Chapter 61

4.9K 67 35
                                    


***

Magnus' POV

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Vanna na aalis muna ako saglit, kailangan kong puntahan ang hospital na pinagtatrabahoan ni Mara. It's two hours away in our place. Pasado alas otso na ng umaga sa oras na iyon. Hawak ko ang manibela habang tinatahak ang daan. In my left hand, I am holding her calling card. I am bit excited though my nerves are crumbling. She has contact numbers, but, I insist na mas maganda pa rin kung susurpresahin ko siya mamaya. Namili ako ng bouquet ng bulaklak bilang paghingi ko ng tawad.

Hindi na ako makapaghintay sa oras na iyon.

I have thoughts that maybe she'll be furious and mad, hindi rin naman kasi biro ang halos tatlong dekada na nawalay kami.

Nang makarating sa may bayan ay nagkaroon ng traffic, so I stay in the car while waiting to go. May nasiraan yata dahil nakaparada ito sa gitna. Marami ang nainis at bumubusina sa kotseng iyon.

Nang magtuloy-tuloy na ang daloy ay nakisabay na rin ako.

Ilang minuto na lang ay makakarating na rin ako sa eksaktong hospital na 'yon.

Matulin ang takbo ko dahil maluwang naman ang daan. Hindi na rin crowded, and besides, nasasabik ako na makita ang kapatid ko.

Nang matanaw ang gusaling kinaroroonan nito ay agad akong pumarada sa parking lot. Seems that my actions are becoming flash as ever. Nagmamadali akong pumasok sa entrance saka nagtanong sa information area. I confirmed that Mara is currently on duty in third floor. Nasa nurse section siya, nasa Ob-gyne area. Papasok na ako sa elevator sa oras na iyon. Medyo siksikan ang nandoon since mas marami ang morning shifts at marami rin ang mga pasyenteng nagpapacheck up.

When the bell hits the floor, saktong pagbukas ng pintuan ay nakita ko kaagad ang nurse station, nakaharap kasi iyon sa elevator.

Abala ito habang nagsusulat ng mga prescription sa isang papel. Tatlo lamang ang nurse na nandoon. Abala rin ang dalawang babae.

Para akong hangin sa oras na iyon dahil hindi niya ako napansin habang dumaan sa harapan niya. I even clear my throat so she can look at me directly.

"Sorry sir, please stay for a while, if there's any schedule...you can..." hindi nito natuloy ang pagsasalita dahil nag-angat ito ng mukha sa akin. Halatang nagulat ito.

"Hi." Tipid na sambit ko saka inilahad ang bouquet ng bulaklak.

Nagsitinginan ang mga kasamahan niyang babae. Halatang nakikiusyuso sa aming dalawa.

"Kamusta?" tanong ko pa rito.

Pero hindi ito sumagot. Halatang masama pa rin ang loob.

"I don't know you, please stay away, I'm on duty right now..."

"Mara, please, makinig ka muna..."

"I don't know you." She even hit the note.

"It's Magnus..." Pagpapakilala ko pa.

"I don't know you, please stop." Nag-iwas na ito ng tingin.

"Makinig ka muna...nandito ako para humingi ng tawad. Please hear me out." Dagdag ko pa.

Pero matigas si Mara. Patuloy pa rin itong naglakad papalayo habang hawak ang isang clipboard.

Sinundan ko ito at mabilis na hinawakan sa kaniyang magkabilang braso.

"Stop, Mara. Stop." Mariing sambit ko rito. Nang magtama ang aming mga mata ay nababasa ko ang galit niya. Naiiyak ito.

"Mara....I'm sorry. I'm so so sorry, please, forgive me."

"Ayokong makinig sa'yo! Umalis ka na!"

"Mara, please. Ginawa ko lang ang tama! Ginawa ko lang iyon para hindi ka mapasama..." sambit ko pa rito.

"Mapasama? Anong pinagsasabi mo? Hindi mo alam ang nangyari sa akin sa hayop na matandang 'yon! Hindi n'yo alam ang hirap na pinagdaanan ko!"

"What are you saying? Anong nangyari sa'yo?" nagbabakasakali ako na mag-oopen up siya sa akin.

But, she cried all along. Hindi na niya napigilang maiyak sa oras na iyon. I even manage to hold her arms. Nawawalan na kasi ito ng panimbang.

"I hate you kuya! Binigay mo ako sa hayop na matandang 'yon! Binigay mo ako!"

"I did it just to save you, dahil ayaw namin ni tiyo na tumira ka sa langsangan kasama namin. Ayaw naming humantong ka sa sindikato..."

Medyo kumalma ito sa tumingin sa akin.

"Ginahasa ako ng walang hiyang matandang iyon! Ginawa niya akong laruan! Binaboy niya ako! Kaya tumakas ako! Tumakas ako sa poder niya, napunta ako sa kombento, at doon ako lumaki." Umiiyak na saad niya.

Agad ko siyang niyakap sa oras na iyon. Hindi ko akalain na gan'on ang nangyari. Pinagkatiwalaan namin ang matandang iyon, kaibigan ito ni tiyo, hindi namin akalain na gagawin niya ang bagay na 'yon.

"Hindi mo ako hinanap, kuya. Bakit hindi mo ako hinanap?" sambit pa nito sa akin.

"I tried to search you, Mara. Pero hindi kita nakita, I swear to god. Hinanap kita." Inaalo ko pa ito saka mas hinigpitan ang yakap. Nang mawalay kami'y agad kong hinawakan ang mukha niya, pinunasan ko ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa kaniyang pisngi.

"I'm sorry, Mara. I'm sorry."

"Kuya, kuya Magnus..." sambit nito saka niyakap ako nang mahigpit. Hindi ko akalain na sa tagal ng panahon na hinintay ko ang sandaling ito, hindi ko akalain na may mabubunyag palang kasamaan at mga taong dapat magbayad.

I told Mara that after her shift ay kakain kami sa labas. Gusto kong malaman ang buhay na mayroon siya ngayon. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari, kung saan siya naninirahan, kung may asawa na ba siya, kung sino ang dapat kung bigyan ng labor at pabuya, at kung sinu-sino ang mga tao sa paligid niya. I need to check everything about her. At kung papayag siya, gusto ko siyang kunin.

Naghintay ako until lunch time sa canteen nila, hindi rin ako na-bored sa hospital dahil tumingin-tungin din ako sa nursery, kung saan nandoon ang mga baby na bagong panganak.

Nang mag-out na si Mara ay sinabayan ko siya palabas ng hospital. I offered her a drive, ang sabi niya, nakatira lang siya sa isang maliit na apartment na malapit lang sa bayan.

"Salamat sa paghatid, kuya, pero hindi na mo na sana ako hinatid, naabala ka pa."

"It's alright, Mara. I need to know about you, bigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka. Kulang pa nga 'to sa lahat ng nga pagkukulang ko..."

Napangiti ito sa sinabi ko.

We're going to her apartment, but, I insist to go first in the mall. Bibilhan ko siya ng mga gamit niya, at kakain na rin kami since lunch time na.

"Come on, kumain muna tayo, nagugutom ka na ba?" tanong ko pa rito.

She shake her head. "Not so, masaya lang ako na makasama ka kuya, hindi ko akalain na ganito ka na pala kayaman, akala ko nga hindi ikaw ang nakita ko kagabi kasi iba ang pangalan na sinabi ng babaeng kasama mo, siya ba ang asawa mo?"

I smiled to her. "Yes. She is."

"Mahabang kwento kasi, pero oo tama ka. Nagpalit ako ng pangalan..."

"Bakit?!"

"It's not time to explain now, Mara. Pero soon, sasabihin ko rin sa'yo."

Tumango lang ito saka nakisabay na sa pagbaba. Sabay kaming pumasok sa mall at naghanap ng makakainan. Mabuti na lang at hindi rin naman maselan at metikulusa si Mara.

Napili namin ang grill house na may buffet at combo dishes. Namili kami ni Mara na nasisiyahan na rin dahil gusto niya lahat ang nandoon.

"Siguro kuya kapag nasa poder mo ako, baka tataba ako kasi kakain talaga ako nang marami."

"Well, you can eat all you want, Mara. I thought you're in a diet." Ngiti ko pa.

Umiling ito. "Hindi ako diet kuya, kailangan lang talaga sa trabaho, eh."

"Sa hospital? Kailangan ba talagang payat kayo?"

Sa tanong kong 'yon ay natigilan siya saka napakagat-labi. Parang may tinatago ito.

"Come on, pumili na lang tayo, mamaya na tayo mag-usap."

"Sige."

Namili kami ng chicken grill combo saka side dish na hipon at atsara. May pinakbet din saka lemonade juice. Nag-order na rin kami ni Mara ng lasagna at salad.

While waiting to our order ay napili namin ni Mara na umupo sa may pinakadulong bahagi, wala masyadong tao doon kaya doon na rin kami nag-usap. I know that she's hiding something.

"Tell me, ano ang gusto mong sabihin, Mara? May dapat ba akong malaman?"

Medyo hesitant siya sa tinanong ko. But, I gave her a full support, I want to understand her, I want to support her, I want to know her struggles.

"Kuya...may aaminin kasi ako."

"Ano 'yon?"

"Kuya Magnus, isa akong prostitute. I am working to some officials here in Hawaii, pagmamay-ari ako ng mga lalaking gusto ng aliw. And it's about my secret, that no one knows, ikaw lang ang sasabihan ko...may anak ako kuya. Siya ang binubuhay ko ngayon. Wala siya sa poder ko, nasa ampunan siya, pero palihim akong sumusuporta sa kaniya...sinisilip, binibisita kapag may pagkakataon ako."

Dama ko ang bigat ng damdamin niya sa oras na iyon. Dama ko ang paghihirap niya.

I slowly reach her hand. "I understand." Tipid na sambit ko.

Hindi paninisi ang kailangan ni Mara ngayon. Kailangan niya ng pag-intindi. She needs someone who can rely on, isang tao na makikinig sa lahat ng hinaing niya sa buhay.

"I'm sorry to hear that, Mara. I don't know what happened, and if I have something to offer for you, gusto kitang kunin at ang anak mo, hindi ka na magtatrabaho sa mga lalaking 'yon, mananatili ka sa hospital, dahil alam kong iyon ang gusto mong trabaho, ang makatulong sa kapwa."

Napangiti ito sa akin. Naiiyak. Halatang hindi inaasahan ang mga sinabi ko.

"Sobra sobra na ang pabor na binibigay mo, kuya. Alalahanin mo, may asawa ka na, at nakikita kong malapit ka na ring maging ama. Dapat mo silang ipriority," alanganing sambit ni Mara.

"She can understand..." Sabi ko pa.

Buti na lang at dumating na ang order namin kaya naputol ang pag-uusap naming dalawa.
"Here's your order, maam, sir. Enjoy your meal."

Tahimik kaming kumain, tiningnan ko lang si Mara habang kumakain. Anyway, mas maganda na rin na mag-obserba sa kaniya.

Hindi rin kami nagtagal sa kainan dahil gusto ko ring bilhan si Mara ng mga masusuot at mga supplies sa bahay niya.

"Pumili ka na," sabi ko pa sa kaniya. Sabik na sabik si Mara na pumili ng masusuot, pero laking gulat ko kung bakit doon siya papunta sa children's wear.

I sense that she wants to buy something not for herself, but for her kid.

Nagmasid lang ako sa oras na iyon. Namili siya ng mga damit na panglalaki. Kung gan'on lalaki pala ang anak niya. Namili rin siya ng sapatos at mga laruan.

Nakacrossed-arms lang ako habang nagmamasid. After a while ay kumuha ako ng nakita kong necklace sa isang gallery shop. Naalala ko si Vanna. Mahilig 'yon sa mga necklace, kaya pumasok ako at namili na rin. I see some gold pendant and gold simple lace. Pumili na rin ako ng hikaw.

Nang makapag-bill out ay bumalik na rin ako sa shop kung nasaan si Mara. Nagpacounter na ito kaya agad akong pumunta para magbayad.

I give her my card.

Sakto lang naman ang total na nakuha niya, if I know, tipid ito sa lahat ng bahay, dahil hindi naman mamahalin ang pinili niya.

"Let's go?" sabi ko pa rito.

"Salamat talaga, kuya ah."

"No worries, it's fine." Balik na ngiti ko.

Nang matapos kami sa mall ay agad na rin kaming umalis at nagtungo sa parking lot. Nang makasakay sa kotse ay may hiniling si Mara sa akin.

"Kuya, can we go to the children's home? Gusto ko lang ibigay 'to."

"Of course, sige. Just guide me." I replied without any hesitant feeling.

Dirediretso lang kami sa daan. While driving ay nagpasounds kami ni Mara while hanging out together. Masaya talaga kapag may kapatid kang babae. I am aware how women thinks and women chose everything else. Gaya ni Mara, may similarity sila ni Vanna dahil ginagawa nito ang lahat para sa ikabubuti ng nakakarami.

I believe that somehow, women has the reasons why they keep telling that they're fine even they're not. They want to keep the decency of their pride. Not no one can belittle them, through emotions or any instance. Kaya siguro gan'on katatag si Vanna kasi gaya ni Mara, they are born in difficult situation. They have no choice to be soft. They must fight.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko pa rito.

"Oo malapit na tayo, kuya." Turo nito sa akin papunta sa isang burol kung saan may malaking gate.

"Nandito na tayo." Saad niya sa akin.

Huminto ako saka pumarada. Nang makababa kaming dalawa ay sabay kaming nagtungo sa may guard section. Nandoon ang record logs ng mga taong papasok sa loob.

Sinulat ni Mara ang pangalan niya, gan'on din ako na nagsulat sa bago kong pangalan. After that ay pumasok na kami at tahimik na nag-obserba sa loob.

Maraming bata ang nandoon. Ang ilan pa nga ay kumakaway sa aming pagdating. Ang iba'y bumabati pa at nakangiti sa aming pagdating.

Nakita naming paparating ang isang madre. Masaya itong nakatingin sa amin, lalo na kay Mara. Seems Mara is visiting here a lot.

"Oh it's you again, Mara. I'm happy to see you again," masayang bati ng madre kay Mara. Nakasunod lang ako sa mga ito.

"It's great to see you again, mother. By the way, he is my brother, Alfonso."

Lumingon ito sa akin.

"Good to know you, Alfonso."

Isang ngiti lang ang binigay ko rito at nanatiling tahimik. Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa kung saan. Maraming mga kwarto ang nandoon.

Nang makapunta kami sa ikalawang palapag ay nakita namin ang mga batang tila may depekto sa katawan. May mga nakasakay sa wheel chair, may mga pipe at may abnormalities, naisip ko tuloy na baka may kondisyon din ang anak ni Mara.

"Nandito na tayo kuya," ngiti ni Mara sa akin.

"Nasaan siya?" Tanong ko rito.

Nang magbukas ang pinto ay nakita ko sa loob ang isang batang lalaki, edad lima o anim na taong gulang, bulag ito at may tungkod na dala habang naglalakad.

"Who is it, mother superior?" tanong pa nito.

"Oh, Quil here's your visitor, ma'am Mara."

"Ma'am Mara. I miss you, where are you." Kinapa-kapa pa nito ang paligid. Agad na lumapit si Mara at binigyan ito ng mainit na yakap.

"I miss you, too, sweetie. I have something for you. I hope you'll like it."

"Oh, thank you! Ma'am."

"And by the way, Quil, I have someone with me now, I'm with my brother, Alfonso."

Agad akong lumapit dito. Kinapa naman ako ng batang nagngangalang Quil.

"Nice to meet you, sir." Kahit hindi niya ako nakikita ay nakangiti lang ito sa akin.

Nakakatuwa si Quil. May similarities ang mukha namin, pero taglay nito ang looks ng kaniyang mama. And if his father is american, nakuha naman ni Quil ang blue eyes nito at matangkad na height.

Napayakap ako nang mahigpit dito. Hindi ko akalain na sa lahat ng tinatamasa kong yaman, kabaliktaran naman iyon sa kambal ko na si Mara.

Nang mawalay kami ni Quil ay kinausap ko si Mara nang masinsinan.

"Bakit nabulag siya?"

"Impeksyon sa pagkapanganak ko, kuya. Pero kaunti nalang ang kulang sa treatment, maooperahan na rin siya, tinutulungan ko sila mother para makalikom ng pera panpaopera."

"How much is it?"

"No, kuya, sobra-sobra na ang tulong mo sa akin."

"No, Mara. I need to know. How much is it?"

Nagdadalawang-isip man ay nagsalita si Mara. She even struggle to say the amount.

"Two thousand dollars," mahinhin niyang sambit.

I tap her shoulder and hug her tight.

"Don't worry, tutulungan kita, Mara."

"Thank you so much, kuya. Thank you so much..." mangiyak-ngiyak na sambit nito sa akin. Inalo ko ito at mas hinigpitan ang yakap.

"Everything will be fine, Mara. Trust me."

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon