Magnus' POV
Nakarating na kami sa private helipad sa Aklan sa oras na 'yon, maghihintay na lang kami sa aming sundo. Napansin kong tahimik lang si Vanna at parang wala sa mood. Katabi ko naman si Ysay na nahimbing dahil sa sobrang pagod. Pinagpahinga ko muna ito dahil may oras pa naman.
Pumunta ako sa gilid ni Vanna at tumabi.
"Hey, are you still upset?"
Hindi siya tumingin, nanatili lang siyang nakatingin sa kawalan.
"I'll help you, I ask my friend about your brother's name. Pinapahanap ko na siya." Sa sinabi ko'y medyo nakuha ko ang atensyon niya.
"Really?" Medyo wala sa timplada ang mukha niya.
"Yes. Now, if you want me to help you, please treat me better, h'wag mo akong simangutan."
"Fine. Madali naman akong kausap." Sabay ngiti nito nang kontodo-todo. Madali niyang kinulikot at piningot ang taenga ko.
"I need a sooner update, okey?" dagdag pa nito saka ngumiti ulit.
"Let's go." Sabi ko sabay hila sa kamay niya.
Mabilis naman itong tumayo. I decide to carry Ysay and continue, sabay kaming pumanaog sa airplane saka sumakay sa naghihintay na sasakyan.
Vanna hold my arms as she let me guide her. I don't know but, my feeling is foreign for me. Nahilig siya sa balikat ko saka nagsalita.
"Hindi ka naman pala selfish, Magnus. May puso ka naman pala."
"Of course."
She chuckle. "Sana palagi kang ganito, para magkaintindihan tayo."
"As you said, madali naman akong kausap."
Sa biyahe namin papuntang resort ay panay kwentuhan kami tungkol sa mga gusto niya. She even told me that she admire me how to handle things, and people like Ysay. Kung hindi pa nga niya sinabing may paternal instinct daw ako, ay baka hindi na ako maniwalang pwede na akong gumawa ng pamilya. She's been talking stranged and straight forward. That's why I like her more.
"We're here." Sabi ko pa. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Kasabay n'on ay ang pagbukas ng driver sa amin para kunin ang mga gamit saka i-guide kung saan kami papunta.
Nang makababa ay agad kaming sinalubong ng staff, we decide to rent the whole villa resort for one week.
"Welcome to Haven's Lair Resort, we hope you enjoy staying here, ma'am, sir." Salubong ng head ng villa. Matamis ang ngiti nito sa amin.
"Thanks." Sabi ni Vanna saka nilinga ang paligid.
"The ambiance is peaceful, I hope you have some spa here, I need some service."
"Yes ma'am, we have. I'll arrange a schedule tonight," agap naman ng head staff.
"Including me." Dagdag ko sa pag-uusap nila.
"Alright sir, noted."
Masiglang responde nito sabay lahad sa daan papuntang grand patio. Papunta iyon sa kwartong napili nila sa amin. Malawak iyon, a hut type villa that sorrounds open balcony and a circular lounge area na pwedeng-pwedeng magchill at magpahangin.
Yari ito sa native materials, but the interior design is well-equipped, and upgraded. Mas maaliwalas pa ito dahil sa mga punong nakapalibot at magagandang bougainvilla flowers. The vibe is welcoming us.
Napansin kong nagising na si Ysay. Kinusot-kusot nito ang sariling paningin.
"Nasaan na po tayo?"
"We're here."
"Sa langit po ba?"
Natawa si Vanna.
"You silly," Vanna tapped her head. "Gising na, pwede ka nang kumain ulit, maraming foods dito."
Sa sinabi ni Vanna ay mas namilog ang mga mata ng paslit. "Talaga po?"
"Yes." I replied.
"Uh, manong, pwede po bang magpaluto ng aroz caldo, 'yong may mani po ha."
Kumunot ang noo ko, anong Aroz Caldo naman ang may sahog na mani? Damn it! Ibang mani kasi ang naiisip ko.
"Serve her well, baka mag-warshock 'yan 'pag gutom." Biro pa ni Vanna.
Nauna na ito sa kwarto. Nanatili naman si Ysay sa akin habang kinakalabit ang manggas ng suit ko.
"Manong, naihi po ako." Sa sinabi nito'y nailing na lang ako. I don't have any background pampering a child, but, buti na lang at to the rescue ang head staff doon at inasikaso si Ysay. I just observe her if what to do, to what to use and how to make those pampers, powders, changing dress and wiping parts of a kid.
Nasa changing room kami ng villa, nakatingin lang ako sa staff.
"Hindi po ba marunong si maam, sa anak ninyo? Parang malayo po yata ang loob ng bata sa asawa mo sir." Puna ng staff.
Hindi ako naimik, ganoon din si Ysay na napangiti lang sa akin.
"Kung ako po sa inyo, kumuha na lang po kayo ng personal nanny, kasi bata pa masyado ang anak n'yo, baka po kasi mawala, o hindi maasikaso, tingin ko pa naman sa inyo e...busy po kayo sa mga works, lalo na si Maam, model po ba si ma'am?" Na-iintrigang tanong nito sa akin.
Umiling ako. "No, she's just a businesswoman."
"Ah, akala ko po model, ang ganda po kasi, no wonder, siya po ang inasawa mo sir, hindi nga halatang may anak na." Turo pa nito kay Ysay, claiming na ito kuno ang anak namin ni Vanna. Pigil-tawa akong nailing sa pinagsasabi ng staff. Buti na lang at nasa mood ako para magbiruan.
I didn't find her irritating, pero kung siguro'y si Vanna ang nakarinig ng mga pinagsasasabi niya, baka kanina pa ito ginilitan ng leeg.
"Ayan po, tapos na." Sabi pa nito sabay bigay sa'kin kay Ysay.
"Thank you so much."
"Walang anuman, sir."
"Here." Abot ko pa sa kaniya.
Nanlaki ang mata nito sa binigay kong US bill, I just find her funny and reliable kaya nilakihan ko ang tip nito.
"Naku, sir. Maraming salamat talaga, isang taon ko nang sahod ito..." napayakap pa siya sa akin.
Sakto namang pumasok si Vanna sa eksena saka nagpapalit-palit ng tingin sa amin ng head staff.
"Magnus. Come inside." Medyo walang emosyon na tawag ni Vanna sa akin.
Agad naman itong tumalikod.
"Ay hala, naka-tiger look si Ma'am. Sorry po sir." Awat naman ng staff saka lumayo at pinagpag ang suot ko.
"Don't worry. I'll handle this." Ngiti ko saka kinarga si Ysay.
Sinabihan ko naman ito na maglaro muna siya sa playroom para masolo ko si Vanna.
Nang makapasok ako ay ganoon din ang ginawa ni Ysay papunta sa kwarto niya.
"Someone will give you the food, okey?"
"Sige po, manong." Sabi nito sabay sara ng pinto.
Pumunta ako sa poolside, nakita ko si Vanna na naninigarilyo. Nakatalikod ito at matamang nakatingin sa malayo. Hinihintay nito ang presensya ko.
"Hey." Napansin niya ang pagdating ko.
She turned around and it makes me feel nervous. Suot lang kasi nito ang two piece bikini at isang robe na tumatabon doon.
"What do you need?"
"I'm going to the spa, 'di ba ang sabi mo'y sasabay ka?"
I just remember what I said earlier. Tama, kamuntikan ko nang makalimutan, kanina pa kasi ako wala sa sarili, idagdag pa ang gaya niyang nakakabuhay ng dugo. Siguro'y kapag nakasama ko pa siya ng mas matagal-tagal ay baka hanap-hanapin ko na siya araw-araw.
"What?" Natigilan ako. Kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya.
Tumalikod ito. "Come on," sabay hagis niya sa robe na dapat ay susuotin ko.
Nagmamadali akong sumunod sa kaniya saka walang imik na nakiramdam.
Papunta kami sa spa lounge nang mapansin kong walang katao-tao roon. Nilinga namin ni Vanna ang paligid.
"Maybe we just need to wait more," sabi ko sabay upo sa wooden chaise na nandoon. Medyo magtatakip-silim na kaya mas lumalamig ang hangin. Open area pa naman ang lounge.
Naupo si Vanna. Tinanggal niya ang suot na robe. "Ang init."
Umiwas ako ng tingin. Siguro'y sinasadya nito ang patakamin ako sa halos hubad na katawan niya.
"Malamig nga e."
She shake her head. "Mainit, maalinsangan, I want to take off these." She even tease me showing off the strings of her bra.
"Vanna."
"What?"
"I am here."
"I know. E ano naman? Don't tell me, you're afraid to nude women? Akala ko ba'y sanay ka na?"
"No, what I mean is...have some decency. Ako lang ang dapat masunod kung kailan ko gustong makita 'yan, not now." Mahina ngunit malumanay na sambit ko sa kaniya.
Nakita ko kung paano siya umayos at nag-iwas ng tingin. I don't find Vanna as those women I tasted before, hindi siya kapareha ng mga babaeng naikama ko na. Para sa kaniya, may respeto ako. At gusto kong ipakita sa kaniya na kahit arranged marriage lang ang concept namin, I will do it with respect for her.
Vanna's POV
Natigilan ako sa sinabi ni Magnus, ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. He has a guts to tell me those words. Alam kung lalaki siya, alam ko ang pangangailangan ng lalaking gaya niya. But, what makes me surprise is her clean conscience.
Hindi ako umimik, tila nawalan ako ng boses. Buti na lang at dumating na ang mga staff ng spa.
Dala na nito ang mga liquids na gagamitin.
"Hello po, sorry if natagalan kami." Paumanhin ng lalaking masahista.
"Come here. Ikaw ang gusto ko." Tawag ni Magnus dito.
"Ikaw naman sa kaniya." Sabi naman nito sa kasama ng lalaking masahista, babae ito. Nafe-feel ko tuloy ang pagiging over-protective niya. Ayaw nitong lalaki ang magmasahe sa akin.
Matapos ang magmamasahe ay tumuloy kami sa kwarto para makapagpalit, may dalawang banyo ang nandoon kaya tig-isa kami ni Magnus. After that, ay tinawag na niya ako para sa hapunan. Si Ysay naman ay nawili sa paglalaro, at ang sabi'y busog pa ito dahil sa kinain kanina.
Nasolo ako ni Magnus sa oras na iyon. Actually, I really feel special whenever Magnus is with me. Hawak-hawak niya ang kamay ko sa oras na iyon, patungo na kami sa resto ng villa. And as I didn't expect, may candle-light dinner ang nandoon at may mga roses pa, the ambiance is perfect, lalo na't open-air ang resto. Nakaharap ito sa dagat with a perfect sheer of moonlight above.
Ipinaghila niya ako ng upuan at maagap na umupo sa harapan ko. He smiled at me, as if it melts my heart also. Ewan ko ba pero ang lakas talaga ng karisma ng bwesit na ito.
Hindi pa nagtagal ay narinig ko ang pagtugtog ng violin sa kung saan. Nilingon ko ito. May violin music pa talaga.
After a moment ay nakita ko na lang si Magnus, handling me a bouquet of red roses.
Sheyt! Sambit ng utak ko. Kanina ko pa pinipigilang 'di makilig pero abot-abot na sa expectation ang nangyayari.
The waiter serves us the wine.
Nang matapos 'yon ay nagsalita ang mokong.
"How is it?"
"Ten over ten." Ngiti ko pa. He never fail to surprise me.
"Let's eat." Sabi pa nito saka naghiwa ng steak. I am wearing my smile that time. The perfect dinner is not about the set-up, but the man doing this to make me feel that I am worth enough to have this.
"Thanks." Sambit ko pa.
"Wait, come here." Natigilan ako nang medyo lumapit si Magnus. He extend his left arm, wiping the side of my mouth.
"You have sauce."
Saglit kaming nagkatitigan. Nakita ko sa mata niya ang pagnanasang tila tinatago niya sa kaniyang sarili.
"Magnus."
"Yes, Vanna?"
"Can I demand something?"
"Yes?"
"Kiss me."
Sa sinabi ko'y mabilis niyang inabot ang batok ko at masuyong siniil ako ng halik. His lips taste like a drugs for me. Napakasarap sa pakiramdam, tila nawawala ako sa huwisyo habang ninanamnam ang lasa ng labi niya.
"You taste like steak." Biro ko pa nang maghiwalay ang labi namin.
"I just grant your wish."
Isang mahinhin na tawa lang ang sinukli ko sa sinabi niya. I admit, I am now falling into something. I just need to find out if what is it...
"What are you thinking?" Nahinto ako nang mapansing kanina pa niya ako tinitingnan.
I just shake my head. "I am thinking a buffet of breakfast in the beach tomorrow," I saw how he smile. Sinusubukan ko ang reaksyon niya.
"Will do." He's just smiling at me.
"You never fail me, Daviro." I smiled back.
"I'm just doing this for my future wife."
Hinawakan pa niya ang kamay ko.
"Let's sleep together tonight."
Damn it! Nawala yata ang boses ko sa sinabi niya.
"Why?" Tanging nasambit ko.
Mas naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, pinisil niya iyon.
"I want to see you sleep, and wake up beside me in the morning."
It left me speechless.
BINABASA MO ANG
Magnus My Mafia Boss Husband
RomanceVanna Shaw is a woman who build the Secret Territorial Group in Spain, she own all of the contraband units who handle carriers, securities and public dispatchers of their assets. She is one of the five women who runs the group, thus, she knew that...