Chapter 20

879 65 40
                                    


Vanna's POV


"Shit! Nasaan ako!" Agad akong bumangon pero naramdaman ko ang pagkahilo. Shit talaga! Hindi ko alam kung nasaan ako.
Napalinga ko sa lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nakita ko ang bubong, isang yari sa kahoy na haligi, tila umuulan dahil naririnig ko ang patak ng tubig sa baldeng nasa tapat nito.
"Oh gising ka na pala..." Nalingunan ko ang boses ng lalaki. Nang nakita ko ito ay mas lalo akong nabigla. It's not happening. Baka namamalikmata lang ako.
"It's you..." manghang sambit ko kay Allan. Ang aking first love. Ang lalaking ginawan ko ng malaking kasalanan. My parents kicked him out of school, rason para hindi na ito makapagpatuloy sa pag-aaral niya.
Napahawak ako sa sariling dibdib. I am so sure na siya ang lalaking tumulong sa'kin noon.
"Allan..."
Ngumiti ito saka naglakad palapit sa akin. Hawak nito ang tasang may lamang kape.
"Masaya ako na kilala mo pa rin ako." He said as he sit infront of me. Hindi agad ako nakapagsalita. Tila nawala yata ang boses ko habang tanaw ang malaking pagbabago niya.
He still had these tantalizing brown eyes that suits his thick brows, maganda ang hulma ng kaniyang mukha, na umayon sa kaniyang matangos na ilong. Hindi gaya noon, na ang balat niya'y 'sing puti ng mga anak-mayaman sa eskwelahan, ngayon ay tilaw ang pagiging moreno niya. May balbas rin ang bibig niya papunta sa magkabilang pisngi. Medyo makapal na rin ang dati'y naka-regular cut na buhok nito. Nakasuot ito ng puting T-shirt at isang grey jogging pants.
"I'm sorry, Vann. Dinala kita dito sa boarding house ko, hindi ko kasi mahagilap kung sino ang mga kasama ko kagabi, tapos umulan din nang malakas kaya sinama na kita dito.
"Wait, nandito ka sa Baguio?" nilinga ko ulit ang naghihikaos na sitwasyon niya.
"Oo, nandito ako sa Baguio, dito ako na-assign sa branch namin, bartender ako sa bar. Katunayan nga kagabi, pauwi na ako galing sa shift ko...nang nakita kita sa labas." Marahan itong tumawa saka umiling.
"Ang laki ng pinagbago mo," dugtong pa niya sa'kin. Kunot-noong tiningnan ko siya.
Ano naman ang nagbago sa'kin, aber?
"What?" isinatinig ko ang tanong sa'king isipan.
He sip his coffee and replied. "Mas gumanda ka lalo ngayon, pansin ko rin na marunong ka na palang uminom. Tapos hindi ganiyan ang sinusuot mo noon, ni mag-aliw sa cafeteria noon, hindi mo ginagawa...nagtataka lang ako na nandoon ka sa bar kagabi." Sabi pa nito. I bit my lower lip. Tama siya, ang laki ng pinagbago ko ngayon kaysa noon.
I used to be prim, elegant, too-controlled...lady. Lahat ng sinasabi nila papa ay ginagawa ko. Bawal 'yan, bawal 'to, bawal lahat!
I shake my head and held my head up high. I smiled back to his words. "I'm old enough now to stand myself, Allan. I'm an adult now...katunayan nga, I'm already..." Hindi ko nadugtungan ang salita. Dala na rin ng emosyon ko kay Magnus. Dala ng lumbay at pagkadismaya.
"Already?" Allan asked.
I shake my head. "Nothing..."
He asked me about the breakfast, inasikaso ako ni Allan sa oras na 'yon. Nagpatuloy kami sa pag-uusap, nalaman kong siya na pala ang naging bread-winner ng pamilya nila. Namatay na raw ang mama't papa niya, saka may kapatid daw siyang pinag-papaaral niya sa kolehiyo, kaya naghihigpit siya ng sinturon. May apat pa siyang mga kapatid, at bilang panganay, siya na ang sumalo sa lahat ng responsibilidad na naiwan ng kaniyang mga yumaong magulang.
They didn't step back to their business, nalugi ang kompanya nila, rason umano kung bakit nabaon sila sa otang.
I felt guilty to what happened to his life, alam kong may ambag ako sa pasakit niya, dahil ang mga magulang ko ang gumawa ng mga pasakit niya noon.
I knew that my parents banned his father to any loan banks, or investment groups, rason para hindi makabangon sa otang ang pamilya ni Allan.
Nawalan din ng scholarships ang mga kapatid nito, and as what I found out recently, namatay sa depression ang mama nila.
"Kumain na tayo," yaya nito sa'kin. Nasa maliit na lamesa na kami sa oras na iyon, nakalagay 'yon sa may paanan ng kamang hinigaan ko kanina. Iisang kwarto lang 'yon, at nandoon na ang kama, lamesa para sa pagkain, isang maliit na hugasan ng Plato at isang banyo na nasa gilid, at tinatabonan lang ng isang kurtina. Naka-floormat ang sahig nito, ngunit pansin kong marami nang punit iyon. Walamg kisame ang bubong niya, rason na diretsong tumutulo ang tubig ulan sa sahig. Kaya siguro nakaantabay din ang balde para saluhin iyon.
Napalunok ako ng sariling laway.
Hindi ko inakala na ganito ang kalalagyan ni Allan. He didn't deserve this.
"Kain na..." hindi pa rin napapawi ang ngiti ni Allan sa akin, inilahad niya ang nilutong itlog, saka hiniwang kamatis. Nilagay niya ito sa toyong may suka para sa sawsawan. Nagluto din siya ng instant noodles para umano may sabaw akong mahigop, masarap umano ang sabaw sa mga may hang-over.
Nanlalambot ang puso ko sa nangyari kay Allan, i felt that there's crashing inside my heart with a sharp object, pinupukpok nito ang puso ko.
Pero kahit ganito ang sitwasyon niya'y nakuha pa niyang ngumiti. Gaya ng ginagawa niya ngayon sa akin.
"Ito o, higupin mo habang mainit pa." Sabi pa nito na sinasandokan ako ng sabaw ng instant noodles sa isang maliit na bowl.
"Oh, heto." Agad niyang binigay sa'kin.
Hindi ko maitago ang damdamin ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa oras na iyon, malayang tumutulo ang luha ko habang kaharap si Allan. He is still treating me the same way as he is before.
"Oh, ba't ka umiiyak?" natigilan ito.
"Why you're still so nice to me, Allan? Kahit na malaki ang kasalanan ng pamilya ko sa'yo, kahit na ilang ulit na kitang sinaktan noon. Why you're still doing this?"
Ilang minutong tumahimik ang paligid namin.
Sa pagkakataong 'yon, marahang hinawakan ni Allan ang kamay ko. Ngumiti ito saka nagsalita.
"Hindi naman dahil nasaktan ako noon, ibig sabihin na hindi na kita pahahalagahan, Vanna. Kahit sabihin mong manhid ako, hindi ko kayang magalit sa babaeng rason kung bakit pa rin ako nabubuhay at lumalaban..." Sa sinabi niya'y mas tumulo ang luha ko sa inis.
Bakit ba kasi ang bait mo Allan? Himutok ko sa sarili.
Mapait akong napangiti sa kabila ng luhang dumadaloy sa aking pisngi.
"You're idiot!"
Ngumiti lang ito saka matamis na ngumiti.
"Yes I am."
"Nakakainis ka," dugtong ko pa sabay kurot sa palad niya.
"Oh bakit na naman?"
I pout my lips. "Bakit hindi mo ako ipinaglaban noon!" naibulalas ko ng wala sa sarili. Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.
"I tried, but I failed." Tipid na sambit niya sa'kin.
Yumuko ito saka muling humugot ng isang malalim na hininga.
"Ang hirap mo kasing abutin, ang tayog mo, Vanna. I am nothing compared to your wealth. Mas pinili kong lumabayan ka, kapalit ng pangako ng pamilya mo sa'kin."
"Did they paid you for that?"
He shake his head.
"No."
"Then what are you saying about that promise?"
Sansala ko saka nagpunas ng luha.
"They promised me, na kahit nagkamali ka sa'kin noon, they will still love you at hindi ka nila sasaktan. Na makakapagtapos ka sa kolehiyo, at magkakaroon ng magandang buhay. At alam kong nagawa nila iyon...dahil nakikita kitang masaya na ngayon."
"You're wrong!" sabi ko pa saka umiling-iling.
Hindi mo alam ang pinagdaanan ko! Sigaw ng utak ko.
"I tried to escape, I tried to run away, Allan. Gusto kong sumama sa'yo noon, but they found me."
"Lahat ng nangyari sa buhay na'tin ay may rason, Vanna. Kaya kahit sabihin mo man ang lahat ng 'yan, I can't bring it back to correct now. You have your life, I have my own." Sabi pa nito sa'kin saka hinawakan ang kamay ko.
"Masaya ako para sa'yo, Vanna. Sana'y maging masaya ka na rin para sa akin."
Sa sinabi nito'y mas naiintindihan ko na ngayon ang lahat. Kahit masakit malaman ang nangyari, kahit masakit na marinig ang lahat ng 'yon sa unang lalaking minahal ko, ay nagkakaroon na rin ng kaliwanagan ang isip ko.
"Sige." Sabi ko pa rito saka ngumiti.
Pinagsaluhan namin ang instant noodles at fried egg na nandoon. Nagpatuloy kami sa pagkakamustahan at pag-uusap sa mga buhay- buhay namin. Inalok ko siya sa business ni Paris. Napag-usapan kasi namin ni Paris noon na gusto niyang magbukas ng Bar dito sa Baguio at naghahanap siya ng isang maaasahang Manager.
"I will recommend you, Allan." Sabi ko pa rito. I saw how he lightened up his face. Nakakatuwa dahil kahit ganito ang estado ng buhay niya, nagpapasalamat pa rin siya kasi, he learned to be in the ground. Alam na raw kasi niya ang buhay sa itaas, kaya sa nangyari sa kaniya, mas nagpapasalamat siya dahil natuto siyang gumapang at bumangon ulit.
Matapos n'on ay inihatid ako ni Allan sa address ni Paris. Hindi na nga namin napansin na pasado alas onse na pala, malapit na ring mag-lunch.
Sumakay ako sa motorcyle ni Allan, kaya mabilis kaming nakarating kina Paris. Hindi ko rin sila natawagan kanina dahil nawala ang phone ko, tiyak nasa bar ito kagabi.
"Dito lang ako, Allan." Sabi ko pa habang tinuturo ang kalapit na gate sa resthouse ni Paris. Agad namang bumungad sina Raquel at Romary sa gate.
"Hoy santisima! Vanna! Bakit ngayon ka lang!" natigilan ang paghuhurumintado nila nang makita ang lalaking kasama ko. Nakita kasi nila ang picture noon ni Allan na nasa wallpaper ng phone ko.
"Oh my god! Vanna! Siya ba 'yan?" natutop ni Raquel ang sariling bibig. Gan'on din si Romary na mas lumuwa yata ang mata nang nakita si Allan.
"Girls, meet Allan."
"Hello!"
"Hi, nice meeting you...uh, hindi na ako magtatagal, Vanna. May shift pa ako e." Agap naman ni Allan na agad sumampa sa motor niya.
"Sige, salamat ulit ha. Ingat ka!" sabi ko pa saka kumaway. Mabilis na nagpatakbo si Allan sa oras na iyon, habang papalayo na siya'y nandoon pa rin kami sa labas.
"Vanna. Hurry! Pumasok ka na, nasa loob si Magnus!" nawala ako sa huwisyo sa narinig mula kay Romary.
I checked their face. Tila kabado ang mga ito. Kinabahan tuloy ako kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang isasagot ko kung tatanungin ako ni Magnus.
"Tara na!" mabilis kaming tumakbo papasok sa resthouse. Doo'y nakita ko si Magnus na nasa malaking bintana. Nakatayo lang ito doon. At mas kinabahan ako dahil kanina pa pala siya nakatingin sa amin sa labas kanina.
"Magnus..." dahan-dahan akong lumapit.
Marahan siyang lumingon sa akin. Hindi ko alam pero parang nanlalambot ang tuhod ko sa istilo ng tingin niya. Nakakatakot iyon, tila papatay siya ng tao.
"Vanna....sino ang lalaking 'yon?" malutong na tanong nito sa mukha ko. I swallowed hard and let the moment to pass. Tahimik ang paligid sa oras na 'yon, tila naririnig ko ang tibok ng puso ko.
Shit Vanna! Speak up! I said to myself.
"Vanna?!" Pasigaw na untag nito sa akin.
"He's my friend!" mabilis na saad ko rito.
"A friend? That's just a friend? Magdamag kayong wala dito, did you know that I waited you long enough, dahil nawawala ka raw sa bar kagabi. Tapos sasabihin mong kaibigan mo lang 'yon?" tila dagundong na sambit ni Magnus sa mukha ko.
Nasa gilid lang ang apat kong mga kaibigan at tila wala silang lakas na awatin si Magnus. Nakakatakot ito. Humalukipkip lang sila sa gilid, at takot din na kumontra sa isang halimaw na gaya ni Magnus.
"Tell me Vanna! Are you playing foolish whenever I'm not around? Speak up! Ginagago mo ba ako!?" Mas dumagundong ang boses nito dahil dahan-dahan itong lumapit sa'kin.
Dahil sa takot ay naipikit ko ang aking mga mata. I cried in silence. Naiyak na lang ako sa oras na 'yon. Naiyak ako dahil kahit walang nangyari sa amin ni Allan, alam ko sa sarili ko, that I didn't think to myself na may asawa na ako, that I have Magnus.
"I'm...I'm sorry, Magnus." Nasambit ko habang humihikbi.
Tatanggapin ko kung pagbubuhatan niya ako ng kamay ngayon. Handa na ako.
Sanay na naman ako e.
Pero laking gulat ko nang maramdamang lumapit ito sa akin at mariing pinunasan ang mga luha ko. Hinalikan niya ang noo ko, saka mahigpit na niyakap.
"I'm sorry too, Vanna. I'm sorry." Oh shit! It makes me calm. It soothes my heart.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon