Chapter 46

634 43 26
                                    


Vanna's POV

Bumalik kami ni Magnus sa dinaanan namin kanina. May kutob siyang hindi maganda. Kung may isa kaming dapat gawin ngayon, iyon ay ang pagkatiwalaan si ginang Catriona.

She's in the hospital now.

Kailangan naming magmadali.

"Hurry, Magnus. Baka maunahan tayo ng mga kalaban."

"I am." Sambit nito na hindi mapirme habang nagmamaneho. Balisa ito, alam kong nangangamba siya para sa akin ngayon.

Napansin ko ring nanahimik si kuya Jay. Kahit may benda na ito sa tiyan, ay alam kong nahihirapan ito.

"Kuya, please huwag kang matulog. Papunta na tayo sa hospital." Sabi ko pa habang hawak ang kamay nito.

Mapait itong ngumiti saka humawak pabalik sa kamay ko. "I'm sorry, Vanna."

I shake my head. "Shh, don't be sorry, alam kong ginawa mo lang iyon para mapabuti ako."

"Huwag ka sanang magalit sa'kin, Vanna."

"I won't." Ngiti ko sa kabila ng mangiyak-ngiyak na mukha.

Niyakap ko si kuya, gusto kong maibsan ang nararamdaman nitong sakit. Nakita ko mula sa rear mirror ang pagtingin ni Magnus sa aming gawi. Alam kong apektado rin si Magnus lalo pa't kapatid na rin ang tingin niya kay kuya Jay.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hospital, kung tatantyahin ko, ito ang hospital na malapit sa mansion ni ginang Catriona.

Mabilis na nag-park si Magnus sa parking lot saka binuksan ang pintuan. Inalalayan niya si kuya Jay na noo'y paika-ika kung maglakad dah sa sugat sa tiyan. Nakasunod lang ako sa kanila. Mabuti na lang at nandoon ang mga hospital staffs at nurse na agad kaming inasikaso papasok sa emergency room.

Nang makapasok sina Magnus at kuya Jay ay ako naman ang kinausap ng staff.

"Anong nangyari sa pasyente?"

"Nasaksak po."

"Saan banda?"

"Sa tiyan."

"Kaano-ano mo ang pasyente?"

Hindi ako nagdalawang isip na na sumagot.

"Kapatid n'ya po ako."

"Sige po, ano pong pangalan ng kapatid n'yo?"

"Jay..." bahagya akong tumigil dahil hindi ko alam ang gamit na apilido nito.

"Jay? Ano po ang apilido?"

Napakagat-labi ako habang tarantang sinisipat ang kwarto kung nasaan sinasalba si kuya Jay.

"Jay Daviro po." Ito ang naisip kong apilido ni kuya, kung gamit ni Magnus ang apilido ng kaniyang tiyo, malamang nagamit rin ito ni ginang Catriona noon.

Kahit hindi ko pa lubos na nauunawaan kung paano, at bakit nagkaganoon ang takbo ng lahat, alam kong malalaman ko rin sa takdang panahon.

"Okey, maam. Salamat." Iyon ang sambit nito sa akin bago pa pumunta sa nurse station. Naiwan ako sa bahaging iyon habang tinitingnan sa pintuang natatabingan ng puting kurtina.

Lumapit sa akin si Magnus mula sa likuran at hinawakan ang kamay ko.

"Magiging maayos din ang lahat, nahanap ko na siya..."

Napalingon ako sa kaniya.

"Nasaan siya?"

"Nasa ward na, nasa second floor. Nagpapahinga." Tipid na sambit ni Magnus sa akin. Alam kong gusto niyang puntahan ko si mama sa itaas.

Isang tango ang ginawa ko rito.

"Dito lang ako sa ibaba." Ani nito sa akin.

Tipid na ngiti lang ang ginawa ko saka tinahak ang hagdanan na nasa kalapit na kwarto ng emergency room.

Bawat pagtahak ko sa hagdanan ay tila bumibigat ang lahat, na parang bawat pag-yapak ko paitaas ay tila may kung anong humihila sa akin, na huwag nang tumuloy. May parte sa puso ko na ayaw pumunta doon. May parte sa puso ko na nagdadalawang isip na humarap sa kaniya. Pero kailangan kong malaman ang lahat. There's no other option for this.

"You need to do this, Van." Sambit ko sa sarili na noo'y binilisan ang pag-akyat. Nang makapunta sa nasabing kwarto, ay nabungaran ko agad ang mga pamilyar na mukha ng guwardiya nito.

"Maam Vanna!" gulat na sambit nito sa akin.

"Where's my...mom?" sambit ko sa mga ito na siyang nagulat, at halata naman 'yon sa reaksyon niya.

Dahan-dahan akong pinagbuksan ng mg ito sa pintuang nandoon. Nang mabuksan iyon ay tila mga makinarya ang paa ko na agad naglakad patungo sa loob, na para bang may sariling pag-iisip ang mga ito.

Nakita ko ang walang malay na pigura nito. Nakahimlay sa kulay puting kama habang tabon ng puting kumot ang bandang beywang nito pababa.

May oxygen na nakakabit dito at mga makinaryang nagsisilbing monitor sa heart beat, oxygen at iba pang rates ng katawan nito. I know that she's weak. Hindi maganda ang kulay nito, kahit noong nagkita kami noon ay pansin kong natatabunan lamang ng make up at lipstick ang kulay nito, pero kahit gan'on, nakikita ko ang kamay nito at braso na tila walang kulay ito at maputla.

Hindi ko alam na may iniinda na pala itong sakit.

I didn't know that I am now in her side. Ilang inches na lang ang pagkakatayo ko mula sa higaan nito.

Tatalikod na sana ako dahil hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin nang makiita kong nagmulat ito.

Maging ako'y nagulat din at bahagyang napaatras. "I...i...am here to..."

"Vanna..." sambit nito. Nag-struggle ang puso ko that time, my heartbeat awkwardly beating irrational and I am convince that she take not my sight but my emotion.

Ayokong mag-breakdown sa harapan niya.

I don't want her to see me weak, or barely intimidated with her eyes. That eyes!

Sa pagtitig niya sa akin, ay may mumunting alaala ang nakita ko. It's flashing in my eyes right now. Those eyes!

No, that can't be!

Mayroon din siyang berdeng mata na gaya ko!

"Vanna..." muling usal nito sa akin, trying to reach me.

"Mi niña..." ulit nito sa akin.

Hindi ko nakayanan ang pagtitimpi. Iyon ang naalala kong tawag sa akin ng aking mama bago ako nawala sa barko, bago ako nawala sa pier.

That's her voice, the voice I recall. My ever precious memory I kept after i lost them.

"Ma..." humagulhol ako habang patakbong niyakap siya sa kaniyang hinihigaan.

"Anak... anak ko..." Paulit-ulit na sambit nito sa akin. Those hugs, those warm embrace reminds me how my mother hug me before. Naalala ko ang lahat kahit pa sa mumunting memoryang naiwan sa aking isipan.

She is my real mom.

"Ma, I'm sorry." Iyon ang bukambibig ko habang niyayakap siya.

"Shh, it's alright. Ang importante'y nandito ka na." Mas lalong umagos ang luha ko sa sinabi niya.

She slowly reach my face and smile. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga mata ko. She cup my face and stare at me.

"Ikaw nga...you're my daughter. Mi Nina, Vanessa Cassandra..."

Napatitig ako sa sinabi niya. Kung gan'on that was my real name.

"Vanessa Cassandra?"

"Yes, hija. That is your real name. Pinagsama namin ang pangalan ng papa mo. Vanessa Catriona at Evans Casmiro Cartagena."

"Cartagena?"

Ngumiti ito. "Iyan ang tunay mong apilido."

"Kasal kami ng papa mo, nagbunga ang pagmamahalan namin ng dalawang supling. Si Jaime Casmiro Cartagena, at ikaw, Vanessa Cassandra Cartagena, but, the incident happened, nawala ka namin, pati na ang kuya mo. Hindi ko matanggap ang lahat, lalo pa nang malaman kong nagtaksil ang ama mo sa akin. I tried to commit suicide, nagpahulog ako sa barko at doon nawalan ako ng memorya. The incident erase my past, pati na rin kayo, anak. Natagpuan ako ng tiyo ni Magnus. Dahil wala akong pagkakakilanlan, but a necklace named 'Catriona', iyon ang naging pangalan ko hanggang ngayon."

Mahabang salaysay nito.

"Minahal mo ba ang tiyo ni Magnus, ma?"

Isang marahang pagtango ang ginawa niya.

"He helped me to stand again, he offered me everything. Minahal ko siya, higit pa sa pagmamahal ko sa papa mo, pero dahil sa mga organisasyong hawak niya at mga illegal na kompanya, nanganib ang buhay ko. That time, I remember the truth in myself, I asked his approval to search my children, pumayag siya. Umalis ako, kahit masakit sa loob ko. Nakita ko kayo, I was disappointed when I saw you living in the mortal enemy of Maximo, alam kong madadamay ka kapag naghiganti ang tiyo ni Magnus sa pamilyang Shaw dahil nandoon ka." She wiped her tears not to fall.

"I hired a group to be the middle enemy, para huwag mabaling ang galit ni Maximo sa mga Shaw. But, the group I hired turned their back from me, someone hired them to destroy Maximo's company, to destroy everything he had. And that time, I felt guilty. Kung hindi dahil sa akin, buhay pa sana siya ngayon, sana'y hindi siya naghirap at nagkasakit."

"Pero...bakit hindi mo siya pinuntahan, bakit hindi ka bumalik?"

Nakita ko kung paano siya tumahimik.

"Ma? What happened?"

"Because of the ordeal, anak. Dahil nakasapi na ako sa organisasyon, nabigyan ako ng katungkulan, nagkaroon ako ng kapangyarihan at lahat..."

"Then why you didn't do something, ma?"

"Dahil ipinagbabawal sa akin na maugnay sa lahat. Nawala ang kalayaan ko anak, sa kapalit na mabubuhay si Maximo, na mabubuhay ang mga taong mahal ko, kayo ng kuya mo."

Nabigla ako sa sinabi nito.

Kaya ba hindi ito nagpakita sa amin, kahit abot-kamay na lang pala ang pagitan naming tatlo ni kuya Jay.

"Kaya ba, pinagbabawalan mo si Magnus na maiugnay sa akin? Dahil din sa ordeal?"

Mahinang tumango si mama Catriona sa'kin.

"It's seemed that it's coming back to me right now, the fate is playing to me again...dahil sa lahat ng lalaking mamahalin at mauugnay sa'yo, si Magnus pa na siyang tagapagmana ni Maximo, at isa sa mga nakatakdang magkaroon ng katungkulan sa organisasyong kinabibilangan ko rin. He can't be with someone, anak...dahil kapag sinuway ninyo ang utos ng ordeal, isa sa inyo ang mamamatay, and knowing you both, mahal ko kayong dalawa, anak. Tinuring ko ka ring anak si Magnus dati pa. Ayokong may masamang mangyari sa inyong dalawa..." bukambibig nito sa akin, kahit pa nahihirapang magsalita.

"Ma...ano po ang dapat naming gawin? mahal namin ang isa't-isa. Hindi ko po kayang mawala si Magnus..."

Hinawakan niya ang pisngi ko at tumitig sa akin. "I know something. You must use the code of silence, kailangang mamatay kayo sa paningin namin, para mawala kayo na parang bula sa organisasyon...pero, mahirap na bagay 'yon, anak."

Dahil sa sinabi niya'y nagkaroon ako ng panibagong pag-asa.

Kung gayon, kailangan naming tumakas ni Magnus. Kailangan kaming gumawa ng paraan para mamatay kami sa paningin ng lahat.

"Maraming salamat, ma..." Hinalikan ko siya sa noo.

Muli ko itong niyakap nang mahigpit saka ako nagpaalam na aalis muna saglit.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon