ako kung bakit ako nandito, except of your wedding, I want to take someone back..." Sa sinabi nito'y nagkatinginan sina Peruvian, Vittos at Aries. Sabay-sabay nitong nilagok ang baso ng mga alak nila.
Tumaas ang gilid ng labi ko, sinasabi ko na nga ba. Gusto rin nitong makita si Romary.
"Is it a woman?" Aries asked.
"Beautiful woman..." sabi pa nito.
"Naku, pare, sinasabi ko na nga ba, hibang pa rin 'to sa ex niya!" nagpalakpakan ang tatlo, tinutudyo si Austin.
"Of course, hindi ba't true love comes not once, but twice in your life to think about...again?"
"Sino may sabi n'yan, pre...sapakin ko!" Si Peruvian ang tumayo habang tawang-tawa.
"Come on guys, mabuti pa'y lumabas na tayo at pumunta na sa Pavilion, baka hinihintay na ako ng bride ko." Giit ko pa saka naglagay ng mamahaling pabango sa kwelyo at palapulsuhan ko.
Kasunod ko ang apat na itlog. Hawak-hawak ni Austin ang boquet ng red roses para kay Romary. Si Peruvian nama'y tinatali ang may kahabaang buhok habang naglalakad. Si Vittos naman ay abala sa kadodotdot sa phone, at si Aries na kanina pa dala ang basong may lamang alak. I don't know, but it seems we are the Mafia's by nature but having a 'tambay' vibes. Kasunod n'on ay ang pagpunta ko sa aisle. Nakita ko nang nakaready na ang mga abay. The occasion if exclusive for our family and closed friends. Nakita ko na rin ang nirentahan kong magsilbing ama at ina sa akin. Hindi ko alam ang tunay na mga pangalan nila, I don't even care to ask, basta ang pangalan nila para sa akin ay sina Papa Juancho at Mama Dorothy, sapat na 'yon para sa akin.
Nang makapunta sa may entablado kung saan gaganapin ang kasalan, nakikita ko kung paano ito napaghandaan. The overwhelming seavibes as our background sets a natural ambiance. Kasing asul ng karagatan ang naging tema namin, from the dress of bridesmaid and the unusual color of blue carpet.
Request 'yon ni Vanna, para maiba naman daw ang kulay ng nakasanayang red carpet.
Nasa gilid ko si Vittos na gaya ko'y chill na chill lang sa pagtayo. Suot ko ang napiling suit na yari pa mula sa telang galing Saudi Arabia. Pinasadya ko rin ang itim na leather shoes sa India at ang polong galing pang Germany. Ganoon din si Vittos na bagay na bagay sa suot na all white suit.
"You're ready?" Tanong pa nito sa akin.
"I am..."
Siniko niya ako saka dinuro ang gawi ni Vanna na noo'y nag-uumpisa nang maglakad.
"There she is...your wife." Dagdag pa nito sa akin, rason upang mawala ako sa huwisyo. Vanna seems so magical with her dress, lutang na lutang ang kagandahan nito habang hawak ang red bouquet of roses. Simple lamang ang make up nito, at perpektong nakahulma ang damit sa kaniyang pambihirang katawan. She's stunning. No wonder why everyone in the crowd nailed their sight to her.
Kasama na ako sa kanila.
I am looking how she wonderfully walk in that blue aisle, going to my direction. Parang siya lang ang nakikita ko sa oras na iyon at wala nang iba pa.
I know we are doing this for our own purpose, but damn it!
Kanina ko pa hinahawakan ang sariling huwag maiyak dahil sa tuwa. Damn it again! Tila nanlalamig ang katawan ko.
Siniko ulit ako ni Vittos.
Hindi ko kasi napansin na nandoon na si Vanna sa mismong harapan ko. She's smiling as if she's waiting to pull closer.
"Vanna..." iyon ang tanging usal ko. Patiently waiting to her soft hands.
Mayamaya ay humarap na kaming dalawa sa paring magkakasal sa amin.
He is now starting the ritual of matrimony, asking if meron bang may tutol o wala, and thanks god, dahil wala namang tumutol.
I bit my lower lip secretly, alam ko sa sarili na may hindi pa ako inaamin sa kaniya, I am not supposed to talk, pasya kong huwag muna sabihin sa ngayon.
Nakinig kami sa pari na noo'y nagsasalita na ng verses at salitang tungkol sa kasal, pag-aasawa at trust about everything inside the relationship, mas lalo akong natahimik at nag-isip. Naalala ko kasi ang pangakong hindi ko kailangang baliin.
Flashback
Basang-basa ako sa ulan sa oras na iyon, walong taong gulang lang ako nang minsan kong natagpuan ang sariling namamalimos sa pier. Gutom na gutom ako sa oras na iyon, dapat kasi akong makakuha ng pera mula sa pagnanakaw, kung 'di ay wala akong makain. Wala na ang mama at papa ko. Patay na sila. Ang taong inaasahan ko lang ay ang tiyo Maximo ko. Pero gaya ko'y hirap din ito sa buhay, nalugmok ang kompaniya niya ng tobacco dahil nasunog ang malaking bodega niya sa Espanya. Sinasabing may nagsadyang sumunog n'on, ang alam ko'y Shaw ang apilido ng kalaban ni tiyo. Kaya naman ngayon ay nandito kami sa kung saan-saang pier, kung saan pumupuslit kami para makasakay ng barko papunta sa kung saan-saan.
Ngayon nga ay papunta na kami sa pilipinas, ang sabi ni Tiyo, kaunting tiis na lang daw at makakabangon din kami sa pagkakalugmok.
Tiniis ko ang gutom, nakita kong may nagtapon ng pagkain sa harapan ko. Isa 'yong batang lalaki. Gusto niyang kunin ko 'yon, gaya ko'y batang hamog din ito sa pier.
"Hoy bata!" tawag niya sa akin.
"Que?" Pagsasalita ko pa ng Espanyol.
"Naku, lintik. Ah, kumain ka." Nag-sign language pa ito para maintindihan ko.
Natawa ako, saka pinulot ang pagkaing nakasupot.
Gutom na gutom na rin kasi ako, mabilis ko itong kinain. Ngunit naalala ko si tiyo Max kaya kahit gutom pa ako ay itinabi ko ang natira para sa kaniya mamaya.
"O, ba't hindi mo inubos?" narinig ko sa batang lalaki. Tila mas bata ito kaysa sa akin.
"Gracias. Salamat." Pagtutuwid pa ng dila ko.
"O nagtatagalog ka naman pala e, ah, ako pala si Peruv, pero pwede mo 'kong tawaging boysnatcher, magaling kasi ako dito. Teka, papunta ka rin ba sa pilipinas?" tanong nito. Kaunti lang ang naiintindihan ko sa sinabi niya, pero alam kong tinatanong niya ang tungkol sa Pilipinas.
"Si...si..." Sabi ko pa.
Tinawanan lang ako nito saka umiling. Nainis ako sa ginawa niya, susuntukin ko na sana kasi pinagtatawanan niya ako, pero laking gulat ko nang maramdamang may pumigil sa akin, si tiyo Max.
"Huwag Magnus. Huwag mong gamitin ang kamay mo sa karahasan."
Sa sinabi ni tiyo ay natigilan ako.
Lumapit ito sa amin at inawat ako.
"Gawin mo ang utak mo, kaysa kamay." Kasunod n'on ay may tinawag itong guard, tinuro ni tiyo si Peruvian na mismong nagnakaw sa aleng nakatayo kanina.
Agad namang hinabol ng mga guards ang musmos na si Peruvian. Naiwan kami ni tiyo sa kinatatayuan, kaya mabilis kaming nakalusot sa barkong papalarga na, isa pala itong technique ni tiyo para maaliw ang mga bantay sa pier.
Nang makasampa kami sa barko ay tinapik niya ang balikat ko. "Hijo, utak ang gamitin mo. Mas lamang ka kapag mautak ka." Ngisi nito saka mabilis kaming lumusot sa isang kwarto. Puno iyon ng mga kasuotang pambarko, nga uniporme. Agad na nagpalit si tiyo doon, binihisan din niya ako ng damit na tila ninakaw niya sa kung saan. Nang makalabas kami sa barko ay kagalang-galang na ang hitsura namin. Hindi na kami sinisita ng mga crew, parang hindi na nila kami namukhaan na kami ang mga nanlilimos kanina sa pier.
Nang makasampa na kami sa pinakataas na level ng barko kung nasaan ang mga mayayaman ay madaling nakihalubilo si tiyo sa mga ito. Hindi ko nga maintindihan kung paano iyon nagagawa ni tiyo, mautak ito, kasunod n'yang ginawa ay sumugal siya sa isang casino doon sa barko. Nasa gilid lang niya ako at nanonood.
Ngiting-ngiti si tiyo sa akin nang magsunod-sunod ang panalo niya. Ang sabi nga niya sa'kin, ako raw ang swerte sa buhay niya.
Otang na loob ko ang lahat kay tiyo kung ano ang narating ko ngayon, kaya ganito na lang ang pagnanais ko na makuha ang hustisyang ipinagkait sa kaniya noon.
Nang makarating kami sa pilipinas ay nagkaroon si tiyo ng maliit na puhunan para magsimula ulit, sa murang edad ko'y alam ko ang lahat ng pinagdaanan niya.
From scratch to riches.
Hanggang sa mamatay siya, kasagsagan 'yon ng pag-angat ng pabrika niya sa pilipinas.
"Hijo, ipangako mo sa akin, ipaghihiganti mo ako sa mga Shaw, gawin mong lahat para pabagsakin sila!"
"Opo." Iyon ang huling pag-uusap namin ni tiyo bago pa ito tuluyang mamatay.
Nag-iisa akong magluksa noon, mabuti na lang at nandoon ang apat na naging kaibigan at kapatid ko, sina June, Jill, Jeb at Jay.
Nagbalik ako sa aking gunita at nakita ang seryosong mukha ni Vanna. Nakatingin ito sa akin.
"Inuulit ko lalaki, tinatanggap mo ba itong babaeng ito para maging kabiyak mo, at pinapangakong mamahalin panghabambuhay?"
Doon ko napagtanto na kanina pa pala akong wala sa sarili.
"I...I do, father." Sagot ko. Para namang nabunutan ng tinik ang mga taong nandoon dahil tense na tense sila kung bakit daw wala akong reaksyon kanina pa. I am daydreaming about my past in the middle of our fucking matrimony.
"Ikaw naman babae, tinatanggap mo bang maging asawa itong lalaking ito sa hirap at ginhawa?"
Ngumiti si Vanna ng pagkatamis-tamis. Naramdaman kong pinisil pa niya ang kamay ko bago magsalita.
"Opo father."
Matapos ang pagsagot niya'y tila nabunutan ako ng tinik. I was filled with different emotions that time, knowing that the father is now telling me to kiss her infront of everyone.
Damn it!
Kanina pa ako nagpipigil na halikan siya.
Ang now, slowly...slowly...we sealed each other's lips with a solemn kiss—of lies.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon