Chapter 44

583 45 34
                                    


Vanna's POV

"Sumagot kayo!"

"Oo, it's you. You are my daughter, and I'm your real mother."

"That can't be!"

"Yes it is! Ako ang tunay mong Ina, kapatid mo si Jay, at nahanap ko kayo matagal na, ngayon lang ako naglakas-loob na magpakilala sa'yo, knowing that you're with this man, that least I didn't expect to be your husband, he's not meant for somebody, not even you, anak." Sambit ni ginang Catriona na siyang rason upang mamalisbis sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Listen, Vanna. I didn't mean to..." si Magnus na sumabat sa amin.

"Matagal mo na bang alam?" may hinanakit na boses ko.

Hindi siya sumagot.

Napatakip ako sa sariling bibig.

"All these time, Magnus?"

Mahina siyang umiling. "No."

"Then when!"

Nagpapalit-palit ako ng titig sa dalawang taong nandoon.

"I am doing this for you, Vanna. Makinig ka." Dahan-dahang naglakad papalapit sa'kin ang ginang. But, I also moved a bit backwards, I can not take it long.

"Vanna..." makinig ka. Nakita ko ang pagtigil ng ginang at medyo napahawak ito sa upuang nandoon. She's struggling. Oh my god!

Natutop ako ang sariling bibig. She almost past out, napaluhod siya na tila may masakit sa bandang tiyan niya.

"W-what's happening?!" tarantang turan ko. Gayundin si Magnus na halos hindi makagalaw sa oras na iyon.

Dinaluhan ko ito saka maingat na kinapa kung saan banda ito nasasaktan.

"Ginang Catriona...anong nangyayari?"
Nilingon ko si Magnus. "Help!"

Doon lang ito natinag at dumalo rin sa akin na noo'y nasa sahig. Madali niyang kinuha ang ginang at binuhat.

"She's in pain. We must take her to the hospital." Walang emosyong sambit ni Magnus na noo'y nagkaroon ng pabor sa eksena. Kahit galit siya sa matanda ay hindi nito kayang walang gawin.

Napatanaw ako sa mga mata ng ginang na noo'y unconscious na nakatingin sa akin.

Gusto kong tawagin si kuya Jay. Gusto kong humagulhol sa bisig ng kapatid ko.

Saktong nakalabas kami sa bulwagan ay laking gulat namin nang agad kaming pinalibutan ng mga armadong tauhan ni ginang Catriona. They are aiming their gun to us, as if may ginawa kaming masama sa lider nila.

"D'yan ka lang, sir Magnus!" sambit pa ng lider ng tauhan. Nakatutok ang baril nito kay Magnus.

"Nagkakamali kayo ng inaakala!" sigaw ko pa.

"Ibaba mo ang ginang!" dugtong naman ng isa pang tauhan.

"She needs to send to the hospital!" Galit na sigaw ni Magnus sa mga ito.

"Huwag kang magtangkang gumalaw, sir Magnus." Mas humigpit ang hawak ng mga tauhan ni ginang Catriona sa mga armas nito.

"We didn't mean anything! Wala kaming ginawang masama!" sigaw ko pa sa kanila.

"Ibaba mo si madam, sir!" utos ng isa sa mga nakapwesto sa likuran ni Magnus. Nakatutok ito ng baril sa kaniya. As if na gagawin niya ang gaya nito sa sarili niyang tiya.

Napabuntong-hininga si Magnus saka tumingin sa akin.

"Don't go away with me, I need you to stay near me, Vanna." Mataman siyang nakatingin sa mga mata ko. Kumibot ang mga labi ko, na tila ayaw sumang-ayon sa utos niya, but hell I am, hindi ko alam kung bakit ako tumango sa kaniya.

Mapait itong ngumiti sa'kin, at noo'y dahan-dahan niyang inilagay sa sahig ang katawan ni ginang Catriona.

"Madali kayo, she needs medical help." Dugtong ni Magnus.

Nang makuha ng mga tauhan ni ginang Catriona ang katawan ng amo nila ay gayundin ang pagsapak at pagtadyak ng iilang gwardiya kay Magnus.

"No!" sigaw ko nang makitang napahalik sa sahig si Magnus. Pinagtutulungan siya ng mga tauhan, habang pinaghahampas siya ng mga malalaking baril.

"No! Tama na! Huwag n'yong saktan ang asawa ko!" hagulhol ko.

Nakatingin lang si Magnus sa akin sa oras na iyon.

"Kailangan siyang turuan ng leksyon," sambit ng isa sa mga tauhan at mabilis na sinipa ang mukha ni Magnus.

"Huwag!"

Naaawa ako sa lalaking mahal ko, halo-halo ang nararamdaman ko sa oras na iyon. Hindi ko tiyak ang mga susunod na pangyayari. Hati ang presensya ko dahil doon din ay nakita ko kung paano nila dalhin paalis si ginang Catriona na noo'y tila nahihirapan sa kung anumang karamdaman nito.

Napalingon ulit ako ky Magnus na noo'y pinagtutulungan ng mga tauhan.

Everyone is hurting me. Nakita ko ang natapong baril ni Magnus sa kung saan. Dala na rin ng mabigat na pakiramdam ay hindi ko napigilang kunin iyon, kinasa ko ito, isang malaking buntong-hininga ang ginawa ko bago ko pinagbabaril ang mga tauhang nandoon.

Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw. Lahat sila tinira ko sa ulo. It seems that a no mercy personality that I almost left for a long time is coming back to my inner self. Tila nasa sistema ko ang pagiging bihasa sa pamamaril. That also, in my past, I am an assassin in disguise.

Tumihaya sa sahig ang mga duguang tauhan.
Patay ang anim na tauhan.

Gulat na gulat si Magnus sa ginawa ko. Nasaksihan niya ang pagiging ganito ko.

"You...you killed them?" Ani ni Magnus na parang ibang tao ang kaharap niya.

Ilang minuto pa ay nagsidatingan ang ilang tauhan na noo'y nakapwesto sa itaas. Mabuti nalang at nakabig ako ni Magnus at nakapagtago sa pagitan ng dingding.

Niratrat kami ng baril mula sa itaas. Yakap-yakap ako ni Magnus sa oras na iyon.

"We need to go in the storage room, doon ang daanan palabas." Sambit pa niya sa taenga ko. Ramdam ko ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakadikit ng dibdib namin. Even his breathing is pumping fast.

I know he's tense.

Dadalawa lang ang dala naming baril. Tig-isa lang kami, at kailangan naming makatakbo sa kabilang pasilyo. But the staircase above us is firing us as hell.

"Huwag kang magtangkang kunin si maam Vanna!" sambit ng tauhang nasa itaas.
Nagkatinginan kami ni Magnus. Hindi nila nakita ang ginawa ko kanina. Na ako mismo ang pumatay sa mga kasamahan nila.

We can use it as a set-up plan.

"Come here." Sabi ni Magnus na agad akong pinulupot.

"Stay calm. Okey?" sabi ni Magnus na noo'y itinutok na ang baril sa sintido ko.

Dahan-dahan kaming lumabas sa aming pinagtataguan.

"Any wrong move, I'll kill Vanna." Sambit ni Magnus sa mga ito. Paisa-isang hakbang ang ginawa namin, habang tanaw ko lahat ang pagpipigil ng mga tauhang nasa itaas. Nakapwesto sila sa bawat hilera ng rails sa hagdanan.

Maging ang nagpakain sa akin kanina sa kotse ay tanaw ako, na tila ayaw din nila akong saktan. That's their mission, to protect me. Hindi nila alam na ako ang umahas sa ilan nilang kasamahan na noo'y nakahandusay na sa sahig.

"Easy." Bulong ni Magnus sa likuran ko, habang noo'y dinadaanan namin ang mga nakahandusay na lalaki sa sahig. Ilang hakbang na lang at makakapasok na kami sa aisle papunta sa storage room.

"Huwag mong tangayin si maam Vanna, sir Magnus. Utos ni madam na dito lang si Vanna. Pinoprotektahan namin si Vanna, dahil gustong patayin ng organisasyon si Vanna. Kung kukunin mo si Vanna, parang ikaw na rin ang naghatid sa kaniya sa libingan. Unawain mo, sir Magnus. Mamili ka." Si kuya ang nagsabi ng bagay na 'yon, ang mismong nagpakain sa akin noon sa kotse.

Natigilan si Magnus sa pinagsasabi nito.

"Anong alam mo?" si Magnus na nakatingin sa itaas. Hawak-hawak pa rin ako.

"Sir Magnus, may kill order na po galing sa organisasyon para kay maam Vanna, kaya namin siya kinuha sa poder mo, dahil ayaw ni madam Catriona na madamay siya. May patong na po sa ulo si maam Vanna. At kung aalis kayo dito ngayon, maraming bounty hunters, assassin, at killers ang maghahabol sa inyo. Laganap na po ang balita sa lahat ng grupo." Sambit pa ng lalaki sa itaas.

Napaawang ako sa narinig.

Is this means that my real mother is just protecting me to all, that she is doing this to secure me?

Napatingin ako kay Magnus sa likuran. Even his eyes are telling me to stay, pero parang hindi niya kayang isatinig iyon.

"I won't stay without you, Magnus. Kaya kung aalis ka, sasama ako." Sabi ko rito.

"We can't be together, Van." Sabi nito na tila gustong ipaubaya ako sa kanila.

"Magnus...don't leave me again." Mahinang usal ko.

"But, they will..."

"If it's the process of being with you, I'd rather die knowing that we're together. Iyon ang pangako mo, 'di ba?" mapait along ngumiti sa kaniya.

Napalunok si Magnus at muling niyakap ako nang mahigpit.

"Let us through, we decide to be together from now, 'til the end." Iyon ang sabi ni Magnus saka patakbong hinatak ako sa kabilang banda, hawak-kamay kaming tumakbo sa pasilyong iyon. Papunta na kami sa storage room. Naka-ready na ang escape plan.

Pumasok kami sa makitid na butas na sakto lang ang laki para makalabas. Para itong lagusan. Hanggang sa makapunta kami sa isang bagsakan, parang manhole, papunta sa ilalim na bahagi ng mansion na tila dating escape area, maraming daanan doon. Kung siguro'y ako lang ang mapadpad doon ay malilito ako kung saan ako liliko o dadaan, pero dahil hawak ni Magnus ang kamay ko, kampante ako sa anumang mangyari.

Ilang sandali pa ay nasilayan na namin ang damuhan. Nakalabas na kami sa ilalim, at ngayon nga'y patakbo naming nilisan ang matataas na talahib ng damo. Nakita kong may kinuha si Magnus sa likuran ng puno. Isa itong motorsiklo. May kinuha siyang spare helmet at ihinagis 'yon sa akin.

"Take that. Isuot mo."

Mabilis ko naman itong isinuot at sumampa sa motorsiklo, hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na nilisan ang lugar. Hawak-hawak ko ang beywang ni Magnus. Mahigpit.

Kahit na maraming balakid at kontra sa aming dalawa, I know that we can have our freedom. I know, someday...pagbibigyan din kami ng panahon, ng tadhana, o ng sinumang may likha na nasa itaas.

"Kumapit ka lang..." narinig kong sambit nito sa akin. Mas binilisan niya ang pagtakbo. Napapikit na lang ako sa ginagawa niya. Halos hindi ko maibuka ang paningin dahil sa malakas na hampas ng hangin sa aking mukha.

All I know now, is Magnus saved me not once, not twice, but, thrice in my fucking life.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon