Chapter 36

664 44 29
                                    


Magnus' POV

"Okey, we need to talk right now, it's about the plan," mabilis kong ipingalumbaba ang kamay at noo'y hinarap ang mga taong naghihintay sa responde ko. Itinipon ko ang natitira kong tauhan. Si Jay, si Jeb, at si Jill.

Nakaupo kaming lahat sa meeting room ng aking meeting room habang pinag-uusapan ang planong isasagawa.

"Okey, Jay, ikaw ang mauuna. Trace tita Catriona if she is the head of assassination in Maldives. Kailangan nating malaman kong kakampi ba niya ang mga piratang 'yon,"
sambit ko pa rito.

Jay just nood as his approval.

"Ikaw naman Jeb, give us the blueprint from Italy, we will decode the words written on that paper. It is our clue for this shit...kailangan kong malaman ang files na nasa flask drive," sabi ko pa kay Jeb na noo'y tumango rin at tila wala sa sarili habang naghihikab. Tila wala ito sa huwisyo, at may hang-over pa.

"Tell me, Jeb...gumagamit ka na naman ba?" tanong ko rito.

He shake his head. "Dude, I am clean." Ngisi pa nito saka ngumisi.

"...and about you, Jill, kailangan nating malaman kong nasaan na si Vanna, trace her."

"Okey Magnus, copy." Responde naman ni Jill sa akin.

Nakita ko kung paano umiling si Jeb, parang kinukutuban ako kung bakit siya masaya.

"What's funny?" tanong ko rito.

Eh kasi naman, seryoso na kaming lahat dito, habang siya'y lango sa alak at todo abala sa pagdotdot sa sariling telepono na animo'y mas importante pa yata ang ginagawa, kaysa sa pag-uusap namin.

"Jeb, are you listening?" untag ko pa bago nagcrossed arms. Jeb has a record before of being a user, mabuti na lang at nagbago na ito.

"Yes, Magnus. Don't worry, actually we will have dinner tonight with my informer," sabi pa nito na walang emosyon akong tinapunan ng tingin.

"Good," sabi ko pa while looking his smile in return.

"How about the Shaw?" sambit naman ni Jay na halatang nag-aalala para kay Vanna.

"Vitto is working on it," sabi ko pa sa mga ito.

They're settled, and ready for this massive war. Ipapatumba ko ang mga magulang ni Vanna. At aalamin ko ang mga galamay nito dito sa Madrid, Spain. Kailangan kong malaman ang mga tauhan nito, alam kong tinatago nila si Vanna. Tatlong araw nang hindi umuuwi si Vanna sa bahay. Maging si Vittos ay hindi alam ang nangyayari sa kapatid nila.

Fuck it! Huwag sanang pabayan na may masamang mangyari kay Vanna. Lalo pa't alam ko na ngayon na anak pala siya ni tiya Catriona, ang ikalawang asawa ni uncle Max.

I know that Vanna is looking to her mother, and I don't expect na nasa malapit lang pala ang ina nito, ito pala ang pinakasalan ni tiyo noon, na siyang naging mother figure ko.

"Are we adjourned yet? May tatapusin pa kami, Magnus." Sabi ni Jeb na naunang tumayo.

"Okey, you can go." Sabi ko saka bumuntong-hininga.

Hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Vanna. Hindi ko alam kung nasa Spain pa rin ba siya o umuwi siya sa Pinas. Nagtatanong na si Ysay kung bakit palagi na lang wala si Vanna, at bakit palagi akong abala at hindi mapirme sa bahay. Ayokong malaman ng bata na may sigalot kami ngayon ni Vanna, baka maapektuhan ang pag-aadjust nito sa bagong lokasyon at lenggwahe ng bansa.

Dito ko na kasi ito pinapaaral, at dito ko na rin balak palakihin si Ysay.

Nang makaalis silang lahat ay naiwan ako habang nakatutok sa laptop. Binuksan ko ang mga CCTV sa bahay, at tiningnan ang mga nakaraang araw, at ilang araw bago kami nag-away ni Vanna. Binalik-balik ko lahat ang CCTV sa bahay hanggang may mapansin akong kakaiba.

Nakita ko si Jeb. May tinitingnan ito sa may poolside. Then I zoomed it in, nakita ko si Vanna na nandoon at naliligo.

"Fuck! Binobosohan ni Jeb ang asawa ko?" Nakikita ko pa kung paano ito magjakol habang nakaupo sa may garden at natatabunan ng mga bulaklak at vases. Kinutuban tuloy ako.

Agad akong tumayo at lumabas sa silid ng meeting room. Tuloy-tuloy ako sa parking area at doon naisipang sundan ito. Nakita kong nakalabas na siya ng gate, kaya madali akong pumasok sa aking Tesla car, saka nagmaneho sa kung saan.

Pinag-igihan kong sundan ito. Nang makita ko ang address na pinuntahan nito ay mas naghinala ako dahil isa ito sa mga lugar na talamak ang prostitusyon at droga sa Spain.

"Damn it, Jeb, ano na naman ba ang ginagawa mo?" gigil na sambit ko. Nagpark ako sa tabi ng kanto, saka isinilid sa beywang ang dalawang baril.

Nang lumabas ako sa sasakyan ay isinuot ko ang sombrero at salamin sa mata. Nagsuot din ako ng ordinaryong jacket para hindi ako mapansin habang nilalakad ang eskenita kung saan may mangilan-ngilan na nagpapa-path session sa gilid ng kalsada at tila mga zombie na dahil may amats na ang mga ito habang nakatayo.

I swallowed hard as I pass by to them, saka maingat na sinundan si Jeb. Nang makaliko na ito sa isang eskinita ay mas binilisan ko ang paglalakad. Nakarating ako sa isang bakanteng gusali, napansin kong puro kargamento ito ng kung ano.

Nakita kong may mg kasamahan ito, at nag-uusap bago pa tuluyang makapasok sa isang gate.

May nagbabantay doon.

Napamura ako dahil hindi ko alam kung paano lulusutan ang mga ito.

Matarik ang gate at barikada na nandoon, kailangan ko itong maakyat para makapasok, pero ilang saglit pa ay nakita kong lumabas ang negrong lalaki habang abala sa pagdotdot ng sarili nitong telepono. Naiwang bukas ang gate. Kaya sinalisi ko ang pagpasok, may nakita akong CCTV sa mga gilid kaya minabuti kong umiwas. Ayokong makita nilang nakapasok ako, alam kong may sindikato sa loob dahil bantay sarado ang gusali.

Lumusot ako sa isang hagdanan kung saan madali akong nakaakyat sa ikalawang palapag, it has a balcony going inside, doon ko nakita ang kabuoan ng loob. Nasa itaas ako sa oras na iyon habang tanaw ang mga nandoon.

It is a drug laboratory. Nakahilera doon ang mga nakaunipormeng tao na suot ang puting kulay ng full gear suit na may mask pa. May mga karton-karton na nakafile sa gilid at mga makinaryang nagsasalin sa kabilang side. Tinitimbang iyon at papunta sa mga nagbabalot at sumusuri.

Nagmistula itong asukal na maingat na nilalapatan ng per kilo, gramo o bigat na katumbas.

"Fuck..." mahinang usal ko nang makita si Jeb sa ibaba habang kausap ang ibang empleyado at tila may katungkulan ito doon, dahil nagmamando ito sa mga trabahante.

I admit that I involved to underground world, pero wala ako sa droga, alam ko ang pasikot-sikot sa ganitong kalakalan, but I choose to have a decent earnings. Ano ang ibig sabihin ni Jeb, may sariling kompanya ito ng drugs?

I checked him doing his stuffs, at pumasok sa isang kwarto sa ibaba. Kinutuban ako na doon ang kwarto niya, gusto kong malaman kung may alam ba siya sa pagkakawala kay Vanna. Malakas ang kutob ko na may alam siya. Dahan-dahan akong bumaba. Sinundan ko siya papunta sa sulok at nakita ang isang koneksyon ng daan doon, nakita ko ang storage room at may mga nakasabit na uniforms na gaya sa mga empleyado doon. Madali ko itong sinuot at naglagay din ng mask.

Kampante akong naglakad sa daan papunta sa opisina na tinungo ni Jeb.

"¿A dónde vas?" (Where are you going?)
Narinig kong tanong ng isang empleyado doon.

"Al jefe." (To boss) Sabi ko pa.

"Bueno."

Nakahinga ako nang maluwang saka tuloy-tuloy na nagpunta sa kwarto ni Jeb.

Nang aaksyon na akong kakatok ay nagbukas ang pintuan mula sa loob, may lumabas na nakaunipormeng gaya ko.

"¿Eres el chico de la limpieza?" (Are you the cleaning guy?)

"Si." Tanging sagot ko rito.

Tuloy-tuloy ako sa kwarto at doon nakita ang bukana ng kwarto. May malawak na balwarte ito, may billiard hall, may espasyo na mauupuan, may malawak na salas at isang higaan.

Nakita ko ang pamilyar na sapin sa paa ni Vanna. Ginapangan ako ng kutob.

Napamura ako sa nakita dahil nakita ko rin doon ang sling bag nito.

"¿Estás sola?" (Are you alone?)
Narinig ko sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Jeb. Nakalagay sa bibig nito ang sigarilyo habang pinag-iigihan na makasindi ng lighter, pero ayaw gumana iyon.

"Tienes encendedor?" (Do you have lighter?)
Tanong pa nito sa akin.

Dahan-dahan kong kinapa ang tagiliran ko at maingat na kinuha ang aking bakal.

Nagulat ito ng makita ang baril ko.

"What the fuck?!" litanya niya.

Dahan-dahan kong kinuha ang mask at naghubad ng uniform. Doon lang niya narealize na ako ang kaharap niya.

Mas lumuwa pa ang mata ni Jeb nang magsalita ako at kinuha ang sling bag ni Vanna. Nakatutok sa kaniya ang baril ko.

"Nasaan ang asawa ko?" While holding Vanna's bag.

Hindi ito umimik.

"Jeb! Sumagot ka!" Ulit ko pa.

"She...she's not here." He denied.

"Naglolokohan ba tayo?" sabi ko saka kinuha ang sandals nito sa sahig.

Nakita ko kung paano siya pagpawisan nang hawakan ko nang mariin ng baril at inasinta sa kaniyang ulo.

"Don't make me wait, Jeb. Alam mo kung ano ako magalit..."

"She's not here, Magnus. She's gone."

"Nasaan ang asawa ko!"

"She dead! Itinapon namin siya sa dagat."

Nagngingitngit ang mata ko sa narinig. Para itong baliw sa harapan ko, dahan-dahan itong lumuhod habang hawak ang baril ko, hinahayaan niyang ilagay iyon sa sentro ng ulo niya.

"Kill me now, Magnus. Kill me." Sigaw pa niya.

I just stare at him without mercy.

"I want you die slowly, Jeb." Sabi ko saka agad siyang sinipa at tinadyakan.

Nawalan ito ng malay.

Agad ko siyang itinali sa isang banda, ruining his suit, leave him naked and tied. Hanging in that particular wall, nakita ko ang container ng gas kaya agad ko itong binuhos sa sahig mula sa direksyon niya papunta sa pintuan.

Nilagay ko ang lighter ko sa door knob, at naglagay ng pain sa kung sinumang magbubukas n'on ay automatic na mahuhulog ito, at maglilikha ng apoy.

Nang matapos iyon ay maingat akong lumabas. Tila walang nangyari dahil nasuot ko ulit ang uniform at nagdisguise.

Tinawak ko pa ang isang empleyado nito.

"El jefe quiere hablar contigo." (The boss wants to talk to you.) Sabi ko rito saka nilisan ang lugar. Saktong nakalabas ako sa gusali nang marinig ang malakas na pagsabog sa loob. Alam kong sa oras na iyon, unti-unti nang nilalamon ng apoy ang gusaling nasa likuran ko.

He deserve it. Alam ko nang siya ang mole sa grupo, isa lang ang mali niya— kinalaban niya ako.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon